CHAPTER 1
NAGMAMADALI na akong lumabas sa banyo at dumeretso sa closet para maghanap ng maisusuot. Sa dami ng damit na nasa closet ko hindi ko alam kung bakit hindi ako makapili. s**t! . Malelate na ako sa event na pupuntahan ko.
"Here. Wear this." Narinig kong sabi ng gwapong boses sa likuran ko. Pagharap ko bumungad sa akin ang isang off shoulder light violet na dress na above the knee ang sa harap at mahaba sa likuran.
"Oh! Thank you." Agad ko inabot iyon at nagmamadaling sinuot. Mapapamura ka na lang talaga dahil nagmamadali ka na nga bakit ang hirap pa isara ng zipper sa likod. Arggggghhhh!!! Ano ba?!". Hindi ko na alam kung paano ko pa ieextend ang kamay ko at posisyon na gagawin ko para lang maabot at maisara ng maayos.
"Let me." at naramdaman ko na lang na siya na ang nagsara ng zipper. Pagkatapos maisara nagmamadali na ako umupo sa sa harap ng salamin para mag ayos. Simpleng ayos lang, hinayaan ko lang nakalugay ang hanggang bewang kong buhok at naglagay ng purple headband para hindi humarang sa mukha ko yung bangs ko. Tapos ay konting face powder at light lipstick. No need to put blush on. Natural na rosy cheeks ang beauty ko. Hahaha !" Pearl earrings and pearl necklace na tenernuhan ko lang ng white shoulder bag. Konting wisik ng pabango at lumabas na ako papunta sa kwarto.
Nakita ko na nakahanda ang isang black sandals with 2 inches heels sa ibaba ng kama. Habang nakaupo at busy din sa pagsusuot ng sapatos ang hunk na kasama ko. Nakaready na din siya para sa pagpasok sa opisina. Mabilisan na sinuot ko na ang sandals. Tumayo na agad ako at nagpaalam sa kanya.
"Una na ako. Tawag na lang ako after ng event."
" Hatid na kita, baka maaksidente ka pa sa pagmamadali." tumayo na din siya at humarap sa akin. Haaaayy! Bakit kaya ang gwapo ng lalaking ito? Hindi nakakasawang pagmasdan. Kahit na naka heels na ako at matangkad, medyo nakatingala pa din ako sa kanya. Ang cute ng chinita nyang mata at matangos na ilong tapos kissable lips pa.
"Matutunaw ako sa ginagawa mo." sabi nya at bahagyang nakangisi ng mapansing nakatulala ako sa kanya. Nag blush ako dun.
"Hmmp! Eh anong magagawa ko? Gwapo ang asawa ko? Masama ba?!" depensa ko.
Marahan siyang lumapit sa akin at hinapit ako bewang at hinalikan sa lips. Mabilis pa sa alas kwatro na umangat ang mga braso ko at pumulupot sa leeg nya. Ang tamis. Hahaha!. Wala pa sana ako balak bumitaw pero maingat na niya akong nilayo. Again, nag blush nanaman ako, nakakainis!
"Mrs.kapag hindi ka tumigil baka hindi ka na makapunta sa event at hindi na ako makapasok sa opisina. I can cancelled all my meetings kung gusto mo." nanunuksong sabi nya habang marahang humahagod sa likod ko ang isang kamay nya. Marahan ko siyang tinulak bago inayos ang sarili.
Humalukipkip ako at umismid sa kanya. " Kasalanan mo naman bakit ako nalate ng gising eh!" paninisi ko sa kanya.
Tumawa siya ng malakas na nakakaloko pero nakakainlove. Naiinis na binato ko siya ng unan mula sa kama namin, tumatawang inilagan nya lang iyon.
" Ewan ko sayo!!! Aalis na ako." at deretso na ako lumabas sa kwarto ng nakasimangot.
Nasa hagdan na ako ng hawakan nya ako sa braso at pigilin. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis at umakbay sa akin habang pababa kami.
"Good morning Sir..Good morning Maam." bati ng maid namin ng makababa kami. Ngumiti lang kami at nagpaalam na aalis na. Dumeretso na kami sa garahe. Nandoon ang apat naming sasakyan(wag na kayo magtaka guys ...mayaman ang asawa ko haha!) Isang toyota hi-ace 18 seater van na ginagamit namin if may mga gala, isang honda jazz na white na ako ang gumagamit, isang audi A7 na kulay black na siya naman ang gumagamit at isang Mitsubishi pajero na pinapagamit namin sa driver sa ibang lakad at kapag magpapasundo kami.
"Ihahatid na kita. Magpasundo ka na lang mamaya kay Mang Bert." narinig kong sabi nya ng tunguhin ko ang sasakyan ko.
Tiningnan ko siya nga masama at sumimangot.
"Hindi pwede okay? Alam mo naman na ayoko na --------". tumaas ang kamay nya kaya napatigil ako.
"Ibababa kita sa katabing coffe shop ng hotel,okay na po ba Mrs. Lopez?"alok nya.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa oras sa cellphone ko. Kung makikipagtalo pa ako baka maLate na talaga ako and besides kaskasero naman magmaneho ito kaya siguradong aabot ako.
"Okay! Sa katabing coffee shop lang ha?!" pinandilatan ko siya ng mata. Tumango ito at binuksan ang pinto ng sasakyan. Pumasok na ako at umalis.
TIM POV's
Kanina pa hindi mapakali si Gabby sa kakatingin sa cellphone nya simula ng makaalis kami sa mansyon. Maya maya din ang tawag nya sa staff na nasa hotel para sa preparations sa event.
"Relax Sweetie. Aabot ka sa event, kung hindi man magagawaan ko naman ng paraan yan." pagbibigay assurance ko sa kanya.
"No way! Ayoko!" tumingin siya sa akin ng masama na para bang kapag may ginawa ako kakainin nya ako ng buo.
"Fine! 10 minutes and nandoon na tayo." ilang blocks na lang naman at makakarating na kami. Ayaw na ayaw nya kasi na naiiwan lang sa staff ang pagaayos kapag may event siya. Gusto nya at least 30minutes before ng event finalize na lahat.
Wala pang 10 minutes ay nasa katabing coffee shop na kami ng hotel na pinapasukan nya. Nagmamadaling tinanggal nya ang seatbelt at mabilis na humalik sa akin bago nagpalinga linga sa paligid at mabilis na bumaba.
Naiiling na napapangiti na lang ako habang minamasdan ko siyang naglalakad. Walang pinagbago ang babaeng ito. Talagang very dedicated sa career na pinasok nya. Napatingin ako ng mag ring ang cellphone ko.
"Yes Lea? Is everything ok na? Parating na siya diyan. Kung okay na lahat pwede ka na umalis at pumunta sa opisina. Make sure na hindi ka nya makikita dahil malalagot ako sa kanya." sabi ko sa kausap ko. Mabilis lang kami nagusap at nagpaalam din naman ito agad.
Napangiti nanaman ako, siguradong aawayin nanaman nya ako kapag nalaman nya na pinapakialaman ko ang trabaho nya. Well,i just wanna help my wife kahit na matigas ang ulo nya.
By the way, we the Lopez are the owner of that hotel. We owned many and well known hotel and Gabby, Therese Gabrielle Garcia-Lopez is my wife. 3 years na kaming kasal but the thing is immediate family lang ang may alam. Gab don't want me to intoduce her to my clan and friends as my wife. She has her reason. Minsan kinukulit ko na siya pero ayaw nya talaga, masyado siyang sensitive na babae. Ayaw nya nakakarinig ng hindi maganda at yung wala siya magagawa para ipaglaban yun. I remember the day we first met.
Gabby is a transferre at our school. 3rd year highschool kami. Matalino siya kaya naman nakapasok siya sa mamahaling school na yun dahil scholar siya. Friendly at witty pero dahil nga hindi naman siya galing sa kilalang angkan bihira ang naging mga kaibigan nya. She is a very positive person, kahit na marami ang may inggit sa kanya,deadma lang basta aral lang siya. Madami ang naiinggit sa kanya bukod sa isa sa mga pinaka matalino sa school na yun, isa din siya sa mga may pinaka magandang mukha.
Maliit lang ang mukha nya na merong almond shape na mata at mahahabang pilik mata,no need for eyelash extensions tulad ng mga prima donna sosyalera sa school. Matangos na maliit ang ilong nya at manipis ang lips. Perfect kung tutuusin para sa akin.Maputi din siya at matangkad. Kung ang height ko nung panahong iyon yun ay nasa 5'8 na siguro siya mga 5'4.
Maraming times na alam kong pinipilit siya sumali sa mga beauty contest pero tinatanggihan nya. Mas active pa siya kapag mga quizz bee ang sinasalihan nya. Sa ganun siya nakilala sa school, genius,kind,sweet,friendly and down to earth person. I think its because hindi naman talaga siya galing sa mayamang pamilya.
Her dad is a employee at one of our hotel. Her Mom is a housewife. She has no sibling. Nalipat lang siya sa school dahil nalipat ng hotel sa Manila ang Papa nya. Madali lang siya nakahanap ng friends sa school dahil mabait siya at palangiti. Hindi kami classmates, nasa top section si Gabby and ako? Naku! wala ako hilig sa pagaaral. Lagi akong late at bihira pumasok bukod pa sa ang Lolo ko ang isa sa may malaking tulong sa school kaya siguro masyadong malaki ang ulo ko that time. Pero i know na may utak naman ako, never naman ako bumagsak sa exam. Typical highschool student na hindi nagseseryoso sa buhay.
Then,one day naisipan ko na lang pumasok ng maaga sa school. Nagpahatid ako ng maaga sa driver namin. Pagpasok sa gate ng school nakita ko na si Gabby na naglalakad, i didn't know her name that time. She's walking gracefully without knowing it, habang may hawak siyang libro na binabasa at may headset sa nakakabit sakanya.
I don't know but there's something in me na parang na hook agad ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag yung feeling. Buong araw na nasa isip ko siya, basta mahirap explain. Then i saw her picture at the wall of fame sa school as one of the highest honor at school. Yung feeling na proud ako kahit hindi pa kami magkakilala. After that i went to the admin and ask about her. Walang hirap sa akin yun dahil kilala ang pamilya ko sa school.
Yes! i do background check. Kinuha ko ang sched nya sa school. Nalaman ko magka section sila ng best friend ko nagpalipat ako ng section kung nasaan siya kahit na hindi naman ako ganun katalino. I also found out na hindi siya galing sa mayamang pamilya,anyway hindi naman sa akin mahalaga yun. Madami sa family members namin is hindi din galing sa mayamang angkan at hindi kami matapobre that what my Lolo taught us.
Madami ang flirt sa school lalo na mga gold digger, na hindi talaga nawawala sa panahon. Yes. I do flirt with them pero hindi ako pumapasok sa isang relasyon it's because tinuruan kami paano ang rumespeto sa babae at kapwa kahit na may pera kami. Pero iba ang feeling ko kay Gabby, i wanna know more about her.
Excited ako kasi yun yung unang araw na makakasama ko siya sa klase. Pagpasok ko nag ingay agad sa classroom. Bulong bulungan ng ganito ganyan.
"Si Timothy yan di ba?"
"Oo. Kilala sila isa sa pinaka mayaman dito"
"Bakit siya nandito?"
"Grabe! ang tangkad at gwapo nya pala talaga."
Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa natigil ang mga mata ko sa dulong upuan. Nandoon siya at tahimik na nagsusulat sa mesa nya. Siguro napansin nya na may nakakatitig sa kanya kaya napaangat ulo nya.
Para akong di makagalaw ng magkatitigan kami lalo akong naestatwa ng simple syang ngumiti sa akin bago yumuko ulit at nagsulat. Feeling ko nabingi ako ng mga panahon na yun, na kaming dalawa lang ang nasa classroom na iyon.
"Bro?...Bro?!" bahagya pa ako nagulat ng maramdaman kong may umaalog na sa akin. Pagtingin ko yung bestfriend kong si Marky.
"Uy! Marky! Bro!" nakipag fist bump ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nya.
"Well...dito na ako simula ngayon." pagyayabang nya.
"Aba! Magandang balita yan! Mahirap ang labanan dito bro. Kakayanin mo kaya?" pangaasar nito.
"Loko ka! Syempre naman nuh! Anong akala mo sa akin." bahagya ko siyang kinaltukan ng pabiro.
"Hahaha! Lika dun tayo sa pinaka dulo. Favorite spot ko dun kasi bihira matawag ng teacher." aya nito sa kanya.
Natuwa ako kasi nasa likod lang kami ni Gabby. Hanggang sa magsimula ang klase. Nakita ko kung gaano kasersoyo sa pagaaral ang babaeng yun at kung gaano siya katalino sumagot sa mga tanong ng teacher. Mula sa likod ay malaya ko siya napagmamasdan.
Naramdaman kong may tumama sa ulo ko. Paglingon ko si Marky, nakakaloko ang ngiti nya sa akin na nanunukso. Inambahan ko lang siya ng suntok at bumalik ang tingin kay Gabby.
Breaktime, hindi ako tinitigilan ni Marky sa pangaalaska.
"Ano bro? Type mo si Therese nuh? Maganda siya di ba?"
"Oo. Maganda siya." tipid na sagot ko.
"Naku! wala naman pinapansin yun sa room na boys na nagkakainteres sa kanya. Saka siya ang pinaka matalino sa room natin. Ang dami na nagtangka mangligaw dun pero lahat basted bro!" kwento ni Marky.
"Ganun ba? So hard to get pala siya." tumatangong sabi ko.
"Hoy! Huwag mong sabihing may balak kang ligawan siya. Mas open siya kapag pakikipag kaibigan lang. Matatamaan lang ego mo kapag sinubukan mong ligawan siya." babala sa akin ni Marky.
"Ako na bahala bro. Saka iba talaga feeling ko sa kanya." pagtatapat ko sa kanya.
Lumipas pa ang mga araw at linggo at talaga namang lalong nahuhulog ang loob ko sakanya kahit na hindi pa kami nakakapag usap. Marami na ako nalaman sa kanya sa pagmamasid lang. Hanggang sa hindi na ako makatiis. Breaktime at humarang ako sa daan nya.
Nagulat siya at napatingala sa akin. Nakita ko saglit siya natulala at napatingin sa paligid ng magsimula ang bulungan tapos ngumiti.
"Yes? Mr.Lopez?"
"Tim na lang masyado naman formal ang surname." sabi ko.
"Ok. And Im Therese. So Tim pwede na ba ako dumaan kasi nagugutom na ako, mahirap magaral ng gutom." bago gumilid siya at nilagpasan ako.
"Therese! Pwede ba kita makasabay kumaen?". medyo malakas ang pagkakasabi ko kaya lalo naman lumakas ang mga bulungan. Napatigil siya at napatingin sa mga naguusap bago tumalikod.
Para akong binagsakan ng langit at lupa ng wala akong makuhang sagot sa kanya. Pero lumawak din ang ngiti ko ng marinig ko ang sunod na sinabi nya.
"Tim ano pa ginagawa mo dyan? 15 minutes lang ang breaktime, ayoko malate sa susunod na klase." sabi nya bago tuluyang lumabas ng room. Agad akong sumunod sa kanya.
"Libre na kita,pili ka ng gusto mong kainin." alok ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin
"Thank you pero tatanggihan kita. Ayoko kasi ng nililibre ako eh." sagot niya kaya bigla akong nalungkot." Wag ka maoffend huh? Hindi lang talaga ako sanay."
Habang naglalakad kami sa canteen at naghahanap ng mauupuan. Naririnig ko pa din ang mga bulungan.
"Si Tim yan di ba?"
"Bakit kasama nya yan?"
"Balita ko matalino yang kasama nya...hmmmmp! Hindi naman yan mayaman..scholar lang yan dito."
"Talaga? Baka para makabingwit ng mayaman?"
"Matalino at maganda lang naman siya."
Tiningnan ko siya na tahimik lang na naglalakad sa harapan ko. Hindi ko alam kung hindi nya ba naririnig o hindi nya lang pinapansin. Pagkaupo namin nakita ko pumikit siya at huminga ng malalim bago ngumiti. Doon ko narealize na naririnig nya ang mga yun at marahil ay nasasaktan din siya hindi lang siya kumikibo.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong ko.
"Of course. Wala naman ako mapapala kung papatulan ko sila. Besides hindi naman sila ang magbibigay ng grades sa atin." ngumiti siya sa akin . Napahanga ako sa sagot nya sa akin.
Nasundan pa ang pagkaen namin ng sabay. Minsan kasabay namin si Marky at Cecil( close friend nya si Cecil,middle class pero mabait.) At syempre hindi naman maubos ubos yung mga usap usapan sa school dahil nga sikat ako dahil sa yaman ng pamilya ko. Sabay kami nagaaral madalas. Masaya siya kasama at walang dull moment. Hindi siya yung tipo ng tao na isang tanong isang sagot. Mabilis siya makagaanan ng loob.
Hanggang sa binibigyan ko na siya ng mga flowers at chocolates. Nung una akala ko hindi nya tatanggapin pero okay naman. Hindi ko naman masabi sa kanya na gusto ko mangligaw kasi ayoko masira yung friendship na nabuo sa amin. Alam kong may feelings na din siya sa akin kasi minsan nahuhuli ko din siya nakatingin sa akin tapos ngingiti lang siya. Alam nyo yung feeling na alam nyo may something na sa inyo pero walang gustong umamin? Hahayaan ko na lang na siya ang makahalata.
Then one day, nasa garden kami ng school at nagrereview. Malapit na ang final exam namin at magbabakasyon na. Kinakaen nya yung chocolates na bigay ko. Mahilig siya sa sweets. Napansin ko na tila hindi siya mapakali.
"Gab? May problema ka ba?" Gab na ang tawag ko sa kanya. Sabi ko ayoko ng Therese kasi msyadong mahaba.
Tumingin siya sa akin ng seryoso at nagbilang sa daliri nya bago nagsalita.
"Nangliligaw ka ba?" deretsahan na sabi nya. Natigilan ako saglit at tumitig sa kanya.
"Oo. Papayag ka ba?" dahil deretso na din naman ang tanong nya umamin na din ako.
"Oo." matipid nyang sagot tapos ay ngumiti siya sa akin.
"Seryoso ka ba?" tila hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya. Marahan nya akong tinulak at luminga sa paligid.
"Seryoso ako. Sabi ko na eh 3 months mo na ako binibigyan ng flowers at chocolates pero wala ka namang sinasabi. Tinanong lang kita kasi ayoko mag assume.Pero ayoko malaman ng iba na nililigawan mo ako." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Ha? Bakit? May iba bang nangliligaw sayo? May magagalit ba? Akala ko ba seryoso ka?" sunod sunod na tanong ko. Napasimangot ako ng tumawa siya ng malakas at pindutin ang ilong ko.
"Seryoso ako okay? At walang nangliligaw sa akin na iba. Mabait ka sa akin, gwapo ska unlike other guys na nagsabi muna mangliligaw sa akin. Walang efforts, eh ikaw mas inuna mo yung efforts at pagpaparamdam. Ano pa ba gusto mo marinig."
"Eh..siyempre yung usual na gustong marinig ng mga nangliligaw sa nililigawan nila." naka simangot pa din na sabi ko.
"Ah okay. .e di sige ...oo na." Nanlaki ang mga chinita kong mata sa narinig ko. Napatayo ako at nagtatalon sa sobrang saya pero hinatak nya ako at tinakpan ang bibig ko. " Huwag kang maingay. Huwag na muna natin ipaalam na tayo na."
"Ha??! Ano ba naman yan??" naiinis na ako sa babaeng to. Pati ba naman yung pagiging kami hindi pwedeng sabihin? Hindi ko siya pwede ipagyabang na girlfriend ko na siya? Ano ba?!
"Hey! Tim! gwapo ka pa din kahit ganyan itsura mo." biro nya sa akin pero hindi ako natawa. "Let me explain, ayoko kasi may masabi yung mga classmates natin. Ayoko ng issue, hindi natin hawak ang isip ng mga tao. Kahit alam nating hindi totoo, may times na masasaktan pa din tayo. At ayoko mangyari sa atin yun. Ayoko magkaroon ka ng kaaway at ayoko magkaroon ng kaaway. Gusto ko ng peace of mind." paliwanag nya sa akin.
"Eh bakit ba iisipin natin sasabihin ng iba? Alam naman natin yung totoo. Saka alam ko naman na hindi mo ako ginusto dahil sa yaman ko. Never ka nga nagpalibre sa akin. Never ka nagpahatid sa akin. Never ka sumakay sa kotse ko. Never mo ginamit ang pagiging mayaman ko. Kaya nga kita nagustuhan eh!" naiinis na talaga ako.
"Haaayyyss. ..hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo sa set up na gusto ko Tim. It's up to you. I promise naman na magiging good girlfriend ako sayo at sana ganun ka din. You know na hindi ako nageentertain ng boys lalo na at alam kong flirt lang. Mas okay kasi sa akin na tayo lang nakakaalam para walang nakikialam. Basta i know sa sarili ko kung ano tayo. Ngayon kung ayaw mo, i guess dito pa lang we should stop." malungkot na sabi nya bago tumayo at lumakad pabalik sa classroom.
Nung time na yun, hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Hindi ko siya maintindihan bakit ganun? Hindi ba siya proud na ako magiging boyfriend nya? Gwapo at mayaman. May utak naman ako at proven na yun dahil kasama na ako sa top 10 sa class namin. Masama ba na ishare ko sa iba yung pagiging kami? Hindi na ako bumalik sa klase ng araw na yun. Kinabukasan nagkita kami sa room pero masama pa din ang loob ko kaya hindi ko siya pinapansin.
Napansin kong tahimik lang din siya. Nung nagbreak time niyaya ako ni Marky, sinabihan kong mauna na siya. Hindi pa din tumatayo si Gab sa upuan nya. Mayamaya ay may lumapit na guy sa kanya. Hindi namin siya classmate siguro sa ibang section, inaaya siya na kumaen sila sa labas. Magalang naman nyang tinanggihan pero mukhang makulit at mayabang ang lalaki.
Nagpaalam na siya lalabas sa lalaki pero makulit talaga yung lalaki at pinigilan siya sa braso. Ewan ko ba pero biglang umakyat yung dugo sa ulo ko. Nagiingay na din sa classroom dahil sa nangyayari at wala na din tigil ang mga bulungan at kung ano anong sinasabi ng mga girls na nandoon.
"Naku! Masyado naman pakipot...kala mo kung sino."
"Wala naman mapagmamalaki yan bukod sa talino at ganda."
Hindi na ako nakapagpigil at tumayo sa pwesto ko ng padabog. Nagulat lahat ng nandoon lalo na ng suntukin ko yung lalaki. Pangatlong beses pa lang ata na makikipag away ako sa school. Akmang tatayo yung lalaki ng pigilin ng isang kasama nito.
"Pre, Lopez yan." narinig kong sabi nito.
"Pwe ! wala akong pakialam! Matapang lang yan dahil sa Lolo nya." may parte ng pagkatao ko ang natamaan sa sinabi nya. Kasi may times talaga na ginagamit ko lang ang kapangyarihan na meron ang Lolo ko sa school.
Akmang susuntukin ko ulit siya ng pigilan ako ni Gab. Nakikiusap ang mga mata nya at tila naiiyak na siya. Parang lumambot ang puso ko at natunaw ang galit ko. Binaba ko ang kamao ko at hinawakan ang kamay ni Gab. Wala na akong pakialam kung ayaw nya malaman ng lahat. Mas mapoprotektahan ko siya at matitigil ang ganito kung sasabihin ko sa lahat.
"Listen! Don't you ever dare to touch my girl!!" at hinatak ko na siya palabas sa room.
Pumunta kami sa garden, huminga ako ng malalim bago binitawan yung kamay nya at humarap sa kanya.
"See Gab?? Look what happened ?! I told you walang mangyayari kung itatago natin kung anong meron tayo! Marami pa din ang lalapit sayo at marami pa din ang girls na makikipag flirt sa akin!" galit na sigaw ko sa kanya.
Hindi siya sumagot habang nakayuko. Nang umangat yung mukha nya nakita kong umiiyak na siya. s**t! First time ko siya nakitang umiyak. Hindi ko alam gagawin ko. Tapos yung mga tao sa garden ng school nakikichismis pa.
"Naku! Sila na ba??"
"Magaling din mamili eh nuh?"
"Kaya pala ayaw sa iba dahil gusto malaking isda haha!"
"Sabi na eh. Ginagamit lang talino at ganda. Wala pa naman napapatunayan yan."
"What a shame. Talagang Lopez pa yung pinili nya para siguradong hihiga na lang siya sa pera."
"Bakit naman siya pa ginusto ni Tim? Baka nagayuma haha!"
Alam ko naririnig nya din ang mga iyon. Puno ng sakit ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
"Tim...ayoko ng ganitong treatment. Masakit sa akin...ang mga naririnig ko. Gusto kita hindi dahil sa pera mo at kung anong meron ka. Pero bata pa tayo para sa ganito ...hindi ako matapang na tao Tim...pinipilit ko maging okay sa school na to. ..ng tanggapin kita bilang kaibigan ...lahat ng naririnig ko binalewala ko..." nakatitig lang ako sa kanya habang umiiyak siya at nagpapaliwanag. "Sinabi ko wala naman masama at magkaibigan tayo, hanggang sa naramdaman kong may feelings ...na ako sayo...natuwa ako ng umamin ka kasi i know we shared the same feelings..ang pakiusap ko lang naman sa atin na lang...tama sila ..wala pa tayo napapatunayan...nagsisimula pa lang tayo . ..nagaaral. ..gusto kong maabot muna yung dreams ko...gusto kong masabi na hindi dahil sayo kaya ako nakarating sa pangarap ko...ayoko isipin ng mga tao na dahil sayo...kaya ko naabot mga pangarap ko...kahit na wala kang pakialam pero sa akin malaking bagay yun...ayoko ng hinuhusgahan ako dahil sa kung ano ako ngayon..gusto ko makilala nila ako dahil sa sarili ko lang kakayahan..."
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan kong umiyak siya. That time i realized her point. We were both young back then. May dreams siya na gusto maabot na walang tulong mula sa kung sinuman. Naappreciate ko na gusto nya muna may mapatunayan.Gusto nya kapag nag open kami sa public at sa clan ko magiging proud siya at kaya nya patunayan na nagawa nya yun on her own. After nun, syempre kami pa din. Unti unti din naman natigil ang usap usapan ng tumagal.
Masaya kami. Sabay pa din kumakaen. Wala kami inamin sa school basta usual lang. Walang PDA moments. Pero sweet siya kapag nagdedate kami outside school. Kahit na madami pa ding flirt sa paligid. We managed to keep our relationship a secret. Minsan may selosan pero that's how we build trust.
Only Marky and Cecil ang nakakaalam ng true status namin. Mapagkakatiwalaan naman ang dalawa.
We both graduated with honor. Siyempre validictorian ang sweetie ko hindi ko naman yun kayang higitan. We introduce each other sa family namin. Since nasa province ang kamag anak nila. Yung Mama at Papa nya lang nakakaalam.
By the way guys, i don't have parents na. They died in a car accident when i was six. Nagiisang anak lang ng Lolo ko ang Daddy ko at nagiisang apo nya lang ako. One and only tagapagmana ng mga hotel businesses nya. Kaya nga tuwang tuwa siya ng ipakilala ko sa kanya si Gab. Malaki daw pinagbago ko at magandang influence si Gab sa akin. Alam din ni Lolo na gusto namin ay isang private relationship. Wala daw siya balak panghimasukan yun. Desisyon namin yun. Inalok pa nga ni Lolo si Gab na magsustento for her studies pero mapride ang girlfriend ko. Gusto nya talaga na magsimula sa baba paangat ng walang tulong sa amin.
Iisa kami ng school na pinasukan. Nagaapply siya for scholarship. We both took up Business course. But when we got in 3rd year college hindi na kami masyado nagkasama kasi magkaiba kami ng major. I took up business management and she took up marketing. She wants to be an event coordinator in our hotels. Malaking bagay kasi hindi kami magkakalayo.Madami kami pinagdaanan, selos, away at tampuhan dahil nga sa set up namin. Habang lumalaki kami mas nagmamatured at mas dumadami ang kaagaw but we managed all of those because we trust each other. I guess that the main reason bakit kami pa. Dahil sobra yung tiwala namin sa isa't isa.
We are cheering each other and enjoy moments together in private. Masasabi kong masaya naman kami. Walang pagsisi at less hassle to explain sa ibang tao kung anong meron kami. Nakagraduate kami and nagsimula siya magapply sa isa sa mga hotel namin at alam ko naman hindi siya mahihirapan dahil mtalino siya. Tuwang tuwa siya ng matanggap siya at siyempre walang tulong galing sa akin.
On her first day at work, sinundo ko siya after work at dinala sa isang lugawan. Yes! kasi ayaw nya na dadalhin ko siya sa mamahaling resto kasi gusto nya daw kapag sumahod na kami saka kami kakain sa magandang kainan. Nagtetrainee na ako nun sa Lolo ko kasi matanda na din naman si Lolo at need na niya ng papalit sa kanya.
Sa lugawan na yun, dun ako nagpropose sa kanya. Yes we were still young. Siguro mga 6 years na din relasyon namin nun that time. Pareho kaming 23 years old nung nagpropose ako. Natanong pa nga ako about the ring bago siya sumagot ng OO sa akin. Singsing kasi ni Lola yun, yun ang bilin nya kapag magaalok ako kasal sa the one ko. Pinaadjust ko nalang para magkasya sakanya.
After a year of being engaged, nagpakasal na kami, intimate wedding. Parents nya lang at Lolo ko at syempre ang bestfriends namin, Marky at Cecil. Same ayaw nya pa din ipaalam na Mrs.Lopez na siya dahil hindi nya pa naabot yung gusto nyang mapatunayan. Yung pangarap nya. And i respect her.
And im proud of her. And im ready to face the trials and consequences na darating hanggang sa maabot nya yung dreams at maging ready na siya.