Nang makarating kami sa bayan ng Rubina at katulad ng aming inaasahan ay nakaparaming mga dayo ang nagkalat sa paligid para makisaya sa kapistahan. Kapansin pansin na punung puno ng iba't ibang kulay ng mga palamuti ang paligid at maraming mga nagtitinda rin ng kanilang mga kalakal sa mga gilid ng daanan. Ibang iba ang bayan na ito kumpara sa ibang bayan na aming unang napuntahan. Makikita na masasagana ang mga tao rito sa kani-kanilang kabuhayan at hindi makikitaan ng kahirapan sa hanap buhay. "Mga sampung taon na rin ang lumipas nang makaapak ako muli sa bayang ito." Seryosong sambit ni Dervis habang inililibot ang mga matang may bahid ng kalungkutan sa aming paligid. Kunot noo ko naman siya nilingon dahil sa kanyang sinambit. "Hindi mo naisipan umuwi man lang rito sa iyong bayan?" T

