bc

The Day I Let You Go Certified Hunk Series #5

book_age18+
2.1K
FOLLOW
17.5K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Warning❗❗❗This is for 🔞🔞🔞🔞 year old and above only. You have been warned.

Unang tapak pa lang ni Jessie Marie Andrada sa pinapasukang university ay nakabanggaan na nya ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang batang puso. Akala nya ay simpleng paghanga lang ang nararamdamn para sa binatang si Jim Benitez. Paanong hindi sya magkakacrush sa binatang napakagwapo at pinakitaan sya agad ng kabaitan sa unang pagtatagpo pa lamang nila? Pero ang paghangang iyon ay itinago at ibinaon na lamang ni Jessie sa dibdib ng halos apat na taon dahil imposibleng magustuhan sya ng binatang halos paluguran ng lahat ng kababaihan sa kanilang University. Sa paglipas ng taon, patuloy na nagmamahal sa malayo at patago si Jessie sa lalaking iniibig at hinahangaan. Ngunit isang gabi habang nagpeperform sya sa pinatatrabahuang elite bar ay napansin sya nito. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaigihan. Ang dating pangarap lamang na makilala ang binata ay nagkatotoo. Tinanggap nya ang iniaalay na pag-ibig ng binata sa kabila ng mga agam-agam sa kanyang dibdib dahil sa kilalang fuckboy ang binata. Isang tukso at nakakatakam sa kagwapuhan ang kanyang nobyo. At sino sya para tumanggi? Gaya ng karaniwang relasyon ng mga kabataan, natukso at natutung tumikim ng luto ng Diyos ang magkasintahan. At bago pa ang pagtatapos ng dalawa ay biglang nagkalabuan at nanlamig ang binata kay Jessie na ipinagtataka ng huli. Hanggang isang araw ay nasaksihan ng dalawang mata nya ang pagtataksil ng binata. At sa araw na iyon ay pinili nyang iwanan at kalimutan

ang binata. "The day I let you go"

Please support this story. I'll bring you to a roller coaster ride of emotions.

chap-preview
Free preview
Prologue
Biyernes ng gabi, as usual nandito ako ngayon sa isang sikat na restobar para magperform. Isa akong vocalist ng banda pag weekend at estudyante naman pag weekdays. Nakasanayan ko na rin ang trabaho ko. Nag-eenjoy naman ako dahil sa bukod pa sa malaking kita, first love ko talaga ang pagkanta. Wala namang magawa sila Nanay at Tatay kundi ang payagan ako dahil kulang talaga ang kinikita ni Tatay sa pamamasada ng taxi. Scholar ako sa University pero hindi naman kasama ang mga miscelleneous fees na umaabot din ng halos sampong libo kada semester. Malaki din ang mga gasto ko sa mga kailangan ko sa pagrereview at thesis na ginagawa ko para makagraduate. Mabuti na lang matalino ako at likas na magaling sa pagdedesenyo kaya gamay na gamay ko na ang kurso ko. " Jessie, maghanda ka na. Malapit na magsimula ang set mo," tawag pansin sa akin ng manager ng resto na si maam Denise. Tumango lamang ako sa kanya. Matagal na akong nagtatrabaho dito bilang resident band vocalist. Marami na ang nakakakilala sa banda namin at sa akin na rin. Marami na din ang mga humahanga sa husay ko sa pagkanta. Sa katunayan marami na ang nag-alok sa akin na gumawa ng album pero tinanggihan ko. Kuntento na ako sa pakanta kanta. Mas gusto ko ng simpleng buhay at ang makatapos ng pag-aaral. Tanga nga na kung tanga pero yun ang gusto ko. Saka na siguro ako pumasok sa mundo ng singing industry pag nakagraduate na ako. Isa pa, ayokong biguin ang mga magulang ko. Ipinangako ko sa kanilang tatapusin ko muna ang pag-aaral ko bago pa ang ibang bagay. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng medyo dark make up na babagay sa mga mata ko. Kunting blush on at medyo makapal na din na lipstick para hindi halata ang putla ng mukha ko. Sadya kasing maputi ako. Katamtaman ang tangkad ko na naaayon sa isang pangkaraniwang dalagang katulad ko. Balingkinitan ang katawan at makinis na balat na unang napapansin sa akin. Pansinin ang ganda ko kaya mas marami akong tagahangang lalaki. Nakatube dress ako na lampas tuhod. Pinatungan ko lang ng hanging crop jacket para hindi kita ang balikat ko. Naiilang parin akong magsuot ng maiksing damit pero wala akong magagawa dahil lahat ng isinusuot ko sa set e issue ng management. Maswerte nga ako dahil libre ang lahat ng damit na ipinapasuot sa akin. Pero ang mga damit ay dito ko lang pwedeng suutin sa resto. Wala naman akong lakas ng loob na suutin sa labas ang halos kita na sa iksi na mga kasuotan na ipinapasuot sa akin. Isinuot ko ang designer boots ko na pasalubong pa sa akin ni maam Denise nang minsan na pumunta sya ng New York. Ang grupo ng banda ay resident band na din dito. Kahit sino pwede nilang tugtugan. Hindi katulad ng mga bandang dumadayo parati dito sa resto bar. Ako ang front act singer bago pa kumanta ang mga sikat na guest band. Sinimulan kong kantahin ang 2002. I will always remember The day you kissed my lips Light as a feather And it went just like this No, it's never been better Than the summer of two thousand and two We were only eleven But acting like grown-ups Like we are in the present Drinking from plastic cups Singing "love is forever and ever" Well, I guess that was true Dancing on the hood In the middle of the woods Of an old Mustang Where we sang Songs with all our childhood friends And it went like this, say Sinasabayan ko ng indak ang kanta at mga simpleng paggiling na rin na parang nang aakit kaya naghiyawan ang mga mga customers. Karamihan naman sa mga customers e elite people dito sa syudad dahil ang resto bar na ito ay isa sa pinakamahal at pinakasikat. Sinundan ko din ang dance steps ni Anne Marie ang original singer ng kanta pati ang pagpilantik ng kanyang mga kamay. Nakikita ko namang nag-eenjoy ang mga customers sa performance ko. Oops, I got 99 problems singing bye, bye, bye Hold up, if you wanna go and take a ride with me Better hit me, baby, one more time Paint a picture for you and me Of the days when we were young, uh Singing at the top of both our lungs Now we're under the covers Fast forward to eighteen We are more than lovers Yeah, we are all we need When we're holding each other I'm taken back to two thousand and two Dancing on the hood In the middle of the woods Of an old Mustang Where we sang Songs with all our childhood friends And it went like this, say Oops, I got 99 problems singing bye, bye, bye Hold up, if you wanna go and take a ride with me Better hit me, baby, one more time Paint a picture for you and me Of the days when we were young Singing at the top of both our lungs On the day we fell in love On the day we fell in love Dancing on the hood In the middle of the woods Of an old Mustang Where we sang Songs with all our childhood friends Oh, now Oops, I got 99 problems singing bye, bye, bye Hold up, if you wanna go and take a ride with me Better hit me, baby, one more time Paint a picture for you and me Of the days when we were young, uh Singing at the top of both our lungs On the day we fell in love On the day we fell in love On the day we fell in love On the day we fell in love On the day we fell in love, love, love Patapos na ako sa pagkanta nang mahagip ng mga mata ko ang bulto ng lalaki na laging nagpaparamdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Kahit medyo madilim sa bandang inuupuan nya, naaninag ko parin sya. Ganito ata katalas ng mata ko pagdating sa kanya na kahit ihalo sya sa di mahulugang karayom na dami ng mga tao e makikilala at makikilala ko sya. Kasama nya as usual ang mga mayayaman at naggwagwapuhang katropa at kateam nya sa basketball. Katabi rin nya ang speculated girlfriend nya na crush ng campus na si Georgette. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ko sa kabang nararamdaman ko. Ayokong maapektuhan ang performance ko dahil sa kanya. By the way, he don't know me but I know him well. Nakapagtataka naman dahil napaaga ata sila ngayon. Usually kasi dumarating sila na patapos na ang set ko pero ngayon kasisimula pa lang ng performance ko. "Wow pare I didn't know may napakagandang vocalist pala dito. Sa tinagal tagal na nating pumupunta dito ngayon lang natin naabutan ang set nya," malakas na wika ni Allan ang anak ng Mayor sa kanilang lugar. "Oo nga ano! at subrang seksi pa. Napakaganda pa ng boses. Baka naman celebrity singer yan," sabat ni Zian. "No, residence vocalist daw yan sabi nong napagtanungan kong waiter," singit ni Alex. "Aba pare ang bilis mo namang magresearch. Halata talagang babaero ka," nakangising palatak ni Eric. Tahimik namang nakikinig lang si Jim sa isang tabi. Kanina pa nga nya napansin ang babaeng vocalist. Medyo pamilyar sa kanya ang mukha. Parang sa skwelahan din nila ito nag-aaral pero sa ibang department nga lang. Simula nang naging magkasintahan sina Rhiana at Zane, iniwasan na nilang tumambay na magkakaibigan sa apartment. Sya na ang nagyaya sa mga kaibigan na dito sila sa restobar mag-inuman total kaibigan naman nya ang may-ari ng restobar na si Darryl Escudero. Binibigyan sila nito ng special discount parati. Halos hindi naman mahagilap si Zane tuwing may lakad ang tropa. Naiintindihan naman nya ito dahil nagpapakitang gilas ito sa kanyang kapatid na si Rhiana. Umiiwas na ito sa mga tukso. Pinaninindigan nito ang pagiging loyal at faithful sa kanyang kapatid. Napaigtad si Jim nang maramdaman ang mabining haplos ni Georgette sa kanyang likod. Si Georgette ang kasalukuyan nyang fling ngayon. Hindi naman nya ito niligawan para sabihing girlfriend. Bigla na lang silang nagkasundo at nagkaroon ng pagkakaunawaan sa kama, a f**k buddy. Walang string attached ika nga. Malinaw nyang ipinaintindi sa babae ang relasyon nila bago pa may mangyari sa kanila. Wala naman syang ibang nararamdaman sa babae kundi libog lang. Maganda at sexy si Georgette. Sikat sa campus at halos crush ng lahat ng kalalakihan sa paaralan. Ang isa rin sa nagustuhan nya sa babae, wala itong kaarte arte sa katawan. Wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Napakawild nito sa kama. Ito ang laging nagyayaya kay Jim na may mangyari sa kanila kagaya ngayon ito ang clingy at mahilig sa PDA. Ipinatong nito ang baba sa balikat nya at pasimpleng nagbuga ng hangin sa kanyang tainga. Alam ni Georgette na madali syang maturn on pag ang tainga na nya ang hinahaplos o hinahalikan. Napailing na lamang sya sa ginawa nito. Napangisi naman ito nang makitang nag-iinit na si Jim. Napatikhim si Jessie bago nagsalita sa microphone. Bago nya simulan ang ikalawang kanta as requested ng special guest nila, magpapakilala sya sa mga customer sa kanyang alyas. Kailangan nyang magpakilala as instructed na din ng kanilang manager. "Hello guys good evening once again. I am Jess your front act performer for tonight. I hope you enjoyed my first song and you will enjoy the rest of my performance," pahayag nya. Malakas namang sumagot ng yes ang mga kalalakihan. Kahit kinakabahan ngayon ay hindi ipinahalata ni Jessie iyon sa kanyang boses. "Thanks for the yes! Okay I'm gonna sing this song requested by one of our special guests out there, Mr. Alex. Hello Alex!" tawag nya. Hindi nya alam kung saan ito nakapwesto pero sumigaw ito ng 'here' kaya nalaman nyang nasa table pala ito nila Jim. Kumayaw sya dito at ngumiti ng matamis. So, katropa pala ni Jim ang nagrequest. Mas lalo syang kinabahan dahil sa request nila. Nang basahin nya ang kanta, napabuga sya ng hangin dahil medyo daring ang kanta. "Versache on the Floor," bigkas nya sa hangin. Kabisado naman nya ang kanta dahil nakanta na nya ito minsan. Acoustic and girl version ang kakantahin nya. "Okay his requested song is Versache on the Floor," anunsyo nya. Naghiyawan naman ang mga customer na nasasabik na syang mapakinggan. Nakakapag-init nga naman ng laman ang kakantahin nya . Sinimulan namang patugtugin ng banda ang acoustic version ng kanta. Bagay na bagay sa boses nya ang kanta. Intro pa lang ay naghiyawan na ang mga kalalakihan. Nang nasa Chorus na sya nabigla na lamang sya nang nasa harap na nya ang tropa ni Jim na si Alex. Nagsasayaw ito ng daring sa harap nya. Hindi sya agad nakahuma. Wala syang nagawa kundi sabayan din ito sa pagsayaw habang kinakanta nya ang kanta. Lalong naging wild ang mga customer nang nasa bridge na sya ng kanta. Halata sa mga hiyawan nila ang pagkaenjoy sa kanyang performance. Natapos nya ang kanta na di magkamayaw ang mga customer sa kakapalakpak at kakahiyaw. Nasundan pa ang mga requested song na buong puso naman nyang pinaunlakan. "That vocalist is really hot dude. Napakaganda nya sa malapitan. Grabe ang kinis at subrang sexy!" napapalatak na pahayag ni Alex. "Grabe Alex inunahan mo ako doon ah!Akalain mo nakafirst base ka sa kanya sa pagsasayaw!" naiiritang boses ni Allan. "Wait Dude, palakasan ng diskarte sa babae na lang. Paunahan na lang tayo kung sino ang una nyang papansinin, sya ang may karapatang manligaw sa kanya!" pahayag ni Alex. Narinig naman ni Jim ang usapan ng mga kaibigan. Natawa na lamang sya sa mga pinanggagawa ng mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook