DRECIA MARIE
PAGMULAT ko ng mata ay naramdaman ko kaagad na may nakadagan sa tyan ko.
Pagtingin ko ay natutulog si Harry. Tahimik na umupo ako. Ito naman si Harry ay nagsumiksik sa akin.
Hinayaan ko na lang muna siya habang ako ay napatingala sa kisame.
"Paano kung buntis talaga ako?" Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Gising ka na pala, Babae." Napatingin ako sa katabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Iyon kaagad ang tanong ko. Kanina pa kasi niya ako hindi sinasagot.
"Buntis ka daw."
"Sino nagsabi?" Nagtatakang tanong ko.
"Si Kylie."
"Hindi pa naman sigurado kung buntis talaga ako." Mahinang sagot ko.
"Dapat alam mo dahil ikaw ang ama ng anak ko."
Nagsalubong bigla ang kilay ko at natawa dahil sa sinabi niya. "Ako magiging ama ng anak mo? Nagpapatawa ka ba? Babae ako at ikaw ang lalake."
Napairap ito. "No way!
"Ako ang babae sa atin dalawa." Dagdag nito.
"Ewan ko sayong bakla ka!"
"Get up and change your clothes, magpapacheck-up tayo."
"Buntis ka din?" Tanong ko.
"No, but you are."
"Tinatamad ako. Saka hindi pa tayo sigurado."
"Kaya nga magpapacheck-up, saka kung bubuhatin kita baka mawalan ako ng matres."
Natawa ako lalo. "Wala kang ganon, Bakla!"
"Heh!"
Umayos ako ng higa at niyakap siya. Saka nagsumiksik pa sakaniya.
"Ano ba, Babae!"
"Hayaan mo muna ako."
"No, If you don't want to get up and change. I will the one who will change your clothes."
Inalis nito ang pagkakayakap sa akin at tumayo na ito. Nakamasid lang ako sa kaniya.
Lumapit ito sa akin habang may hawak itong damit at jacket. "Upo." Utos nito.
Napanguso ako habang sumunod sa utos niya. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya habang binibihisan ako nito.
"Bakit may jacket pa? Ang init kaya! Take note hapon pa lang."
"Syempre buntis ka. It's already 6 pm it means evening."
"Wala na kayang clinic na nakabukas."
"Pupuntahan natin yung kakilala ko."
"Okay." Tinatamad na sabi ko at tumayo na saka itinaas ang kamay ko.
"What?" Nagtatakang tanong nito.
"Buhat mo ako."
"Naku! Kung hindi ka lang buntis baka sinabihan na kita ng kung ano diyan." Sabi nito at binuhat ako.
"Mawawalan ako ng bahay bata nito." Reklamo niya.
Natatawa na pumapit akong maigi sa kaniya. "Wala kang ganon, Bakla."
"Heh!"
Pagkalabas namin nadatnan namin si Mama at kasama si Papa dahilan para makaramdam ako ng kaba.
Napatingin sila sa amin, nag-iba ang expresyon ng mukha ni Papa.
"Anong ibig sabihin nito?!"
"Ibaba mo muna ako."
"Don't." Pigil ni Harry.
"Nandito si Papa, Bakla. Malalagot tayo pag hindi mo ako ibinaba."
"It's okay."
Lumapit kami sa kinaroroonan nila Papa. Umupo si Harry kaya napaupo ako sa hita niya.
"Umayos ka ng upo, Drecia Marie." Babala na saad ni Papa.
Napanguso naman ako at umupo sa tabi ni Harry. "Umayos ka, Bakla." Bulong ko kay Harry.
Napatingin ito sa akin bago itinuon ang atensyon kay Papa.
"Anong relasyon mo sa anak ko?"
"Hm. A–ako po ang ama ng ipinagdadala ni Drecia." Nag-iba ang boses nito.
Naalala ko bigla yung sinabi nila Tita Hannah, nagpapanggap itong lalake sa harapan ng Daddy nila. Ganon ang nasa harapan ko ngayon.
"Ano?!" Napatingin sa akin si Papa, "Totoo ba iyon?!"
"O–opo, Papa."
Bumaling ang tingin ni Papa kay Mama. "Bakit naman hinayaan mong makapunta itong lalakeng ito sa kwarto ni Drecia Marie?"
"Masama kasi ang pakiramdam ni Drecia kanina, Mahal. Saka akala ko talaga magkaibigan sila."
"Sorry po, Tita Veron."
"Okay lang iyon, Harry."
Bumaling ulit ang tingin ni Papa kay Harry. "Anong balak mo ngayon sa anak ko?"
"P–po?"
"Anong balak mo?!"
"H–hindi ko pa po alam, Sir."
"Papuntahin mo bukas ang magulang mo dito at pag-uusapan namin ang kasal niyong dalawa."
"P–po?"
"Ano may angal ka? Binuntis mo ang anak ko."
Napahawak ako sa braso ni Harry. "Sorry." Bulong ko.