Chapter 3

1873 Words
"I think I might join you." he had said. Naalala ni Kate ang sinabi ng lalaki kagabi as she rubbed a final bit of sun-block onto her nose and knotted a sarong around the waist of her red velvet swimsuit. Magkikita kasi sila ngayon ni Fiel Delos Arcos sa beach at hindi talaga niya lubos maisip kung bakit napapayag siya agad sa lalaki. She let a rueful smile curve her lips. Pakiramdam niya para siyang isang teenager na sabik na sabik makita ang kanyang ka eye ball. Oo nga't ka bi-break lang nila ni Prince ang kanyang long-time boyfriend, but that didn't mean she had to start acting like a nun! Hindi naman siguro hineous crime ang ma attract sa isang napaka yummy na fafa. Lalo na't konting oras nalang ang natitira niya sa isla. She scrunched her dark hair back into a ponytail and grabbed her sun-hat before setting off to find some ice cold coffee. The sun was already high in the sky, but the terrace was shaded with a canopy of dark, fleshy leaves and she took her seat. Uuwi na siya sa Pilipinas bukas, kaya lilibangin talaga niya ng husto ang sarili sa mga natitira niyang oras sa isla. "Parang naging magkaibigan na kayo kagabi ni Mr. Delos Arcos, Miss Kate ah." obserba ni Nick nang ibigay na nito ang inorder niyang ice cold coffee. "That's right." sang-ayon naman ni Kate. "I think he like you." walang kagatol-gatol na pahayag nito. Kate shook her head firmly. "Nagkasundo lang kami dahil isa rin pala siyang Pinoy kagaya natin." aniya pa. "I'm going home tomorrow morning, remember?" "But you like him?" giit sa kanya ni Nick. "Of course not! Kagabi ko pa nga lang siya nakita eh." "Pero walang babaeng hindi magkakagusto kay Mr. Delos Arcos." "Yeah, na i-imagine ko nga." tama nga naman si Nick, wala talagang babaeng hindi magkakagusto kay Fiel. Dahil bukod sa devastatingly handsome ito, drop-dead gorgeous, at makalaglag t-back, ito rin ang pinaka hottest man alive sa paningin niya. "He was a brave man, too." dagdag pa ni Nick. Natigilan naman si Kate sa pagsimsim ng kape dahil sa sinabi ni Nick. Brave was not a commonly used word, and her interest was aroused. "How come?" "Muntik kasing mamatay ang anak ni sir Kyro kung hindi dahil kay Mr. Delos Arcos." "How?" "Nabagok kasi ang ulo ng anak ni sir Kyro sa kanyang pag dive mula sa pumpboat. Nalunod ito at nawalan ng malay dahil sa pagkabagok." Simula nito sa kwento. "Hanggang sa may isang taong tumalon sa dagat mula sa isang pumpboat at sinisid sa ilalim ang bata. Nang lumitaw muli ito sa dagat ilang minuto ang lumipas, hawak na nito ang nalunod na bata. Dumugo ang ulo ng bata kaya naman ang kulay puti na polo na suot ng lalaki ay naging pula dahil sa namansahan ito ng maraming dugo. Pero binalewala lamang iyon ni Mr. Delos Arcos, sa halip ay agad nitong dinala ang bata sa dalampasigan at ni re-revive ito. Sa awa ng diyos ay na revived naman ang bata. Kaya nga tinanaw na malaking utang na loob ng mag-asawang Kollitis ang kabayanihang pagsagip ni Mr. Delos Arcos sa anak nila." Napatango lamang si Kate. A son's life saved was worth more than a king's ransom. Ang kabayanihang ginawa ni Fiel ay kailanman hindi malilimotan, kaya naman naalala niya na may pinag-usapan pala sila kagabi ng lalaki na magkita sa tabing dagat. Tumanggi nalang sana siya. Nagpaalam na siya kay Nick at dali-dali naman siyang bumaba patungo sa dalampasigan. When she reached the shore she stood motionless. And breathless. The narrow beach was empty, at ang tanging tao lamang na nakikita niya roon ay si Fiel Delos Arcos na nakatalikod sa kanya. Kaya naman malaya niyang natatanaw ang likurang kabuuan ng lalaki. His back was the colour of the sweetest toffee and the lean, hard body was wearing nothing but a pair of navy shorts. Kaya tuloy nanunuyo ang lalamunan ni Kate sa nakakatakam na tanawing iyon. What the hell was the matter with her? Si Prince lang ang nag-iisang lalaki sa buhay niya. She had never strayed, nor even looked at another man, and yet now she felt as this beautiful stranger had the power to cast some kind of spell over her. Samantala, nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Fiel, pero kahit paman nararamdaman pa rin niya na may taong papalapit sa kanya. Kaya naman napalingon siya at nakita niya si Kate na halos di makagalaw sa kinatayuan nito. "Hi!" bati niya sa dalaga. "H-hello." ganting bati rin nito. Pinagmasdan naman ni Fiel ang kabuuan ng dalaga, thinking how perfect she looked as she was some kind of beautiful apparition who had suddenly appeared and might just as suddenly fade away again. "Come on over." he said huskily. Humakbang ng konti si Kate at pakiramdam niya para siyang bata na bago pa lang natutong maglakad. Still, he watched her as she slowly walked forward. Lalo namang napahanga si Fiel sa suot na pulang swimsuit ng babae, bumagay kasi ito sa hubog ng katawan ni Kate. The lush breasts looked deliciously cuppable also, and the curve of her hips was just crying out for the lingering caress of a man's palm. Get a grip, Fiel. Para ka namang hindi pa nakakakita ng babae before. "Hi!" he said again. "Hello!" nakangiting tugon ni Kate. Pinaalalahanan naman ni Kate ang sarili na kagagaling pa lang niya sa broken romance. At ang tanging gusto lamang niya ay ang makapag enjoy sa huling araw niya sa isla. "Sleep well?" biglang tanong sa kanya ni Fiel. Napapailing naman siya. "Not really. Maalinsangan kasi ang panahon eh kahit may aircon pa. Pakiramdam ko nga para akong nasa oven." Napangisi naman si Fiel ng wagas. "Sana nagpalagay ka nalang din ng electric fan." "Oo nga noh." napangiting tugon ni Kate. Fiel wanted something to occupy himself, something which would stop him from feasting his eyes on her delicious breasts, natatakot kasi siya na baka bigla nalang niyang mahablot ang babae ng wala sa oras at tikman ang nakakatukso na mga labi nito. "So what would you like to do?" Ang tanong na iyon ang nagpabalik sa tamang huwisyo ni Kate. Kanina pa kasi niya pinagpapantasyahan ang nakakatakam na maskuladong pangangatawan ng lalaki. Broad shoulders, perfect. Lean hips and long muscled legs, yummy! Ang mga lalaking katulad ni Fiel Delos Arcos ay dapat sana pinagbawalan mag topless. Caution na caution kasi sa sobrang hot. Matamis na ngiti naman ang iginawad ni Kate sa lalaki. "What's your offer?" Fiel bit back the crazy response that he'd like to peel the swimsuit from her body and get close to her in the most elemental way possible. Instead, he waved a hand towards the rocks. "I've made a camp." ani Fiel. "Anong klaseng camp?" "The usual kind. Yong may tent. Halika para makita mo." Sa malayo, nakita nga ni Kate ang sinasabing tent ni Fiel at nakaharap ito sa dagat. "Follow me." he said, his voice sounding husky. "Okay." ani Kate at sinundan ang lalaki. The sound of the sea was rhythmical and soothing. Kahit sobrang init pa ng araw sa mga oras na iyon pero hindi pa rin iyon ininda ni Kate. "Wow! ang laki naman ng tent mo." "Syempre, pang sampung tao kaya iyon." "It looks inviting naman." Nang makarating sila sa tent, agad naman na binuksan ni Fiel ang tent at umupo ito roon. "Sit down, Kate." he said, and gestured her to sit at his side. "Have you eaten breakfast?" Napatabi naman si Kate ng upo rito. Sa totoo lang, hindi talaga siya kumakain ng breakfast, but now she had already an appetite. Nakakatakam na ulam kasi ang katabi niya. "Hindi pa." "Good. Ako rin. Mabuti naman at sabay na tayo." She watched as he opened a cool-box beside the tent, then he pulled a bread and a fruit jam. Ang lalaki pa nga mismo ang naglagay ng jam sa tinapay niya. "Here. Eat." at isinubo pa sa kanya ang tinapay. Ibinuka na rin niya ang bibig at kinagat ang bread. "You look like you haven't eaten much lately." he observed. "Kumakain kaya ako araw-araw." "Kumakain ka nga, pero siguro once or twice a day lang noh?" Tama nga ito. Nawalan kasi siya ng ganang kumain simula ng makipaghiwalay sa kanya si Prince at ipinagpalit na siya rito sa iba. "Paano mo naman nasabi yan?" "Your cheeks have the slightly angular look of a woman who's been skipping meals." "Pre-holiday diet lang ito." she lied. "No need for it." sabi pa ni Fiel, at kinagat na rin nito ang kanyang bread. He made eating look like an art-form. In fact, he made eating look like the most sensual act she had ever seen. Naalala niya noon nang sila pa ni Prince. Oo mahal na mahal niya ang lalaki, pero maski na kailan hindi niya pinagnanasaan ang boyfriend. Marahil siguro may karismang nakapagnanasa lang talaga ang isang Fiel Delos Arcos. "Mmm..this is very good." she murmured. Napangiti lang sa kanya si Fiel at panandaliang katahimikan naman ang sumunod. At ang tanging maririnig mo lang ay ang pag hampas ng alon sa dalampasigan. "Uuwi ka na ba talaga bukas?" tanong ni Fiel sa wakas. "Ganyan naman talaga diba, kapag tapos na ang isang bakasyon? Pero sa totoo lang, gusto ko rin naman talaga mag stay pa." Alam kasi ni Kate na sa pag-uwi niya sa Pilipinas, kalungkotan at pag-iisa na naman ang mararamdaman niya. Fiel raised his head slightly and narrowed his eyes at her. "Something you don't want to go back to?" he questioned perceptively. "Or someone?" "Neither." she answered, because the truth was far more complex than that, and she was not the type of person to unburden herself to someone she barely knew. "I suppose I've just fallen in love with this island." she said softly. Totoo iyon, ang isang isla na kagaya ng Maldives ay pansamantalang malimotan mo talaga ang iyong mga problema. "What about you? Kailan pa ang alis mo?" Fiel thought of the new project which was already mounting back home in Singapore, and the opposition to it. Pero kailan ba ang huli niyang bakasyon? one or two years ago na yata. "Sa makalawa pa." anito saka humiga. Kanina pa talaga napapansin ni Kate na parang pagod ang lalaki at wala itong maayos na tulog. Kaya naman hinayaan na lamang niya itong humiga at pinagmasdan nalang niya ang mala-asul na kulay ng dagat. Sayang lang dahil naiwan niya yong camera niya sa kanyang hotel suite. Napalingon naman siya sa nakahiga na si Fiel, tama nga siyang pagod nga ito. Biruin mo tinulogan siya. Pero sa halip na madismaya dahil tinulogan lang siya ng lalaki. Malaya naman niyang matitigan ang gwapong mukha nito habang tulog. Pero mali, aalis na siya ng maaga bukas kaya hindi na niya ulit makikita si Fiel. She needed to cool off. Kaya sa halip na pagmasdan ang lalaki habang ito ay natutulog, naisip niyang maligo nalang muna sa dagat. Tinanggal na niya ang nakabalot na sarong sa kanyang beywang at tumakbo siya papunta sa dagat. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD