CHAPTER 1 SA PUSO KO IKAW LAMANG
Matagal tagal na panahon ng hindi siya nakakauwi ng bansa. Sa pagkakataon na iyon ay nakauwi din siya. Madami ng nagbago sa bansang kinalakihan niya. habang naka sakay sila ni Eleonor sa taxi ay napatingala siya at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Kim Nikole nang makita ang isang malaking billboard. nasa kahabaan ng Slex o South luzon express way ang nakikita niyang larawan. Si Calheb nga ba iyong nasa larawan? At may malaki na itong billboard at ang gwapo- gwapo pa niya sa picture na iyon.
"Tulo laway mo, no? di mo inexpect na magkakaroon din siya nang ganyan balang araw ano ka ngaun, nagsisisi ka na ba?"
Napansin pala ng kaibigan niyang si Eleonor ang Sinisilip niya.
"Alam mo, kahit ako ay nagulat, at nakita ko ang mga iyan hindi ako makapaniwala na sikat na talaga ang kaibigan natin. Nakamit niya na ang pangarap niyang maging singer at yumaman." sabi nito sa kanya.
Pareho silang nagtrabaho sa ibang bansa at pareho ring halos kababalik lang sa Pilipinas. Ito ay sa Taiwan pumunta, samantalang siya ay sa Singapore. Mas sinuwerte nga lang ito sa kanya. English teacher ang naging trabaho ni Eleonor. Pero siya, sa halip na sa opisina mapunta gaya ng sinabi ng kakilala niya na naging daan para makapunta siya sa naturang bansa, ay bumagsak siya sa pagiging waitress sa isang restaurant.
Nagkataong nagkasabay ang pag-uwi nila ni Eleonor kaya tuwang-tuwa siya sa pagkikita nila. Matagal-tagal ng huli silang nagkita nito at malabong maayos pa iyon. Baka nga hindi na siya naaalala nito.
Habang mabagal na umuusad ang taxi sa traffic ay naalala ni Kim Nikole ang nakaraan.
"Ohhh yeah, ohh yeah, yeahh ohhhh-o..."
Napapailing na sinulyapan ni Kim Nikole ang kumakanta. Birthday ng mommy niya at gaya ng halos lahat ng okasyong pinoy ay hindi mawawala ang kantahan. Ang kaibahan lang, hindi nakakatunaw ng tutuli ang kumakanta nang mga sandaling iyon. In all fairness, maganda ang boses nito. At bakit nga ba hindi, kung ganoong aspiring singer ito.
Ngumiti sa kanya si Calheb nang makita nitong nakatingin siya rito. Kumindat pa ito, saka iniba ang lyrics ng kantang lumalabas sa screen ng telebisyon.
"When a day i said and done..." Nag- uumapaw ang damdamin sa birit nito. Pagkatapos ay hindi na ito kumanta at nagsalita na lang. "In the middle of the night, and your fast asleep, my love Nicole kim. Stay awake looking your beauty. Telling myself I'm the luckiest man alive."
"Ulol!" bulalas niya at pinandilatan pa ito. Nahihiya na si Nichole sa ibang bisita nila na mukhang aliw na aliw sa panonood sa kanila.
"Hindi mo pa kasi sagutin, friend." Siniko siya ni Eleonor na napadaan sa tabi niya.
"Mabait naman at mukhang sobrang Mahal ka niya diba? Nakita mo naman ang mga galawan niya hindi pa ba obvious sayo. Uy!" kantiyaw pa ni Eleonor sa kanya.
"Sorry na lang siya pero may iba nang laman ang puso ko," sabi niya. Sumimangot lang ang kaibigan niya. "The Who? Si Acheaus ba? Mukha namang babaero yang taong gusto mo friend at saka laman nga siya ng puso mo pero ikaw, kahit yata one
inch na espasyo, eh, walang naokupa sa puso niya. Kasi iba naman ang gusto niya. At wala naman siyang siniseryoso na babae. Baka pati ikaw masaktan niya."
"Ouch naman. Dahan-dahan sa pagsira ng pagpapantasya ko sobra ka masakit din kahit paano," sita niya rito.
"Ang sa 'kin lang naman, eh, friendly advice. Ayan o, may lalaking pat*y na pat*y sa yo at matino naman. Patulan mo na 'yan! Kung ako sayo diyan ako sa lalaking mahal ako," giit ni Eleonor sa kanya. Tinignan uli ni Kim si Calheb. Matagal na niya itong kaibigan. Nakilala niya ito noong suma- sideline ito bilang singer para sa isang kilalang videoke machine na may puwesto sa mga malls. Siya naman ay rumaraket bilang taga test sa mga pabangong binebenta sa mall at taga alok sa mga mamimili.
Nagkasabay sila sa pag-uwi. Nagpakilala ito at nang mga sumunod na araw ay naging magkaibigan na sila. May itsura naman ito. Kagaya niya, naka- graduate din ito ng kolehiyo. Pero kagaya rin niya, hindi kagandahan ang estado ng kabuhayan nito.
Hindi naman sa naghihirap sila, kundi sakto lang ang kinikita niya para sa pangangailangan nila ng mommy niya at ng nakababata niyang kapatid. Public school teacher ang mommy niya pero dahil sa matagal na pagkakasakit ng daddy niya bago ito hanggang sa mga panahong iyon ay nagbabayad pa rin namatay ang daddy niya na maraming iniwang pagkakautang. kaya kung hindi siya magtratrabaho at gagawa ng paraan ay mapipilitang tumigil sa pag-aaral ang kapatid niyang si Rose. Malapit na itong mag college at iyon ang pinag-iiponan niya sa ngayon.
Kailanman ay hindi naging maginhawa ang buhay ng pamilya ni Kim. Simula pagkabata ay kailangan na niyang magtipid para magkasya ang ibinibigay na allowance sa kanya.Pero nagpapasalamat din siya dahil hindi pa sila dumarating sa punto na nakukulang sila sa pagkain. Kung naiinggit man siya sa mga kaklase niya noon na kahit paano ay nakakaranas ng mga luho ay binalewa na lang niya iyon.
Pero may isa siyang matinding pangarap sa buhay. Iyon ay ang yumaman. Isang pangarap na sa mga panahong iyon ay hindi pa niya alam kung paano mangyayari.
Kagaya rin lang niya si Calheb kung katayuan ng buhay ang pag-uusapan. Maaga itong naulila at kinupkop ito ng isang malayong kamag-anak. Nakapagtapos ito sa pamamagitan ng scholarship at bilang ganti sa nagmagandang-loob dito ay tumutulong naman ito ngayon sa pagpapaaral sa iba pang anak ng tito at tita nito. Nasa grade school pa lang ang bunso sa mga iyon kaya mahaba-haba pa ang lalakbayin nito bago nito masolo ang sahod
Kapatol-patol naman si Calheb kung tutuusin. Ang kaso nga ay may ibang itinitibok ang puso niya: ang fraternity brod ni Nas na si Acheaus. Unang kita pa lang niya kay Acheaus noong isama siya ni Calheb sa party
ng kaibigan nito ay may gusto na siya rito, Hind lang siya sa hitsura nito siya humanga pati na pag-aari nito.
Ala prinsipe lang ang lagay ang daming magagandang gamit Napahiya siya sa sarili. Ano ba ang iniisip niya materialistic na yata siya.
"Hoy, ano ba? Lumilipad yata ang isip mo." Siniko siya ni Eleonor.
"Kawawang nilalang sira na ang lalamunan sa kabibirit ni hindi naman pinapakinggan.
Todo-birit na si Calheb nang tingnan niya in Napailing si Kim.
"Oy, Brian Austin Green, mamaya mo na ituloy 'yang pagkanta mo. Kumain ka muna," biro niya rito.
"Oo ba. Basta ba susubuan mo ko." Hawak pa rin nito ang mic kaya dinig ng lahat ang sinabi nito.
"Hoy! Calheb Vance wag ka magsalita gamit ang mic." sigaw niya rito dahil pinagtitinginan na sila ng mga kapitbahay nila.
"O, teka, mukhang malapit na kaming makahigop ng mainit na sabaw," kantiyaw ng isa.
"Kasalan na! kasalan na! kasalan na! hiyaw ng isa pa.
"Paano ba yan, Tita Emma, magkakamamugang ka na," panunudyo naman ng isa pa sa Mama niya na kapapasok lang galing ng kusina. Dala nito ang isang platong sisig.
"Naku, Okay lang naman sa akin wala akong tutol kung gusto nang lumagay sa tahimik ng anak ko. Nasa tamang edad na siya. At saka mabait naman tong si Nas.kung sakali ay wala kong magiging problema," sabi ng mama niya Lalong lumakas ang kantiyawan ng mga bisita nila. Si Calheb naman ay abot hanggang tainga na ang
ngiti.
"Hoy, naku! naku! Tantanan n 'yo ko," pagalit na sabi ni Kim.
"Marami pa kong pangarap sa buhay na gusto kung matupad at hindi ako mag-aasawa hangga't hindi ko nakakamit ang mga iyon."
"Kagaya ng ano?" tanong ng isang kapitbahay.
"Gusto kong maging mayaman. Ayoko ng buhay na mahirap."
Umiral ang pagkamaldita niya kaya niya nasabi iyon. Natahimik ang mga nagiingay kanina sa sinabi niya.
Nagsisi rin naman agad siya nang tumingin siya kay Calheb ay nakita niyang daig pa nito ang namatayan. Ibinigay na nito ang mic sa katabi
nito, saka tahimik na umalis ng umpukan.
"Kain nang kain," sabi na lang ng mommy niya.
"Heto o kaka-ahon ko lang nitong sisig sa kalan. Mainit Bumalik naman sa kasiyahan ang mga bisita agad at hindi na naisip ang sinabi niya kanina.
Sinundan kaagad ni Kim si Calheb. Nadatnan niyang nakaupo ito sa sementong nakapaikot sa malaking puno ng mangga sa bakuran ng lumang bahay na tinitirhan nila. Nakatingin lang ito sa kawalan. Tumabi siya rito. "Sorry, sa sinabi ko ha?"
Ngumiti ito kahit halatang napipilitan lang.
"Sorry, para saan." sabi nito.
"Hmm... Kunwari ka pang di nasaksaktan sa sinabi ko. Alam mo naman kung para saan. Nawalan lang ng preno tong bibig ko eh. Alam mo naman kung minsan, na diko ma control ito kaya kung ano-ano ng nasasabi."
Lalong lumamlam ang ngiti ni Calheb. "Kapag bugso ng damdamin ang nag-utos, ibig sabihin, may
katotohanan yon, "sabi nito.
"Ewan ko ba naman kasi dito." Kinabog nito ang bandang dibdib nito.
"Ang tindi ng tama sa yo. Ayaw paawat. Kahit alam nang walang pag-asa, panay pa rin ang banggit ng pangalan mo.
Tumawa si Kim sabay hampas sa balikat nito.
"Muntik ka nang maging corny. "Pa-emote emote rin kapag may time eh." Tumawa rin ito.
Sumandal siya sa braso nito. "Pasensiya ka na sa 'kin, friend. Hindi lang talaga siguro tayo nararapat para sa atin
"Siguro nga," sabi nito.
"Kaya lang.. "
Kaya lang ano?" udyok niya nang hindi nito ituloy ang sinasabi.
"Tagilid kayo ni Acheaus," sabi nito.
"Alam ko, naman iyon." pakli niya. Alangan siya kay Acheaus kaya kahit may kaibigan siya na magrereto sa kanya ay hindi talaga siya mapapansin nito. Mayaman ang pamilya nina Acheaus Ka-frat ito ni Calheb sa kolehiyo kaya nagkakilala ang mga ito. Sa kung anong dahilan ay nag kalagayan ng loob ang mga ito kaya napasama ito sa barkada nina Nas.
"Iba naman ang katwiran mo. eh. Ang ibig kong sabihin."
Naputol ang pagpapaliwanag nito sa pagtunog ng cell phone nito. "Speaking of the devil." sabi nito nang mapatingin sa screen ng cell phone nito.
"Excuse me sasagutin ko lang ang tawag ng demonyo este tawag ni Acheaus." Pagtalikod nito sa kanya ay sinagot nito ang tawag. "O, brod, ano'ng meron? Where...? When...? Sure no problem. I'll be there, brod."
"What is that?" Hindi natiis ni Kim na hindi mag-tanong. Pagdating kay Acheaus ay tumataas agad
ang radar niya.
"Binigyan niya 'ko ng gig. Anniversary ng isang kamag-anak. Pakulo raw ng mga anak na ipakanta ang lahat ng memorable songs ng mag-asawa."
"Uy, okay 'yon, ah. Hindi mo kailangan ng back- up?" Hindi siya kasinghusay nito pero may boses din naman siya.
"Hindi na 'ko makikihati sa bayad. Ang sa 'kin lang ay...
"Makita mo si Acheaus, sana all hinahanap." Nakasimangot na pagtatapos nito sa sinasabi niya.
"Ang makatulong sa yo, ikaw talaga." Bumuntong-hininga ito.
"Sige, titingnan ko. Baka may duet sa ipapakanta nila. Depende siguro sa mga kakantahin."
Masayang, masaya si Kim habang iginagala ang paningin sa venue na pinagdausan ng party para sa wedding anniversary. Sa rest house iyon ng pamilya ng may okasyon at sa itsura pa lang ng bahay ay halatang may mayaman ang pamilyang may-ari niyon.
Malaki ang rest house na nasa loob ng private subdibisyon. May rolling terrain ang subdibisyon at dahil sa mataas na bahagi nakatayo ang bahay ay tanaw mula sa malawak na patio niyon ang Lawa ng Taal. Papalubog ang araw nang magsimula ang palitan ng renewal of vows ng mag-asawa at nasundan na iyon ng kasayahan.
Isinama nga siya ni Calheb doon dahil mas maganda raw kung may ka-duet ito sa mga kantang paborito mag-asawa.
Ang mas ikinatuwa ni Kim ay ang pag-puna sa kanya ni Acheaus. Dati naman na siyang binabati ni pero kanina ay napansin niyang para itong nabighani sa kanya.
Dapat lang. Sobra ang effort niya sa pagpapaganda Mabuti na lang at bumagay sa kanya ang damit n nahiram niya kay Diane. Hapit iyon sa katawan kay lumitaw ang mga shape ng katawan niya
Kanina, habang nagpe-perform sila ni Calheb na napansin niyang napapatingin ito sa kanya. Tuwing mangyayari iyon ay tila natitigilan ito.
Alam niyang tinititigan nito ang kanyang dibdib dahil unang tumitingin ang lalaki sa may kalakihang dibdib niya. At kapag tumitingin na sa mukha niya ay maluwang na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
Namimilipit na siya sa sobrang kilig. Mabuti na lang at hindi siya sumablay sa pagkanta. Pero kung siya ay sobra ang tuwa itong si Calheb naman ay sobrang lungkot ng anyo.
Nang matapos ang set nila ni Calheb ay may babaeng ipinakilala si Acheaus sa kaibigan niya. Niyaya ng mga babae si Acheaus kung nasaan na si Calheb kaya naiwan siyang mag-isa. Pero mayamaya lang ay nasa tabi na uli si Acheaus na may dalang plato ng pagkain at iniabot nito iyon sa kanya.
"Uy, salamat sa pagkain." sabi ni Kim na ubod-tamis ang ngiti.
"Baka nagutom ka sa pagkanta, That was awesome, by the way. Hindi mo naman sinabi na singer ka rin."
"Singer-singer-an lang. Si Calheb ang totoong may talent sa pakanta."
"I beg to disagree. You have a nice voice... and a hot body to boot." Humagod ang mga mata nito sa kabuuan niya.
"Uy, ano yan bakit parang kinakain mo ako ng buhay." sita niya rito, kunwari ay hindi siya apektado.
"No, really. Bakit mo ba kasi itinatago 'yan?"
Hindi naman sa itinatago. Hindi ko lang feel magsuot ng mga damit na masisikip at ako ay na iirita."
"If you've got it, flaunt it."
Sa sobrang tuwa ay halos hindi siya makakain. Hindi nga niya gaanong nabawasan ang laman ng plato niya pero parang hindi na siya makalunok kaya ibinaba na niya iyon.
"Tapos ka na?" tanong ni Acheaus. "Oo. M-maliit lang ang bituka ko, eh."
"Come on. There's this place I want to show you."
Hinawakan nito ang siko niya.
Yiii! Gusto nang magtatalon ni Kim sa sobrang kilig Mukhang sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin nito na isa siyang babae. And not only was she a woman but a desirable one.
Dinala siya ni Acheaus sa mapunong bahagi ng marahil ay sakop pa rin siguro ng lupang kinatinrikan ng rest house. May gazebo doon kung saan matatanaw pa rin ang lawa sa pagitan ng mayayabong na sanga "Ang sarap naman dito," komento niya nang
dumampi ang malamig na hangin sa balat niya.
"The view is fantastic, too. sabi ni Acheaus pero sa kanya ito nakatingin.
"Ikaw!" Itinakip niya ang kanyang kamay saka
Inalis nito iyon at saka ikinulong sa mga kamay nito. Tinitigan siya nito. "You look great, Nics. Funny
how I never noticed. "Hindi ka kasi tumitingin, eh."
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Nakikipag-flirt ba ito sa
"Well, mabuti na lang at nawala na ang tabing sa mga mata ko." Kinabig siya nito sa baywang at hinila
palapit dito. Dapat na yata siyang pumalag, pero bakit niya gagawin iyon kung ganoong parang hango sa mg panaginip niya ang nangyayari?
Bumaba ang ulo nito. Mukhang hahalikan siya nito. Napapikit naman siya, sabik na hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Pero bago mangyari iyon ay may humila rito palayo. Pagdilat niya nang kanyanv mga mata ay si Calheb ang tumambad sa kanya. "Tang na naman, brod. Sabi ko sa yo, wag
mong patusin si Kim eh," paangil na sabi ni Nas kay Acheaus.
Parang galit din si Acheaus. Nangamba si Nicole na baka magpang-abot ang mga ito. Laking pasalamat niya nang sa halip na pumatol ay nagtaas si Acheaus ng mga kamay.
"Sorry, brod. My mistake," sabi ni Acheaus, saka umatras palayo hanggang sa tumalikod ito at iwan na sila.
"Lets go home." Hinawakan ni Calheb ang braso niya. Tuliro pa siya kaya walang imik na sumama siya rito. Pero nang malapit na sila sa segunda manong kotse nito ay saka siya nahimasmasan.
'Sabi ko sa 'yo, 'wag mong patusin si Kim, diba... Paulit-ulit sa diwa niya ang isinumbat ni Calheb kanina kay Acheaus.
Huwag patusin? Kaya naman pala kung makaasta si Acheaus ay parang may sakit siya. Hindi lang sa hindi siya inilakad ni Calheb sa kaibigan nito, Sinnabihan pa nito si Acheaus na iwasan siya.
Ganoon na lang ang inis niya kay Calheb. Gustong gusto niyang awayin ito pero tumahimik na lang siya dahil sa itsura ng mukha nito. Masyadong makulimlim iyon at parang makanti lang nang kaunti ay sasabog ang galit nito.
Hindi na lang umimik si Kim. Sumakay siya sa kotse ni Nas at habang bumibiyahe sila ay nanatili siyang nakatingin sa labas.
"He's not good for you." Si Calheb ang unang bumasag nang katahimikan
Hindi pa rin siya kumibo
"Alam kong hindi mo maiintindihan pero sana ay isipin mo na para din sa'yo ang ginagawa ko. Para kapakanan mo at kaligtasan.
Doon na nawala ang pagtitimpi niya. "Para sa kin o para sa 'yo? Iniisip mo ba na kapag hindi ako pinatulan ni Acheaus ay baka sakaling magkagusto ako sa 'yo? Doon ka nagkakamali, Calheb. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Hindi kita pinaasa kahit kailan at hindi ko rin itinago sa 'yo ang pagkagusto ko kay Acheaus. Sana lang ay hinayaan mong ako ang magpasya kung ano ang makabubuti para sa 'kin, ikaw ang naglalayo sa lalaking pinagpapantasyahan ko." pasigaw niyang sabi dito.
"Siya ba mismo ang gusto mo o ang kayaman niya dahil marangya siya sa buhay? Dahil kung 'yon lang, tinitiyak ko sa 'yo na darating ang panahon, baka mas mahigitan ko pa siya."
katamtaman ang tinig nito pero tanga lang ang mag-iisip na wala itong tinitimping galit sa kanya dahil sa eksena kanina.
"Wow! Thank you naman, ha? Parang muntik nang maging mukhang pera ang tingin mo sa 'kin." Napailing siya.
"Para sabihin ko sa yo, gusto ko siya dahil... dahil gusto ko siya. Basta lang.
"He's a player. Paglalaruan ka lang niya at kapag sawa na sayo iiwanan ka la-.
"Ilang taon na ba ako, Calheb? Beinte-tres na. Kung puwede na akong bumoto at kahit nga mag-asawa pa sa edad kong to, siguro naman ay may kakayahan na akong mag-isip kung ano ang makabubuti para sa akin.
Hindi yang nagmamagaling ka pa." "Sige sorry, kung yan ang pasya mo."
"Ilagay mo rin sana sa lugar."
Hindi na sila nagkibuan ni Calheb hanggang sa makarating sila sa bahay nila. Bumaba si Kim ng sasakyan nang hindi man lang nagpasalamat dito.
Mukhang malaki ang tampo ni Calheb sa kanya. Ilang araw na siyang hindi tinatawagan o tini-text nito. Mataas din ang pride niya. Pakiramdam niya ay siya pa nga ang naagrabyado kaya hindi rin siya nagtangkang makipagbati rito.
Siya rin ang hindi nakatiis. Nag-text siya rito at nang hindi ito nag-reply ay tinawagan niya ito. Ang kaso ay laging out of coverage area ang sinasabi ng recorded message.
Pagkalipas ng isang linggo na palaging ganoon ay nangahas na siyang puntahan ito sa boardinghouse na tinutuluyan nito. Wala ito roon. Lagpas isang linggo na raw mula nang umalis ito.
Ang bahay ng tita nito ang sunod niyang pinuntahan. Pero ayon sa ginang ay noong isang araw pa huling nagpunta roon si Calheb at iyon ay para mag-abot lang ng kaunting panggastos.
Ay alam ko na. Tanungin mo si Sister Yolanda, pahabol na sabi ng ginang.
"Ho?" Sino si Sister Yolanda?
"Hindi ba niya nabanggit sa yo? Siya yong namamahala sa... ano na nga ba ng pangalan ng ampunang yon? Ah, Children Service. Madalas na nagboboluntaryo si Calheb doo at naglalaan ng oras at serbisyo niya ro'n. Baka alam ni Sister kung saan nagpunta ang batang 'yon.
Hindi rin naabutan ni Kim si Calheb sa ampunan pero nalaman niya na bukod pala sa pagbibigay nito ng pera sa kamag-anak nito ay nagdo-donate din ito sa Children Service. Hindi na nakapagtataka kung bakit ito laging kapos sa pera. Hindi rin niya maiwasang humanga rito. Mas inuuna pa nito ang pagbibigay ng tulong sa iba kaysa sa sariling luho nito.
Napahiya siya sa sarili sa naging pagtingin niya rito. Bakit ba hindi agad niya napansin ang mga katangian nito na pinupuri ng iba? Nasaktan pa niya ang damdamin nito. Naging mabuting kaibigan ito sa kanya. Masyado siyang nagmaganda kaya ngayon ay nagbabadya ng masira ang pagkakaibigan nila.
Sa paglipas ng mga araw ay luminaw kay Kim ang isang masaklap na katotohanan. Mukhang balak na talagang kalimutan ni Calheb ang pagkakaibigan nila. Kasalanan niya kaya hindi niya magawang magalit dito. Ang masaklap lang, hindi niya alam kung nasaan ito para makahingi siya ng tawad dito. Kahit kasi sa lounge kung saan ito kumakanta ay hindi na ito nagpupunta mula nang magpalit ng manager doon.
"Naku, friend, hulaan mo kung sino ang nakita ko?" sabi ni Eleonor sa kanya isang araw na magkita sila. "Si Calheb Vance!"
"Nakita mo siya? Saan?"
"Sa mall."
"Saan na raw siya nakatira? Tinanong mo ba?" Handa si Kim na puntahan si Calheb para humingi ng patawad.Wala na siyang pakialam sa pride. Sa totoo lang, miss na miss na niya ito."
Hindi ko naitanong, eh.
"Ano ka ba naman, Eleonor? Bakit hindi mo tinanong?"
"Pasakay na sila sa taxi, eh. Parang nagmamadali."
"Sila? Sinong sila?"
"May kasama siyang girl. Tingin ko jowa niya.
Nagulat siya sa sama ng loob na naramdaman niya.
"P-paano mo naman naisip na jowa niya yon?"
"Eh, kung maka-kapit sa kanya 'yong babae, mahihiya ang pusit. Pero in fairness maganda na Seksi pa ang babaeng kasama niya.
"Sabunutan kaya kita, gusto mo? para makakita ka ng pusit." pagmamaktol niya. Para kasing
pinapasama pang lalo ni Elonor ang loob niya. Hay! Anong pasama-sama ng loob 'yang sinasabi mo? Nanligaw siya sa 'yo for the longest time, pero inisnab-isnab mo. Tapos ngayon, sasama ang loob mo
dahil may dyowa na siya? naisip niyang ang tanga niya talaga.
"G-good for him." Nabigkas na lang niya.
Pinilit pasiyahin ni Kim ang boses niya.
"Masaya na pala siya."
"I'm happy for him. Gusto ko lang naman talagang mag-sorry sa kanya. Pero okay na rin siguro kahit hindi. Masaya na siya. Hindi na niya indahin ang tampuhan namin hindi naman na niya siguro naalala iyon." Pero siya ay ramdam na ramdam niya iyon. pero alam naman niyanv , kasalanan din naman niya ang lahat kaya wala siyang karapatang magalit.
"Eh, ikaw?"
Naging mabilis ang mga pangyayari sa buhay niya pagkatapos niyon. May isang dating kakilala ang nakasalubong niya. Galing ito ng Singapore at nagbabakasyon lang. Ito ang nagsabi sa kanya tungkol sa maaari niyang pasukan doon.
Inayos niya ang mga papers at kinailangan pa niyang mangutang para may magamit siya sa pag-alis niya. Dahil sa pagkakautang na iyon kaya kahit nalaman niyang hindi sa opisina ang papasukan niya pagdating sa abroad ay nagtiis na rin siya. Makabayad man lang siya ng utang at makaipon nang kahit kaunti.
Ang kaso ay nagkasakit ang mommy niya. Dumami ang gastos kaya hindi siya makaalis-alis ng Singapore. kinareer niya ang pagiging dakilang waitress at nagtiyaga sa trabahong iyon hanggang sa sabihin ng mommy niya na umuwi na siya dahil magaling na raw ito. Isa pa ay nakapagtapos na ng college ang kapatid niya may certificate na ito. Ganoon na lang ang pamimilit nito kaya nagpasya siyang pagbigyan ito.
Sa loob ng mga taong nasa ibang bansa si Kim
ay wala siyang balita tungkol kay Calheb. Kaya napakalaking sorpresa talaga sa kanya ang malamang malayo na pala ang narating nito.
"Good for him." Nasabi uli ni Kim ang mga katagang binitawan niya noong ikuwento sa kanya ni Eleonor ang pagkakaroon diumano ng jowa ni Calheb. Kung ganoon na ang Katayuan nito ngayon ay malabo na pala talagang maibalik ang pagkakaibigan nila. Ang isa pa naman sa mga plano niyang gawin pagbalik niya sa Pilipinas ay ang subukan itong hanapin. Malabo na 'yon. Hard to reach na si Calheb.
"Heto o. Pakinggan mo." Tinignan pala ni Eleonor ang cell phone nito. Isinalpak nito sa tainga niya ang isa sa mga earphone ng cellphone nito. "Yan ang bagong kanta ni Calheb."
"Siya 'yan?" Hindi siya makapaniwala. Dati nang maganda ang boses ni Calheb pero di-hamak na mas maganda iyon ngayon.
"Ka-kaenlabs ano? ani Eleonor.
"Sinabi mo pa." bahagya siyang natawa sa sinabi ni Eleonor. Pero sa totoong lang ay masaya siya para sa dating kaibigan pero hindi rin niya maiwasang makaramdam ng pagsisisi. Bakit ba huli na nang Makita ng mga mata niya sa tunay na halaga ng kanyang kaibigan niya?