Abala ang karamihan sa mga kasamang kawal ni Prinsipe Boreas sa pagsasaayos ng mga nahuli nilang mga tauhan ni Marquiss Volturnus para madala ang mga ito sa palasyo at doon hatulan ng kaparusahan. Kasama na sa mga iyon ang hinuli namin sina Pietas, Mayor Robigo at Count Priapus na pilit pa rin ang pupumiglas sa kanila habang sinasakay sa iaang karwahe. "Bitawan niyo ko! Hindi niyo ba ako nakikilala?" Pagwawala pa ni Count Priapus. "Tandaan niyo ito! Babalikan ko kayong lahat sa oras na makalaya ako!" Dagdag pagbabanta at pananakot niya sa mga may hawak sa kanya ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito at pwersahan na itinulak papasok ng karwahe. "Wala akong kasalanan! Maniwala kayo!" Pagpapaawa naman ni Mayor Robigo sa amin. "Biktima rin ako ng kasakiman nina Count Priapus at Marquiss V

