"Tita Jorge, talo ka. Talo ka!!!" Kantyaw ni Knight sa kanya na inaabot ang tenga niya para pingutin. "Kasi sumisilip ka!" Tumatawang tumayo siya para hindi siya maabot ng bata. "Of course not! It's an honest win!" Tumuntong sa upuan si Knight. Naglalaro sila ng "pitik bulag". Itinuro niya sa anak ni Kristine ang naturang tradisyonal na laro at ginawa nilang bonding. Tuwang-tuwa naman si Knight. Palibhasa ay puro computer related games ang alam nito. "Oo na. Oo na." Yumuko na siya para pagbigyan ito. "Swear, huli na 'yan!" Dagdag niyang tiniis ang sakit ng pagpingot nito sa tenga niya. "Let's see. Coz I'm learning the technique now!" Determinadong sabi ni Knight na muling pumwesto ng upo. "You wish!" "Game on! Ako naman ang pipitik!" Nagtakip siya ng mata. Tsineck pa talaga ni Kni

