"s**t!" Napangiwing mura ni Frolan ng magkamali siya ng kilos kaya nakatamo siya ng malalim na sugat sa kanyang likuran. Maagap naman siya tinulungan ni Liber at pinatumba ang ilang kalaban na balak samantalahin ang malubhang kondisyon ni Frolan. "Frolan, ano? Kaya pa?" Nakangising tanong pa niya sa kasama. "O gusto mo na tulungan kita na iuwi ang malamig mong bangkay sa iniibigan mong dalaga." Pang-aasar pa niya. Nakasimangot naman na napaangat ng tingin si Frolan. "Tss. Gasgas lang ito." Pagyayabang niya. "Ikaw ang dapat kong tanungin kung kaya mo pa." Dagdag niya at tinignan ang patuloy na nagdurugong tagiliran ni Liber at pamumutla ng balat ng lalaki. "Ito? Kalmot lang ito ng pusa." Hindi nagpapatalong pagyayabang ni Liber sa kanyang natamong sugat. "Doktor ka pero hindi mo alam na

