"Mula po sa aming kalkulasyon ay matatapos ang pagtatayo ng irigasyon sa mga bayan sa loob ng dalawang buwan, tatlong buwan ang panglahatang daan at anim na buwan sa ekswelahan." Pag-uulat sa akin ni Baron Veritus sa pag-unlad ng kanilang mga proyekto. "Ito rin po ang listahan ng mga aplikante bilang guro sa itinatayong mga eskwelahan." Napangiwi ako nang mahawakan ang makapal na bulto ng mga resume. "L-L-Lahat ito?" Gulat kong sambit. Buong pagmamalaki na tinango tango ni Baron Veritus ang kanyang ulo "Marami rami po ang umaasa na makuha sila sa magandang oportunidad na ito." Pagdadahilan niya. "Huwag po kayo mag-aalala dahil sinala na namin nina Baron Honos ang tingin namin na pasok sa hinahanap natin mga posisyon." Binalingan ko muli ng tingin ang mga resume. Mula sa kanyang sinabi

