CHAPTER 9

559 Words
HARRY "BASTARD!" Gigil na sabi ni Harrison. "Anong sinabi mo?!" "Nakalimutan mo ba ang sinabi ni Mommy? Don't ever hurt a woman, kahit sa salita masakit pa din iyon! Bading ka at pagbaliktarin mo ang mundo lalake ka pa din, so don't hurt her. Give some respect will you?" "I will, if you stay away from her." "Why? She's my friend now." "I don't know." Bulong ko. "Maybe because you jealous over me." "Never. Hintayin mong magsnow dito sa pilipinas bago mangyari na magselos ako sayo." "Whatever you say, Harry. Halata naman sayo ayaw mo lang sabihin, baka naman nagiging lalake ka na at ayaw mo pang ilabas." "Ewan ko sayo." Saad ko bago pa man ako makalabas ng canteen ay nagsalita siya. "Find Drecia and apologize to her, don't ever hurt her." Huminga ako ng malalim bago hinanap si Drecia at natagpuan ko siya na nasa garden. Tahimik na lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito at napansin ko na namumugto ang mga mata niya. Para tuloy nakaramdam ako ng konsensiya dahil sa pag-iyak niya. "I'm sorry." "Para saan naman? Kailan ka pa natutong magsorry?" "I'm sorry okay? Sorry sa binitawan kong salita." Hindi siya nagsalita at bigla na lang tumayo. "Hey! Where are you going?" "Uuwi. Masama pakiramdam ko." Sabi nito. "Hatid na kita." Pagpepresinta ko. "No need." Tipid na sabi nito. Sinundan ko na lang siya hanggang makasakay ito ng taxi. Huminga muna ako ng malalim bago pumunta ng Business Department. Sumakto naman nadaan ko si Kylie kasama ang boyfriend nito. "Harry, nasaan si Drecia?" "Umalis, masama daw ang pakiramdam." Sinamaaan ako nito ng tingin. "Pinaiyak mo no? Narinig ko sa iba na may inaway ka na babae, it means si Drecia." "Yes." Pag-aamin ko. "Baliw kang bakla ka! Buntis siya tapos paiiyakin mo? Masama sa mga buntis yon." "Easy lang, Sweety." Singit na saad ng boyfriend nito. Ako naman ito parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. "B–buntis siya?" Tumango ito. "Oo, kaya ikaw hinay-hinay ka sa pakikipag-away kay Drecia." "Anong address niya?" "Same village lang kami at katabi lang namin sila ng bahay." ** "Nandiyan po ba si Drecia Marie?" "Oo nandito, sino ka?" Tanong ng ginang. "Ako po si Harry Swift. Kaibigan niya po ako." Kahit hindi naman kami magkaibigan. "Ganon ba, sige pasok ka na at puntahan mo na lang sa kwarto niya, nasa kaliwang pasilyo lang. Nagpapahinga kasi siya." "Maraming salamat po, Ma'am." "Tita Veron na lang." "Maraming salamat po, Tita Veron." Pumasok na ako at dumeretso sa kwarto niya. Nadatnan ko ito na nasa banyo. Nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala at lumapit sakaniya saka hinaplos ang likod niya. Napatingin ito sa akin, nagsusuka kasi ito ng madatnan ko. "A–anong ginagawa mo dito?" "I'm worried about you." Sabi ko. Nang magmumug ito at napahawak ito sa lababo. "Are you okay?" Nag-aalala na tanong ko. "Nahihilo ako." Sabi nito. Lumapit pa ako sa kaniya at binuhat siya saka hiniga sa kama. "Take some rest and we will talk later. I know your secret." "A–anong secret?" "Basta, magpahinga ka na." Sabi ko at tumabi sa kaniya, ewan ko ba para yatang may sariling konrol ang katawan ko at tumabi ako sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok niya. Bading ako oo, pero gusto ko siyang alagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD