Nagsimula nang pumailanlang ang tugtog hudyat na magsisimula na ang kasal. Simula na rin nang pagkawasak ng puso niya nang tuluyan. It’s the start of her heart’s funeral. Her brother bid a short goodbye and went back to his place. Isa din kasi ito sa groom's men. Pagkatapos ay nagsimula nang maglakad ang mga nasa unahan niya. At habang papalapit ang kanyang moment ay nagwawala na ang kanyang puso. Panay na rin ang buntong-hininga niya. Naninikip na ang kanyang dibdin at halos pangapusan na siya ng hininga. She closed her eyes tightly not to break down and to calm herself. Huli na para mag-back-out siya. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa loob ng simbahan at pakiramdam niya ay papunta siya sa kamatayan. Pakiramdam niya ay bibitayin siya kaya hindi niya magawang ngumiti. Nanlalamig

