Tulalang nakatingin si Jorge sa labas ng bintana ng silid niya. Mula roon ay hindi niya makita ang kalsadang lupa. Nasa bandang likuran kasi ang view niya na isang malawak na kabukiran.
She was pondering on the words of her aunt this morning. Sinabi sa kanya ni Verna na ang dahilan kaya sinaktan siya ng mga ito ay dahil isa siyang ambisyosa. Apparently, someone told them na hindi naman daw siya nagtrabaho sa party kundi nakipagsosyalan siya at kung hindi ba naman daw ubod ng kapal ang kanyang mukha, nagawa pa niyang makipagsayaw sa birthday celebrant.
“Walang karapatan ang katulad mong dugyot na dumalo sa ganoong okasyon! Hindi ka na nahiya! Ano ang akala mo sa sarili mo? Huwag kang magmamataas sa akin, Jorge. Sisiguraduhin ko sa’yo, hindi ka na uit makaaapak sa lugar na ‘yon!”
Nang bahagya ng gumagaling ang mga pasa niya, itinali naman siya sa kama niya para hindi siya makaalis at makahingi ng tulong. It was heart wrenching how they were treating her like that. Sa loob ng tatlong araw, isang beses kada araw lang siyang binibigyan ng pagkain. Mabuti sana kung may ulam. Ang kaso, kanin na nga lang, tutong pa!
Jorgina felt worse than a chained dog. Kasi maski silid niya, nakakandado mula sa labas ang pinto. How could she escape for her life?
Hindi niya namalayan na tumutulo na ang mga luha niya. What would she do? Sana nakinig na siya noon sa mga nagsasabi sa kanya na umalis na sa bahay na iyon. Kung bakit pa kasi umasa pa siya na isang araw, magbabago ang trato sa kanya kahit man lang ng tiyahin niya.
Pero bakit gano’n? Imbes pakinggan ng langit ang hiling niyang pagmamahal, mas lalo pa siyang pinagmalupitan. Hindi ba niya deserve mahalin?
“Jorgina!” Narinig niyang tawag ni Verna kaya kaagad niyang tinuyo ang mga luha niya.
Ilang saglit pa ay pumasok na ito sa silid niya at himalang hindi nagalit nang makitang namumula ang mga mata niya. Sa halip, dumiretso ito sa tali niya at kinalagan siya.
“Salamat po, T’yang!” Tuwang-tuwa na sabi niyang pinigilan lang ang sarili na yakapin ito.
“Maligo ka. Nangangamoy na ang buong bahay dahil sa’yo!”
Hindi na siya nagtanong. Sa totoo lang, lagkit na lagkit na rin siya sa sarili niya. Kaya naman kahit mahapdi pa ang ilang sugat niya, matagal siyang naligo kahit nagtataka siya na hindi pa siya kinakatok ni Verna.
She took her time. Maybe, just maybe, God listened to her prayers.
Pabalik na siya sa silid niya nang maulinigan niyang may kausap sa cellphone nito ang tiyahin niya.
“Oo naman! Maganda ang batang ‘to! Siguradong matutuwa kayo. Pagkatapos? Kayo na ang bahala.” Tumawa pa ito. “Konsensya? Matagal nang wala! Kahit sa ganitong paraan ay makaganti ako sa ina niyang magaling sa lahat ng bagay! Nagpapatawa ka ba? Ni gapatak na dugo wala kaming pagkakapareho. Hindi ko ba alam kung bakit hindi nasabi ni Vina sa anak niya na hindi ko siya kapatid. Pero hindi bale nang isipin ng anak niya na kadugo niya ako hanggang sa huli niyang hininga para mas masakit!” Muli itong tumawa.
Parang itinulos sa kinauupuan si Jorge. Masyado siyang nagulat at nasaktan sa mga narinig niya na hanggang sa makaharap at makita siya ni Verna ay hindi siya nakakilos. Nanginginig ang kanyang mga laman sa galit.
Was that why even when she had served them all her life, they never learned to love her? They weren’t her family to begin with!
“Nagulat ka?” Parang nang-iinis pa ang proud na tono ni Verna. “Ngayong alam mo na, siguro naman, naiintindihan mo na kung bakit hindi ka karapat-dapat mahalin! Pasalamat ka pa rin dahil kinupkop kita’t pinatira rito sa bahay ko!”
“Bahay ‘to ng mga magulang ko,” sabi niyang nakakuyom ang mga kamao sa magkabilang gilid niya.
“Noon ‘yon!”
Nalapitan siya ni Verna bago siya makakilos. Hinigit nito patalikod ang mga kamay niya. Pero nanlaban siya. Gutom siya at may mga sugat pero mas bata siya at mas malakas kaysa kay Verna. Kaya niya itong labanan!
Sa katunayan, without much effort, matagumpay niyang naitulak ang tiyahin niya. Palabas na nga sana siya ng pintuan patungo sa kanyang kalayaan when all of a sudden, nandilim ang paningin niya. Bago siya bumagsak, nakita niya si Vika na may dalang dos por dos na kahoy na siya nitong inihataw sa ulo niya.
---
When Jorge opened her eyes again, madilim na ang paligid. O dahil blurry pa rin ang paningin niya? Nang ganap na makapag-adjust, napagtanto niya na nakatali ang mga kamay at paa niya sa poste ng balkonahe. Sa ‘di kalayuan, may grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman. Parte pa rin iyon ng bakuran nila kahit siguro hindi na kanila ang lupa.
Because on that part of their barangay, sila lang ang nakatira.
Sinikap ni Jorge na kilalanin ang mga nag-iinuman. Pero kahit ang tiyo Oscar niya ay wala sa grupo.
Who could those people be?
Sino ang nagbigay pahintulot sa mga ito na mag-inuman doon? Bakit siya nakatali sa poste sa labas?
Then it dawned on Jorgina. Hindi kaya isa sa mga ito ang kausap ni Verna kanina? What did she mean when she said na bahala na ang mga ito sa kanya pagkatapos? Pagkatapos ng ano?
Her mind started to panic as her heartbeat accelerated. She refused to think na may mangyayaring masama sa kanya kaya may mga taong naroon na hindi niya kilala. Where were Verna, Oscar, Vika and Viktor? Did they leave her alone with those men?
“Oh! Gising na pala ang hapunan!”
Literal na napatalon si Jorge nang may magsalita sa likuran niya. Lumingon siya at sinalubong ng pinakamanyakis na ngising nakita niya sa buong buhay niya. A stout man at maybe around his late fortys was standing behind her with malicious look on his face.
“S-sino po kayo?” Takot na agad tumulo ang mga luha na tanong niya.
Sa halip na sumagot ay sinigawan nito ang mga kasama. “Mga parekoy! Gising na ang pulutan!” Dinugtungan nito iyon nang malademonyong halakhak.
Kinilabutan si Jorge. Kanina hapunan, ngayon pulutan na. Hindi siya t*nga. Alam na niya ang sasapitin niya kapag hindi siya nakaalis sa lugar na ‘yon.
Naglingunan ang mga nasa apat na lalaki na kanina ay busy lang sa ginagawa ng mga ito. Tapos isa-isang nagtayuan para puntahan siya. They were all wearing m******s smiles. Namumula pa ang mga mata ng mga ito. Jorgina was sure, they were doing something else aside from drinking.
“Aba, tama nga naman ang Verna na ‘yon. Mas maganda ‘to kapag gising,” sabi ng sa tingin niya ay pinakamatanda sa grupo. May gray hairs na kasi ito pero mukhang malakas pa.
“Bossing, sulit ang binayad mo rito!” Sabi ng isa pa na sinisipat-sipat siya ng tingin.
“M-maawa po kayo,” nanginginig na pakiusap niya. “Parang awa ninyo na.” She cried.
"Malayo ang bahay na 'to sa karamihan. Bakit hindi muna tayo maglaro, bossing?" Suhestiyon ng isa pang medyo mas bata-bata kaysa sa mga kasamahan nito.
"'Wag, baka makatakas pa 'yan," tutol ng naunang nakapansing gising na siya kanina.
"Ano ka ba, pare? Sa tingin mo ba makalalayo 'yan? Ano, bossing? Pagbigyan mo muna ako? Ako naman ang hahabol, eh..." Pangungumbinse nito sa tila lider nila.
"Siguraduhin mo lang na hindi ‘to magiging problema," sabi no’ng tinawag na bossing.
"Oo naman, bossing. Ako ang bahala!"
The boss took off his belt at malakas na inihinataw iyon sa mga binti niya nang tatlong beses. Napasigaw sa sakit si Jorge. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang sumirit ang dugo mula sa latay ng sinturon. Tapos kinalagan nito ang mga paa niya.
She cried and dropped to her knees, both to plead and because she could barely endure the pain. “Nagmamakaawa po ako. ‘Wag po!”
"Hija,” naupo ang boss para magpantay sila. “Bibigyan kita ng dalawang minuto para tumakbo at iligtas ang buhay mo..." Nakangising sabi nito habang idinaan sa leeg niya ang kutsilyong ginamit nito sa pagtanggal ng tali sa mga paa niya bago dalhin iyon sa mga kamay niyang nakagapos pa rin. Kinalagan siya nito pero sinadya nitong hiwa-hiwaan ang mga kamay niya in the process.
Napapikit siya sa sakit nang hiwaan nito ang palapulsuhan niya. She’s going to lose blood and she’ll die!
"Tumakbo ka tapos hahabulin kita," humahalakhak na sabi ng may ideya ng habulan na wari’y tuwang-tuwa. Ang iba naman ay bumalik sa mesa ng mga ito kanina at tila balak lang hayaan ang kasamahan ng mga ito na ‘makipaglaro’ sa kanya. “Dalawang minuto, pababayaan muna kitang tumakbo.”
She will take that chance. Sana kayanin ng paa niya. Sana lumaban ang katawan niya.
"Tignan natin ngayon kung makakalayo ka... " muli itong humalakhak. "Takbo!"
She ran. For her life. Kahit alam niyang sa bagal ng galaw niya ay mauubos ang dalawang minuto na hindi siya nakalalayo. She closed her eyes tight. She needed her vision. Hindi pwedeng palabuin ng mga luha niya ang kanyang paningin. Kailangan niyang makalayo. Madilim but she grew up in that place. Alam niya ang daan…
Dapat alam niya! Pero dala ng panic at masakit na mga sugat, nalilito siya. Hindi niya alam kung saang direksyon siya pupunta.
Naririnig pa nga niyang nagka-countdown na lalaki. Tanda na hindi pa talaga siya nakalalayo.
"Andyan na ako!"
"Hindi... Hindi..." iyak niya, forcing herself to run... She needed to... "Please... Tulong!" nakapikit na lang siya habang tumatakbo at sumisigaw... "Tulong!!!!"
She could already hear the man running after her.
"Sige! Sumigaw ka... Para mas madali kitang makita!"
Tama ito. Kaya naman tumahimik siya't naghanap na lang ng matataguan. Pero wala siyang makita. Lumaki siya sa lugar na iyon. She should know how to escape! Subalit sa puntong iyon ay hindi nakikipag-cooperate ang utak niya. Helpless, sa isang puno siya nagtago kahit na hindi sapat iyon para itago siya.
"Andyan na ako... Nakikita kita!"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at halos hindi na siya huminga sa takot na maging iyon ay marinig ng lalaki.
"Diyos ko," she whispered. "Tulungan po Ninyo ako!"
"Bulaga!"
Napasigaw siya nang nasa tabi na niya ang lalaki. Tumawa ito at hinayaan siyang tumakbo ulit. He really was playing with her. Literally. Kasi alam nito na wala naman talaga siyang tatakbuhan. Bukod pa ro’n, marami ng dugo ang nawala sa kanya dahil sa laslas sa pulso niya kahit pa madiin ang hawak niya sa itaas na bahagi no’n.
Jorgina knew that stopping would cost her life. So with one last push, she gave everything she's got to run away and save her life. Hanggang sa may makita siyang headlight ng sasakyan. Hindi puntahan ang lugar nila dahil una sa lahat ay deadend iyon. Kaya kung may gumagamit man ng hindi sementadong kalsada ay sila lamang.
Hindi niya kilala kung sino ang lulan ng sasakyan. Maaaring ito na ang tugon ng langit sa panalangin niya o maaaring kasamahan ng mga masasamang loob na nagbabanta sa buhay niya.
But her desperate self chose to take refuge in the idea of the first one. Kaya inubos niya ang lakas niya at iniharang ang sarili sa sasakyan.
She collapsed. Kung ligtas na ba siya o iyon na ang katapusan niya, wala siyang ideya.