Lahat ng naroroon ay hindi makapaniwala na napatingin sa babaeng nasa ulunan ng dragon. Kumpara sa huli nilang nakita ito ay may kakaiba na sa kanyang tinataglay na presensiya. Nararamdaman rin ng Amang Hari at ng mga prinsipe ang tila pagtawag ng kanilang dugong Diyos sa presensiya na mayroon ngayon ang prinsesa. Kaya masasabi nila na isa itong presensiya na hindi maihahantulad sa isang karaniwang tao. "I-Isang Diyosa..." Manghang sapantaha ni Prinsipe Boreas nang makita ang pagkabuhay ng kanilang kapatid at malaki naging pagbabago sa kanya. "H-Hindi ako maaaring magkamali... I-Isang Diyosa ang ating kaharap..." Ngumiti naman si Prinsesa Prima sa kanila saka dahan dahan na bumababa mula sa ulunan ng kanyang dragon na si Spark. "Grrruuuu..." Umaangal na pag-ungol pa ng dragon nang tul

