Marahas na hinila ako ng mga lalaki patungo sa kinalalagyan ng manor ng marquiss. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito lalo na sa malapitan. Lalong namangha ako ng makita pa ang mismong loob nito. Kumikintab ang anumang muwebles na mayroon ang manor. Masasabi ko na napakalaking halaga ang ginamit ng marquiss para maitayo ito. "Waaa! Bitawan niyo ko! Ayoko sumama sa inyo!" Iyak ng ilang mga bata na kinuha nila habang marahas na kinakaladkad ito papunta sa isang direksyon. Kinaladkad naman kami papunta sa kabilang direksyon ni Blake. Marahil hinihiwalay nila ang mga bata sa iba pa. Tahimik lang ako sumusunod sa kanila habang tinatandaan ang bawat aming madadaanan. Hanggang sa muntikan ako matumba nang malakas na itulak ako papasok sa isang selda. Sinamaan ko pa ng tingin ang lalaking

