"Maaari kang bumalik sa lupa pero isa ka na lang karaniwang tao o manatiling isang Diyosa na may abilidad na magpagaling." Pamimili ng Panginoon sa akin. Napatingin ako sa lantang bunga na hawak ko. Kung gusto ko na mamuhay sa kalupaan ay kailangan kong piliin na maging isang karaniwang tao pero sa sitwasyon ngayon ay mas malaki ang maitutulong ng aking abilidad sa mga nasaktang sa kaguluhan. "Ano ang iyong magiging desisyon?" Naiinip na pagtatanong pang muli ng Panginoon sa aking pipiliin. "Pipiliin mo ba na maging isang karaniwang tao o manatili bilang isang Diyosa?" Napakagat labi ako dahil sa nahihirapan ako magdesisyon. Nais kong makatulong sa lahat sa abot ng aking makakaya. "K-Kapag ba pinili ko na maging isang Diyosa ay makakababa pa rin ako sa kalupaan?" Pagkla-klaro ko pa sa

