"D-D-Duke..." Natatakot na sambit nina Viscount Laius nang masaksihan ang bawat tinatagong abilidad ng mga Calareta. "A-Anong gagawin natin? M-M-Masyado silang malakas para harapin natin sa isang labanan!" Hindi naman malaman ni Duke Menos ang gagawin. Ang buong pag-aakala niya ay isang kasinungalingan lang ang abilidad ng mga Calareta. Kaya para makasiguro ay gumamit sila ng halamang Medusa para pahinain sila Ngunit dahil sa biglang pagkabuhay ng prinsesa at mala-himalang panggagamot niya sa kanila, wala sa plano nila na makaharap sa isang labanan ang abilidad ng mga Calareta. Unti-unti nakikita ni Duke Menos ang mali sa kanyang ginawang mga hakbang. Maling mali ang ginawa niyang pagkalaban sa maharlikang pamilya. Kung sana ay nanatili na lamang siya sa anino ng palasyo at lihim na

