NAPAANGAT ang ulo ko ng tumunog yung intercom sa tabi ko.
"Yes Lea?" tanong ko sa secretary ko. Si Lea din ang mata ko kay Gab kapag may mga event siya na medyo alanganin ang wife ko. Dati siyang secretary ng Lolo ko. She's mid 40's na and been in the company for 15years.
"Tumawag si Therese. Ikaw daw ang sumundo sa kanya hindi daw nya makontak yung phone mo."
"Oh? Really? Ok i check my phone. Thank you." at pinindot ko na ang end button.
I checked my phone and the battery is empty. Nagcharge na muna ako at nagopen ng messenger sa computer ko. Im sure tadtad na ako ng messages dun. Pag sign in ko pa lang 32 messages at 50missed calls. Natatawa na napasandal ako s swivel chair ko. Paktay nanaman ko.
Inopen ko ang message nya.
Hi ! Sweetie. ..so tiring this day pero okay yung event. Satisfied ang nag guest sa hotel ?(10:00am)
Did you eat your lunch? Meeting today ...are you busy?( 12:30pm)
Been texting ang chatting you. Sobrang busy ba? Kahit seen wala man lang? Call me. (3:03pm)
Timothy Dave Lopez!!! Bakit hindi makontak ang phone mo?!!! (3:36pm)
Pick me up by 5pm!!! Coffee shop!! (3:40pm)
Tim!!!
Tim!!!
The rest of the mesages is my name with exclamation point.
I closed the message ang turn on my phone, nagagalit na ang reyna. 10 new messages lahat galing sakanya. Dalawa kasi ang phone naming dalawa. Isa for work and isa for personal. Tinawagan ko na si Gab. Isang ring pa lang at sinagot na nya ang tawag ko.
Nailayo ko yung phone sa tenga ko dahil sa pagsigaw nya.
"Hey! Sorry hindi ko napansin na nalobat na phone ko." paliwanag ko sa kanya.
"Oh really?!! Hindi mo napansin kasi hindi mo naisip na kamustahin ako for the whole day?"
Naku po! Ito na sinasabi ko. Disadvantage ng secret relationship is kahit gaano kalaki ang tiwala nyo sa isa't isa darating talaga sa point na bigla mawawala iyon.
Siya ang may gusto ng ganitong set up pero siya ang selosa, minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga babae.
"Sweetie, sorry na okay? Alis na ako dito in 5 minutes. Ano ipupublic ko na ba kung ano tayo kesa lagi mo ako inaaway kapag hindi ako nakakasagot agad sayo." yan lang naman panakot ko sa kanya kapag inaaway nya ako hahaha !
"Ewan ko sayo Timothy!!! That's not my point! Nakakainis ka naman talaga oh! Bilisan mo na!"
And the call ended. Binabaan nya ako ng phone. Napailing na lang ako na natatawa. Alam ko naman na may insecurities pa siya dahil nga sa set up namin at hindi nya pa naaachieve sa sarili nya yung dream nya. Kailangan ko pa magtiis pero alam kong kaya nya iyon dahil mabilis naman umusad si Gab dahil sa galing at talino nya.
Pinindot ko ang intercom at tinawagan si Lea. "Im leaving soon may mga need pa ba ako pirmahan?"
"Ah yes! Ipasok ko na sa iyo agad it's about promotion para kay Therese.Bye." napangiti ako sa narinig ko. Mukhang good news sa amin ni Gab. Mayamaya pa ay pumasok na si Lea at inabot ang folder sa akin.
Binasa ko iyon bago bumaling kay Lea. " So magreretired na Mrs. Sison? Hmmmm...so alam na ba ni Gab tungkol dito?"
"I think hindi pa pero siya ang nakikita ni Mrs. Sison na gustong ipalit sa pwesto nya since subok na nya si Therese sa pag handle ng event sa mga hotels natin. Balak nya iannounce ang promotion sa Friday. Sabi nya hindi na siya mahihirapan mag turn over kung kay Therese nya iiwan ang pagiging head." paliwanag ni Lea
"Okay! Good news to. Much better kung makakasama ko dito sa main office ang asawa ko." Tumayo na ako ng nakangiti.
"Well, wala pa ba kayo balak na umaming dalawa? Tingin ko naman napatunayan na ni Therese ang sarili nya sa lahat. Naabot na nya kung anong meron siya because of her hardwork at talino. Hindi dahil asawa nya ang may ari ng hotel."
"Malapit na Lea. Let's wait for Gabby na maabot talaga yung pinaka dream nya. Ayoko siya ipressure.Oh panu? ikaw na bahala dito aalis na ako." paalam ko sakanya.
GABBY's POV
PAST 5pm na at nangangalay na yung paa ko kakaantay kay Tim sa harap ng coffee shop. Nakatayo ako sa isang poste ng shop kung saan hindi ako makikita ng mga employee kung sakaling lalabas sila ng hotel unless na lang na sa coffee shop ang punta nila.
Nasaan na ba yun?! Nakakainis na talaga!! Ano kaya ginawa nun maghapon at hindi man lang ako kinamusta? Napapadalas na yung ganung pangyayari ah? Nakapagtataka na. Hindi kaya may babaeng ...hindi ...hindi !! Ayoko isipin kahit na madami naman talaga ang magaganda dun sa main office. ..hindi dapat ako magisip ng ganito. ..
Shit! Nakakabaliw naman. ..kailangan kong magtiwala at magtiis. May mga kailangan pa ako mapatunayan sa sarili ko haaaayysss . ..kunting tiis na lang Therese Gabrielle, magagawa mo na lahat ng gusto mo at kahit anong negative ang ibato sa iyo kakayanin mong harapin ng taas noo.
Pasensya ka nagmahal ka ng mayaman eh. ..
Nagulat ako ng may bumisina sa harap ko. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ng Mister ko, makita ko lang siya yung insecurities at worries ko nawawala na. Magpapangiti na sana ako kaya lang nakakaasar yung ngiti nya. Sumimangot ako at nagmamadaling sumakay sa kotse nya.
Pagkapasok sa loob hindi ko siya pinapansin, naiisip ko pa din yung worries. Ayaw ko naman na magtanong sa kanya kasi idedepensa nanaman nya na ito ang gusto kong set up. Oo na alam ko kasalanan ko na, ako din gumagawa ng problema ko. Masisisi nyo ba ako? Mayaman asawa ko, hindi lang mayaman, mayamang mayaman. Kung katulad lang siguro ako ng ibang babae dyan ipapangalandakan ko pa na asawa ako ng isang bilyonaryo kaya lang mapride akong tao at takot ako ma-judge that's why i need to do something for myself na alm ko sa sarili ko na hindi ko ginagamit ang yaman nya.
"Still mad at me?" napalingon ako saglit ng magsalita siya. Hindi ako kumibo kasi madami pa din ang tumatakbo sa isip ko.
"Look Gab, i know what you're thinking. If you can't take it anymore pwede naman na ipakilala na kita kesa naman lagi ka na lang ganyan. I hate to see you acting like that." sinamaan ko siya ng tingin.
"I won't act like this if you do your part!! Just a simple text or call lang Tim! Para hindi ako ganito. Alam ko naman busy kang tao and me too, but i always find time for you."
"Galing na sayo, im a busy person. I'll handle almost everything sa company. May mga times na wala na ako time to check my phone kapag office hour. " nauulinigan ko na naiinis na siya sa pagtatampo ko.
"Busy flirting with those pretty faces at office hmmmpp!" pagtataray ko. Sorry guys pero selosa kasi akong tao.
"C'mon Gab! Hindi na tayo highschool na kung sino mag flirt sa akin papatulan ko na lang. Mag asawa na tayo! Kung alam lang ba nila na asawa na kita may lalapit pa ba sa akin?" Hindi ako sumagot, kasi alam ko kapag umimik pa ako hahaba ang usapan at mauuwi sa pipilitin nya na lang ako na ipublic na namin kung ano kami talaga.
"s**t!" Napahampas siya sa manibela. Napairap na lang ako at napangiti kasi alam kong naaasar na siya lalo pa at hindi na ako umimik sa sinabi nya. Ganyan siya kapag nagaaway na kami at tumahimik na ako, feeling helpless na siya sa panunuyo sa akin at sa huli siya na ang magagalit.
Pagdating sa bahay, ni hindi nya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse deretso siya lumabas at pumasok sa loob. Fine! Alam kong mali ako, alam ko naman na madalas yung tampuhan namin is ako ang may kasalanan. Tanggap ko naman yun dahil ako ang may gusto nito, it's just the insecurities and yung feeling na secured ka is not strong enough.
Bumaba na din ako sa kotse at pumasok sa loob, 7pm na pala dumeretso ako sa kusina para icheck ang niluto ni Yaya Eden. Nakaready na ang plato sa lamesa. Iinitin na lang yung ulam.
"Yaya Eden?" tawag ko sa kanya. Mula sa kabilang pinto na nagcoconnect sa maids quarter at kitchen lumabas si Yaya. 55 years old na siya at Yaya na siya ni Tim simula pagkabata.
"Gabby. ..kakaen na ba kayo?" tanong nito.
"Mayamaya na po. Pahinga na po kayo ako na lang po ang magiinit kapag kakain na kami." napapagod na sabi ko.
"Kayo ba eh nagaway nanaman ni Tim?" hindi nakatiis na tanong ni Yaya. Ngumiti lang ako ng malungkot sa kanya.
"Nagkatampuhan lang po. Akyat lang po muna ako. Pwede na po kayo magpahinga." paalam ko sa kanya at umakyat na sa kwarto namin.
Pagkapasok ko ay kalalabas nya lang sa banyo, naka Pajama na siya pero wala pang top. Naeexpose tuloy sa akin yung mga abs nya hindi ko mapigilan na mapatingin at mapalunok. Ang lakas talaga ng dating sa akin ng mokong na to. Pero dahil may tampo ako winaksi ko isip ko ang pagpapantasyang ginagawa ko.
Pumasok na ako sa banyo para mag shower sandali at ng makakaen na dahil nagugutom na ako sa stress. After 15 minutes ay lumabas na ako, naabutan ko nasa kama na siya at may ginagawa sa laptop nya. Huminga muna ako ng malalim.
"Kakaen na. Bababa na ako." paalam ko sa kanya habang sinusuot ang robe sa nighties na suot ko. Napansin kong napatingin siya sa akin bago nagbawi ng tingin. Napangiti ako bago lumabas ng kwarto.
"Maglaway ka."