Chapter 5

1373 Words
Philippines "Kate, you look fabulous darling!" sabi ng kanyang editor pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito. "Do I?" "Do you?" balik na tanong sa kanyang editor na si Marlyn. "Of course you do! Blooming ka at mukhang inspired na naman." "Sobrang nag enjoy lang kasi ako sa bakasyon ko." "Mabuti naman kung ganon, so ngayon out na ba sa sistema mo si Prince charming?" Napalunok lang si Kate, alangan naman sabihin niya kay Marlyn na simula ng umalis siya sa Maldives palagi na niyang naiisip si Fiel, ang taong hindi naman niya ganon kakilala. Na ang tanging pinaghuhugutan niya upang makita niya itong muli ay ang binigay nitong card. "Nasaan na ba ang mga pictures mo? Gusto kong makita kung gaano kaganda ang Maldives." Umupo si Kate sa isang silya roon at inilabas niya mula sa kanyang bag ang camera. "Konti lang naman ang na picturan ko eh, masyado kasi akong nalibang na pagmasdan lamang ang view." "Just as long they're not all boring landscapes!" biro naman ni Marlyn at nag simula na itong mag scroll sa kanyang mga pictures. "Hmmm. Beautiful beach. Beautiful sunset...Oh! wait, wait, wait. Who the hell is this?" Nakalimotan kasi ni Kate na napicturan pala niya si Fiel ng papaalis na siya sa Maldives, so inakala niyang si Nick lang na nag se-selfie sa kanyang camera o di kaya ang kanyang brother na pinicturan nito ang kanyang biceps ang tinutukoy ni Marlyn. Pero nang maalala niya ang pag picture niya sa binata nong papaalis na siya sa Maldives. Napatanto na niya kung bakit ganon nalang maka react si Marlyn nang makita nito ang picture. "Oh, that's just a man I met." kaswal niyang sabi. "Just a man I met?" di makapaniwalang ulit ni Marlyn sa sinabi niya. "Well, kung maka met ako ng lalaking gaya nito hindi na siguro ako uuwi sa amin! No wonder you're over Prince!" "I am not yet over with Prince!" defensive niyang sabi. "He's just someone I met the day before I left." at ang taong nagligtas sa buhay ko. Ang tao ring nagpa realized sa akin na may kakayahan din pala akong magkagusto ng iba. Marlyn screwed her eyes up. "Para lang pamilyar sakin ang lalaking ito." "I don't think so." "Anong pangalan niya?" "Fiel Delos Arcos." "Fiel Delos Arcos...Fiel Delos Arcos.." paulit-ulit na sambit ni Marlyn sa pangalan ng binata na animo'y nag-iisip. "Anong nationality niya?" "I guess Singaporean." Marlyn began clicking onto the search engine of her laptop. He type 'Fiel Delos Arcos' parang gigil na gigil ito sa binata at gino-goggle pa ito. "Talaga bang hindi mo pa narinig ang pangalan niya?" "Of course I haven't." aniya pa. "Why, what have you found?" "Halika tingnan mo darling." Kate went round to Marlyn's side of the desk, prepared and yet not prepared for the image of Fiel staring out at her from the computer screen. Sigurado siyang nakaw lang yong pagkakuha sa litrato, it looked like a picture of a man who did not enjoy being on the end of a camera. Come to think of it, Kate. Di ba nagulat ang binata pagkakuha mo sa picture nito? It was a three-quarter-length pose, and his hair was slightly shorter. Hindi gaya ng sinuot nito sa Maldives na ordinaryo lang, he was wearing some kind of beautiful grey suit. Napakunot-noo siya sa nakikita, malayong-malayo kasi ito sa taong nakilala niya sa Maldives, though magkahawig nga sila. "May sarili ba siyang website?" tanong ni Kate, at di maipagkaila ang mangha sa kanyang boses. Hindi kasi siya makapaniwala na si Fiel nga ang nasa litratong iyon. Naging abala naman si Marlyn sa pag scroll sa page. "There's his business one. This one is the Fiel Delos Arcos Appreciation Society." "Nagbibiro ka ba?" "Nope. Apparently, he was recently voted number one in Asia's Most Eligible Bachelor list." Wow! number one talaga, sa isip niya. Hindi pwedeng number two or number three nalang siya. She leant closer as she scanned her eyes down the list of his many business interests. "O-M-G! He's the money behind some huge new shopping complex with a state-of-the-art theatre." bulalas ni Marlyn. "Talaga?" Napakurap-kurap naman ng ilang beses si Kate. Hindi naman kasi ito mukhang tycoon manamit nong nagkakilala sila. Akala kasi niya na ordinaryong bakasyonista lang ito na may angking kagwapohan. "Yes, really. He's thirty-three, he's single and he looks like a fallen angel." Tiningnan naman siya ni Marlyn. "Diba parang narinig na natin siya before?" "Nakapunta ka na ba ng Singapore, Miss Marlyn?" Pero parang hindi naman nakikinig sa kanya si Marlyn. Sa halip ay nagpatuloy ito sa pagbabasa ng malakas. "Fiel Delos Arcos keen brain and driving talent have led to suggestions that he might be considering a career in politics." Kumikislap ang mga mata ng kanyang editor habang patuloy pa rin itong nagbabasa sa isang article ni Fiel. "Magkikita pa ba kayo ulit, Kate?" "W-wala sa plano ko." Ano pang saysay na makita niya muli ito? Mayaman ito at sikat, siguro wala siya ni sa katiting ng mga babae nito. "But did he ask you out?" tanong ni Marlyn. Napapailing lamang siya. "Hindi. Binigyan lamang niya ako ng isang card kung sakali daw na pupunta ako sa--" "Saan sa Singapore?" "Basta." From behind her spectacles Marlyn eyes were boring into her. "Kung sa Singapore nga..Why not?" "Marami kasi akong rason eh, isa pa hindi pa ako masyadong naka get over kay Prince." aniya, tuloy sumisikip na naman ang kanyang dibdib tuwing maiisip niya ang nobyo. "Ang sakit lang na si Prince mismo ang bumitaw sa akin. It went on for six years and I need to get over it properly." she shrugged, trying to rid her mind of the image of black hair and piercing grey eyes and that body. Trying in vain to imprint Prince image instead. "Kababago pa lang namin maghiwalay ni Prince, kaya I don't think na kakayanin ko pa ang makipag date sa iba." "My God, Kate. No one's asking you to have a love affair!" Marlyn exploded. "Naging friends naman kayo, diba?" Natigilan si Kate sa sinabi ni Marlyn. "I'm not flying to Singapore to start a tenuous friendship to him." she objected. "But this man could be a future prime minister of Singapore!" object rin ni Marlyn. "Imagine Kate! You have to follow it up! You're an attractive woman, nabighani siya sayo kaya ka niya binigyan ng card. I'm sure he'd be delighted to see you!" Nanlaki naman ang mga mata ni Kate sa pahayag ni Marlyn. "Alam ko wala naman sa bokabularyo mo ang maging matchmaker, Miss Marlyn. Sinabi mo pa nga na mas makakapag focused sa trabaho ang mga single na tao na walang iniisip na nobyo o nobya. Pero bakit ngayon atat ka na magkita kami ulit ni Fiel Delos Arcos?" "Iniisip ko kasi ang mga readers natin." "Then don't." ani Kate. "Don't even think about it. Kahit pa may plano akong tawagan siya, there's no way that I would dream of writing up a piece about him, if that's the way your devious mind is working." Nginitian lang naman siya ni Marlyn. "Oh, don't take things so seriously, darling! Why don't you just go?" anito. "Give yourself a treat for a change. Ako na ang bahala sa lahat ng expenses mo papunta roon." "Pero kababalik ko pa lang sa bakasyon!" "We can do a feature on the city itself, the whole world loves Singapore at the moment - you know it does! The single girl's guide! How about kung tawagin nalang natin yan na assignment mo? And if you want to call Fiel Delos Arcos while you're there, then so much the better!" "Wala akong isusulat na kahit ano tungkol sa kanya." Matigas na pahayag ni Kate, kahit pa naglulundag sa tuwa ang puso niya na maaring makita niya ulit ang binata. "Eh di sige, hindi na kita pipilitin. Ibibigay ko nalang ang assignment na ito sa iba." ika pa ni Marlyn. "Kung ayaw mo namang magsulat tungkol kay Fiel, pwede ka namang magsulat roon tungkol sa kanilang mga shops, restaurants, at tungkol sa mga turistang pumupunta roon. That's all." At sa sandaling iyon, napaisip si Kate. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD