Maaga pa lamang ay hindi na magkandaugaga ang mga make-up artist, event organizers at iba pang mga tauhang busy para sa magarbo at masayang araw na ito, ang pag-iisang dibdib nila Rohan at ng kanyang kapatid. Maaga rin siyang binulabog ng mga mag-aayos sa kanya. Alas singko pa lang ata ng umaga ay naroroon na ang mga ito ay kumakatok sa kanyang pinto. Masyado ba siyang napagod kahapon dahil maaga siyang nakatulog. Hindi na nga rin niya namalayan kung sino ang kumuha ng pinagkainan niya dahil ang huling naaalala niya ay bigla na lang siyang dinalaw ng antok pagkatapos na pagkatapos niyang kumain. Medyo masakit rin ang ulo niya kung kaya't humingi siya ng gamot paglabas niya ng banyo. Doon na rin nag-breakfast ang mga mag-aayos sa kanya kasalo niya. Mas okay na rin iyon para hindi naman

