bc

Unbreak My Heart

book_age16+
5.4K
FOLLOW
27.5K
READ
second chance
submissive
goodgirl
student
doctor
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

-Full Tagalog Novel-

After witnessing his failed proposal to his long-time girlfriend, Jorgina never thought that she'd end up marrying Dr. Jeremy Silvano instead.

She thought it was the beginning of her happiness. Little did she know that she just signed up for years of sorrow when she affixed her signature on that piece of paper called marriage certificate.

Did she perhaps hope so much?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Bumibilis ang t***k ng puso ni Jorge habang papalapit siya sa mansyon ng mga Silvano. Bitbit ang mga paninda ay parang may pakpak ang mga paa niya sa sobrang gaan ng kanyang mga hakbang. Hindi niya alintana ang pagod dahil masaya siya sa tuwing doon na siya papunta.   Isang ngiti lang mula sa crush niyang binatang doktor at okay na okay na siya.   Si Dr. Jeremy Silvano ay ang mabait at ubod ng gwapong bunsong anak ni Senyora Amelia na siya namang laging umuubos sa mga paninda niya.   Sa buong maghapong pagbibilad sa arawan, pampawi ng kanyang pagod ang masilayan ang crush at ang ina nitong ubod ng bait sa kanya.   Jorgina Santos is a seventeen-year-old teenager, a dropout, and a street vendor.   Eight years ago, she lost her parents when they both died in a car accident. Pagkatapos mawala ang mga magulang niya, ang kapatid ng kanyang ina na si Verna at ang pamilya nito ang naging pamilya ni Jorge.   Lumipat ang mga ito sa bahay nila Jorge at noong una ay itinago pa sa huwad na concern ang tunay na pakay sa pagkupkop sa kanya. Mga isang taon naman na akala ni Jorge ay nagkaroon siya ng pamilya ulit. Tapos may mga naging kapatid pa siya sa katauhan ng dalawang nakatatanda niyang pinsan na sina Vika at Viktor.   Pero gaya ng lahat ng bagay na huwad, hindi nagtagal at lumabas din ang tunay na kulay ng mga ito.   Sa edad na sampu, laman na ng lansangan si Jorge. Nagtitinda ng kung anu-anong p'wedeng pagkakitaan. K'wintas na bulaklak, kendi, bisk'wit, kakanin ang ilan sa mga inaalok niya sa mga motorista. Sa murang edad ay inilagay na sa mga balikat niya ang responsibilidad na maghanap buhay.   Hindi na rin siya nakapag-aral gawa ng kahit sa pampublikong paaralan ay ayaw siyang i-enrol ni Verna. Hindi rin naman daw niya magagamit ang matututunan dahil sa bahay lang naman daw nila siya maninilbihan.   Ang ginawa niya ay nakikibasa siya sa mga aklat nina Vika at Viktor kapag tulog na ang mga ito. Noong mahuli siya isang gabi ni Vika, pinarusahan siya nito sa pamamagitan ng paggawa sa mga takdang aralin nito. Nang malaman ni Viktor ang istratehiya ni Vika kung kaya't tumaas ang mga marka nito ay gumaya na rin ito sa kapatid.   But Jorge didn't get angry with them. Masaya pa nga siya at malaya siyang nakapag-self study kahit na halos mawalan na siya ng oras sa pagtulog.   She didn't mind at all. Because Jorgina is a girl with ambitions. Isang araw, magtatagumpay siya sa buhay.   "Hoy Jorge, na-late ka ata ngayon?" bati ng security guard ng mga Silvano na si kuya Raul nang sapitin na niya ang mansyon.   "Marami kasi akong paninda ngayon, Kuya," nakangiti niyang tugon.   Kilala na siya roon dahil araw-araw siyang dumadaan mula pa noong unang beses niyang makilala ang mabait na si Senyora Amelia. Sa kalsada sa bayan sila unang nagkita. Kasagsagan ng ulan pero ang onse anyos na siya noon ay 'di alintana ang ulan at pakatok-katok sa bintana ng mga sasakyang nakahinto sa traffic light.   She offered her a Sampaguita necklace for ten pesos each.   Senyora Amelia was so heartbroken when she saw her. Ang ending, binili nito lahat ang paninda niya at isinama siya pauwi sa mansyon nito sa kabilang barangay. Tinandaan niya ang daan at mula nga noon ay araw-araw siyang nagpupunta gaya ng habilin ng mabuting ginang.   She wanted to adopt her from the very beginning. Pero ayaw niya dahil alam naman niyang hindi siya papayagang umalis ni Verna at asawa nitong si Oscar.   "Pumasok ka na, kanina ka pa hinihintay ni Senyora. Nakailang tawag na rito para tanungin kung dumating ka na," wika pa ni Raul habang binubuksan ang mataas na gate na bakal. Nakakuha na rin ito ng biko mula sa basket na dala-dala niya.   Mula sa gate ay naghihintay na sa kanya si Ronald na may e-bike. Gumagamit sila ng naturang sasakyan para makarating sa mismong mansyon na limandaang metro pa ang layo mula sa gate. Sa bayan nila ay pinakamayaman ang mga Silvano at isang prebilih'yo kay Jorge na maging kaibigan si Senyora Amelia.   "Kanina pa ako gutom, Jorge. Sa susunod nga unahin mo kami," biro ni Ronald habang tinatahak nila ang maluwag na daang nalilinyahan ng mga mayayabong na puno sa magkabilang gilid.   Tuwing naroon siya, pakiramdam niya ay pumapasok siya sa ibang mundo. Maganda, payapa at higit sa lahat, mababait sa kanya ang mga taga-roon.   "Para namang p'wede kong gawin 'yon!" sagot niya. "Nakakahiya sa Senyora kung lahat ng paninda ko eh siya ang bibili."   "Siya naman ang may sabi no'n, 'di ba? Ayaw mo lang," giit ni Ronald. Matanda ito sa kanya ng ilang taon at naninilbihan din sa mga Silvano bilang all around helper.   "Oo nga. Pero hindi ako mapagsamantalang tao, 'no!"   Malapit na sila nang may bumusina mula sa likuran nila. Lumingon si Jorge at kaagad na nag-unahan ang pintig ng puso niya nang mapagsino ang driver ng black convertible na nasa likuran nila.   The handsome Dr. Jeremy Silvano took his shades off and waved at her. Nakangiti ito at nagmukhang mas bata sa tunay na edad dahil sa buhok na nagulo ng hangin.   "Ngayon ka lang, Jorgina?" tanong nitong umagapay sa kanila. Jeremy, just like his mother, was fond of calling her Jorgina instead of Jorge. Hindi raw kasi niya bagay magkaroon ng nikname na panlalaki.   "Opo, Doktor!" Halos mahulog ang panga niya sa lawak ng kanyang pagkakangiti. Gano'n lang at buo na ang araw niyang nag-umpisa sa sigaw ni Verna kaninang umaga.   Tumango si Jeremy at sumenyas na kita na lang sila sa mansyon.   Sabay silang dumating sa tatlong palapag na mansyon pero dumiretso ito sa garahe. Siya naman ay sinalubong na ng Senyora pagkababa niya sa e-bike.   "Bakit ngayon ka lang? Alas-kwatro na." Kaagad siyang niyakap ng Senyora kahit pa amoy araw siya.   Kaagad nitong tinawag ang mga kasambahay na hindi bababa sa sampu para kainin na ang mga dala niya. Pumili rin ito ng sa kanilang dalawa at kay Jeremy at ipinahanda sa mga katulong.   Maraming kasambahay ang mga Silvano kahit si Senyora at ang Doktor lang naman ang nakatira roon. Katwiran ng matanda, tulong na lang nila iyon sa mga kasambahay na kung tutuusin ay 'di naman kailangan ang serbisyo. Two or three of them would've sufficed. Ang nangyari ay outnumbered ng kasambahay ang mga amo.   "Akala ko ay nakalimutan mo na akong daanan." Ngumuso pa ang Senyora na animo'y nagtatampo.   "Kayo pa po ba ang makakalimutan ko? Eh, kayo nga po ang araw-araw na tumutulong sa akin para may maiuwi akong kita?"   "Alam mo namang kasiyahan ko na makita ka." Malambing na inakay siya nito para maupo sa sofa.   "Ang totoo niyan, mas masaya pa ang Mama na makita ka kaysa sa anak niya," pabirong singit ni Jeremy na kakapasok lang ng mansyon. Nilalaro pa nito sa mga daliri ang susi ng sasakyan nito.   "Aba at and'yan na rin pala ang tunay kong anak," sagot ng Senyora.   "Kita mo na, sabay tayong dumating, 'di ba? Pero hindi niya ako nakita," hirit pa ng binata na lumapit para halikan sa pisngi ang ina.   Dahil katabi niya ang Senyora, pakiramdam ni Jorge sa kanya ito lumapit at humalik. Only that his lips landed on his mother's cheeks.   "Kung 'di ko pa alam na tuwang-tuwa kang 'di kita pinapansin ay baka maniwala pa akong nagseselos ka." Malambing na pinisil ng ginang ang magkabilang pisngi ni Jeremy na para bang isa itong bata.   Jorge giggled when Jeremy groaned in protest. But he couldn't do anything, right? He loves his mother and he could just let her be even when he looked like a complete mama's boy in that gesture.   "Magbihis ka na. Tapos saluhan mo kami ni Jorgina sa meryenda." Pagtataboy ng Senyora matapos manggigil sa anak.   "Mahal na mahal po ninyo ang isa't isa," sabi ni Jorge habang tinatanaw ang papalayong binata.   Naiinggit siya. Ang mga ganyang eksena sa pagitan ng anak at magulang ay talagang kumukurot sa puso niya.   Naranasan naman niya iyon sa piling ng mga totoo niyang mga magulang. Why did they have to die so soon? Pero alam ni Jorge na may dahilan ang lahat at wala siyang karapatan na kwestyunin ang Diyos sa maagang pagbawi Nito sa kanyang mga magulang.   She was yet to know the purpose pero sa ngayon alipin na lang siya kung ituring ng kanyang pangalawang pamilya.   "Wala akong choice. Malaki na ang baby boy ko. Kung bakit naman kasi ayaw pang mag-asawa para magkaroon na ako ng apo," tugon nito na parang stress na stress na. "G'wapo naman ang anak ko, hindi ba?"   "Oo naman po. Mana po sa kagandahan ninyo," Jorge answered, nahihiya siyang sabihin nang diretso na sobrang g'wapo ng anak nito sa paningin niya. "Hindi po ba't may asawa na ang panganay ninyo?"   "Si Kristina?" Mukhang mas na-stress si Senyora Amelia. "Limang taon ng kasal ang isang iyon pero hanggang ngayon ay wala pa sa isip nilang mag-asawa na magparami na. At kung sakali man, city girl ang batang 'yon. Mabuti kung iuwi rito ang magiging apo ko."   "Hayaan po ninyo. Sigurado naman po ako na magkakaroon din kayo ng maraming apo."   Dumating ang isang kasambahay at inilapag sa center table ang mga kakaning paninda niya na nasa mamahaling mga platito na. May kasama na rin iyong malamig na juice.   "Salamat. Magmeryenda na rin kayo, Tonya," anang Senyora sa halos kaedad niya ring dalagita.   "Jorge, next time, magdala ka naman ng mangga," hirit nitong pabiro pa siyang kinurot sa tagiliran.   "At bakit, naglilihi ka ba? Hindi panahon ng mangga ngayon," sita ni Senyora Amelia. Hindi ito galit at alam iyon ni Tonya kaya ngumisi lang ito sa amo. "Sinabi kasing 'wag kayong dikit nang dikit ni Ronald sa isa't isa. Kapag nadarang ang papel, masusunog."   "Si Senyora, 'di ko type 'yon, 'no!"   "Hindi ako pinanganak kahapon, hija. Hala, doon ka sa kusina't tulungan mo ang mamang mo." Pagtataboy rito ng Senyora. Nakangusong sumunod si Tonya. "Ang batang 'yan, hay naku," pagkaraa'y tumatawa na ito habang kinuk'wento ang kakulitan ni Tonya.   "Napakabuti po ng puso ninyo, Senyora," komento niya. Likas na magiliw ito sa mga kasambahay.   "Sana ginagantimpalaan ng apo ang pagkakaroon ng mabuting puso," malungkot na wika ng Senyora bago sumubo ng biko. "Jorgina, hindi naman siguro pusong babae ang anak ko, hindi ba?"   "Naku, hindi naman po siguro!" mariin niyang tutol.   "Kung gano'n ay bakit 'di pa siya mag-asawa? Bente nueve anyos na siya, may kasintahan din naman, may magandang propesyon, o ano pa ang kulang sa kanya?"   "Senyora, baka sadyang wala pa sa isip nila ang pagpapakasal." Alo niya sa ginang.   "Hindi ko lang maisip kung bakit. He must be gay -"   "Mama, stop it or Jorgina will believe you," gagad ni Jeremy na nakabalik na matapos makapagbihis. Naupo ito sa tapat nila at kumuha ng pagkain.   "At bakit bihis na bihis ka?" sitang sabi ng ina nito. "You just arrived, Jeremy. Aalis ka na naman?"   "Susunduin ko sa airport si Iris, remember?" Kunot-noong tanong ng binata.   Lihim na nalungkot si Jorge. Iris is Jeremy's long term girlfriend. Alam niya iyon pero sa kabila ng lahat ay crush na crush pa rin niya ang Doktor. Alam naman kasi niya kung saan ilulugar ang paghanga sa binata.   Dr. Jeremy Silvano is just a dream. Sa totoong buhay, mayaman ito, mahirap siya. Twenty-nine na ito at seventeen pa lamang siya. May pinag-aralan ito, isa pa ngang doktor samantalang siya ay hindi na natapos ang elementarya. Higit sa lahat, mayroon na itong Iris Tuazon. Ang sikat at napakagandang modelo sa syudad.   "Jorgina, birthday ko sa makalawa. Pumunta ka, ha? Apat na taon ka ng tumatanggi, this time, I will no longer accept a no." Nakangiting baling sa kanya ng binata.   'Kung may pagkakataon, bakit hindi, Dok?'  nais niyang isagot.   "Ay oo nga pala, nakalimutan kong birthday mo na pala. Jorgina, ipapasundo kita, okay?"   "Senyora, aalis na po ako. Hindi ko na po namalayan ang oras," sa halip ay sagot niya. Dahil hindi naman siya makakapunta kahit gustuhin niyang magpaunlak.   "Sumabay ka na sa 'kin palabas," ani Jeremy na hindi na rin ipinilit ang isyu.   "Baka marumihan ko ang sasakyan mo, dok!" kaagad niyang tanggi. Kahit mabait sa kanya si Jeremy ay nahihiya pa rin siyang makasama ito.   "Nonsense. Bakit, marumi ka ba?" anang Senyora na halos ipagtulakan na siya para sumabay sa anak nito.   "Let's go?"   "S-sige po, Dok..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook