Ang pinaka huling eskena ay sa bangka naman kinunan at mabilis din namang natapos iyon. Kanina pa nag- anounce ng pag alis si Direk Zinn pero hindi pa umaalis ng yate sina Calheb at Nikole. Eight hours naman ang nirent doon kaya sinabi ni Calheb sa direktor na susulitin nito ang pag stay doon. Nakatayo sa tabi ng railing si Nikole. Malamig ang simoy ng hangin at napakaganda ng tanawin ng sunset. Ang kulang na lang sa kanya ay boyfriend at puwede na rin siyang gumawa ng pang movie na eksena. Pero wala siyang ka-love team kaya ginaya na lang niya ang ginawa noon ni Kate Winslet sa isang eksena sa Titanic. Ibinuka niya ang kanyang mga braso habang nakaharap sa karagatan. "Dapat sumigaw ka ng ganito, Ako ang Reyna ng mundo at dagat." salita iyong galing sa likuran niya ay may nagsalita at ka

