Natapos ang buong maghapon ko ng nandito lang sa bahay at inaasikaso ni Chris. Kahit anong gusto kong kainin o ipabili ay sya na mismo ang bumibili o nag luluto. "Kamusta na pala si Chezca?" bigla kong usisa dito. namiss ko din kasi ang bata na yun, lalo na ang mga malalambing na ngiti nito. "Okay naman, makulit at maldita pa rin paminsan-minsan." pang aasar nito sa kapatid. tyak once marinig ito ni Chezca malamang sa malamang mag iinis nanaman iyon. "Grabe ka naman sa maldita, ang bait bait kaya ng kapatid mo." ani ko rito tsaka sinubo ang ice cream na pinabili ko dito. ninanamnam ko pa, kahit nawi-weirdan si Chris sa lasa. "Maldita yun, sayo lang mabait. boto kasi sya na maging Girlfriend kita." sambit nito. bigla naman nagtaasan ang dugo ko sa mukha sa sinabi nito. "Chris.."

