MABILIS na lumipas ang mga araw at siyempre araw-araw akong naiimbyerna sa panglalanding ginagawa ni Nicole sa asawa ko. Kung wala lang talaga ako goal sa buhay baka nasampal ko na ng wedding certificate namin ni Tim ang babaeng yun.
Nandoon yung mga pasimpleng paghaplos sa braso at dibdib ni Tim.Mga simpleng bulong sa tenga. Aaahhh! Basta! Nakakainis! Though ginagawa naman ni Tim lahat ng paraan para makaiwas.
Nagsimula na din ang mga chismis at usap usapan sa opisina tungkol sa dalawa. Meron nga na mga inaasar sila ng mga empleyado na bagay sila. At siyempre tuwang tuwa naman ang babaitang si Nicole.
"Hey?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko at humawak sa balikat ko. Parang tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Hindi sa kung anuman kundi sa kilabot.
"Isa pa tong flirt ..."mahina kong bulong ng hindi humaharap. Marahan kong winaksi ang kamay nya sa balikat ko bago ako humarap at ngumiti ng pilit.
"Huh? May sinabi ka?" sabi ni Aries. Yes. Isa pa ito nagpapasakit sa ulo ko. Lagi na lang nakabuntot sa akin.
Mabait naman siya at gwapo kaya lang talagang sobra sa pagka flirt. Minsan na namin napag awayan ni Tim yan. Dahil parang huhubaran na ako sa klase ng mga tingin nya. Kaya ayun, yung asawa ko nanamang magaling ang namimili ng isusuot ko.
Tulad ngayon, pinag longsleeve nya ako na turtle neck na color green at maong pants. Balot na balot na kulang na lang takpan pati mukha ko.
"Ah wala. ..bakit ka napunta dito?" tanong ko kasi nasa opisina ko siya.
"Hihingin ko lang sana yung list nyo for the upcoming party this Saturday para maayos ko na ang budget." nakangiting sabi nito.
"Ayy! Wait kukunin ko." tumayo ako at pumunta sa steel cabinet na nasa likuran ko. Binukas ko ang 2nd drawer kung saan nandoon ang mga pending for budget. Agad kong kinuha ang folder para sa mga request namin.
Napatili ako ng sa pagharap ko ay nabunggo ako kay Aries na biglang napunta sa likuran ko. Bahagya akong nawalan ng balanse. Buti na lang at mabilis ang reflexes ng loko at nahawakan ako sa bewang. Nahapit nya ako palapit sa kanya para lang masuportahan ang bigat ko.
Hindi agad ako nakahuma at bahagyang natigilan kasi talaga namang iilang metro na lang ang pagitan namin.
"Eheeeeemmmmm....." isang malakas na tikhim ang nakapagpabitaw sa amin. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Tim ang nasa pintuan.
"Hi boss!" bati ni Aries na parang wala lang yung naabutang eksena ni Tim sa amin at mahinahong lumayo sa akin.
"Therese follow me at my office." madiing pagkakasabi ni Tim. Paktay!
Nagmamadaling sumunod ako kay Tim sa office nya. Pagdaan sa cubicle ni Lea, nagtataka ang mga mata nito na napatingin sa akin. Napansin nya siguro ang madilim na awra ni Tim. Napakagat labi na lang ako at isenenyas ang isang kamay ko sa leeg ko na tila may hawak na kutsilyo. Napailing na lang si Lea.
Pagkapasok sa loob ay derederetsong umupo lamang sa swivel chair nya si Tim. Meron siyang pinindot na remote at automatic na nagsara ang blinds sa opisina nya. In short, walang makakakita sa amin sa loob.
Sumandal siya sa upuan at ipinatong ang mga siko sa arm rest bago pinagsalikop ang mga kamay. Matiim nya lang akong tinitingnan, hindi ko tuloy alam kung uupo ba ako o dapat na ba ako magsalita. Pinili ko ang huli.
"Look ...let me explain. It's not what you think ok?" umpisa ko habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon nya. Nanatili lang siyang tahimik at blangko ang ekspresyon. Nagpatuloy ako.
"Nawalan kasi ako ng balanse, buti na lang at nasalo nya ako. H------" naputol ang sasabihin ko ng makita kong lalong dumilim ang mukha nya. May mali ba akong nasabi?
Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin. "So dapat pa pala akong magpasalamat dahil natulungan ka niya at nailigtas? Dapat ko pa pala ipagpasalamat na halos mahalikan ka na niya kung hindi pa ako dumating?" galit na sabi nito.
"Tim naman! Aksidente nga nangyari. Hindi sinasadya ok? Huwag ka na magalit." sinubukan kong maglambing sa kanya. Yumakap ako sa mga bewang nya at hinalikan siya sa pisngi.
"Araayy!" sigaw ko ng marahas nyang inalis mga kamay ko sa kanya."Masakit yun ah?!!" tumaas na ang boses ko.
"Kaya siguro ayaw mo malaman ng iba yung relasyon natin kasi gustong gusto mo yang ganyan. Yung may nagpapakita ng interes sa'yo." napanganga ako sa mga sinabi nya at parang mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko.
Pak! Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Tim. Hindi ko napigil ang sarili ko at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
Saglit na natigilan si Tim bago parang natauhan sa mga nasabi nya.
"How dare you!" galit na sigaw ko sa kanya. "Paano mo naiisip yang mga ganyan?!! Nag inarte ba ako ng ganyan sa'yo sa mga nakikita kong panglalandi sayo ni Nicole?!!! Nakita mo ba ako nagalit?? Hindi di ba??!!" sumbat ko sa kanya."It's because i trust you!!!"
"L-look Gab. ..i never meant those words ...i was so jealous nung nakita ko kayo sa office mo na ganung posisyon." paliwanag nya. Nawala na ang galit sa mukha nya pero ako naman ang nasaktan sa mga sinabi nya.
"You think im not jealous when that "girl" goes to your office?? Whenever she asked you to eat with her?? When she touched you???!!" pasigaw na sagot ko. Wala na ako pakialam kung marinig pa sa labas na nagsisigawan kami.
"I-im sorry ...."akma nya ako lalapitan ng lumayo ako sa kanya.
"I know this is what i want Tim. I know it's my plan. That's why from the start i said kung hindi mo kaya ang ganitong set up itigil na natin. I thought naiintindihan mo ako . ..but i was wrong. Binigay ko sayo ang tiwala ko at loyalty ko for you to feel na mahal kita tapos ganito lang maririnig ko sa'yo?! Im so dissapointed." bumuka ang bibig nya pero walang salitang lumabas.
Tinalikuran ko siya at lumabas sa opisina, ibinagsak ko ang pinto pagkalabas ko. Wala na ako pakialam kung pinagtitinginan ako at pinagbubulungan ako ng mga tao dun.
"Ang lakas naman ng loob ni Ma'am Therese..."
"Sabi ko sa'yo may something sila ni Sir Tim eh."
"Naku! Wag kang ganyan...pano naman si Ma'am Nicole??"
"Bakit kaya sila nag away?"
"Anong malay nyo di ba?"
"Hindi kaya may relasyon yang dalawa? Di ba kakaiba tinginan nila tapos yung mga ngiti nila sa isa't isa may kahulugan eh."
"Ito naman! Eh bakit hindi pinapakilala ni Sir Tim na girlfriend kung sila nga?"
"Naku! Tumigil nga kayo, panu naman magiging sila eh di ba tingin nga natin pinopormahan din ni Sir Aries si Ma'am Therese?"
"Oo nga! Tapos di ba ang madalas na kasama ni Sir Tim eh si Ma'am Nicole?"
"Eh tingin nyo ano problema nilang dalawa? Alam nyo tingin ko malakas lang talaga kapit ni Ma'am Therese kay Sir Tim. Baka nga ginamit nya lang ganda nya para makakuha posisyon dito."
"Oww? Talaga ba? Pwede din naman. Kasi lapitin talaga si Sir Tim ng mga babae. Eh tayo nga crush natin siya hihihihi"
"Pero ako mas bagay sila ni Ma'am Nicole. Maganda na, galing pa sa mayamang pamilya di ba? Bagay talaga sila."
"Uy! Tumigil na nga kayo! Trabaho na tayo ..mamaya mapagalitan pa tayo."
Ilan lang yan sa mga usap usapan sa opisina dahil sa nangyari sa amin ni Tim. Hindi ko naman ugaliing pansinin ang mga iyon. Lalo pa't alam ko naman kung ano kami ni Tim. Masasaktan lang ako ng kaunti pero kaya ko naman tiisin o ipagsawalang bahala.
Ang hindi ko kaya is mismong si Tim ang humusga sa akin dahil sa mga desisyon ko. Simula't sapul hindi man nya sabihin ay naiisip nya pala na ganun ang dahilan ko. Alam ko naman ang pagkakamali ko, pero dapat ba talagang alam ng lahat kung ano kami para makaiwas sa tukso at hindi pagkakaunawaan?
Yung iba nga, alam ng buong mundo ang relasyon pero nagagawa pa ding magloko diba? Para sa akin, okay lang na i-private ang relasyon as long as buo ang tiwala at pagmamahal nyo sa isa't isa.