Kahit sobrang bigat ng pakiramdam, pinilit kong bumangon ng maaga. pag kasend ko kasi ng Email kay Embry iniexpect ko na na pupunta sya dito ngayon sa unit at hinanda ko na ang sarili sa lahat ng paliwanag na kailangan kong isagot sa kanya. Walang tigil din sa pag tunog ng phone ko, dahil sa mga messages ni Embry. hindi ko muna binasa lahat iyon, hihintayin ko nalang muna na dumating sya dito para mas mapag usapan namin. For now, I need to prepared myself, my mind, and feelings. ayokong makitaan ako ni Embry ng kahinaan. kailangan kong patunayan sa sarili kong kaya ko. Nang matapos akong mag asikaso, nag tingin tingin ako sa aking laptop ng mga lugar na pagi-stayan ko habang hindi pa ganun kalaki ang tyan ko. balak ko na din na doon nalang din manganak at kung pag bibigyan maniniraha

