"Patay na ang ipinagmamalaki niyong prinsesa." Buong pagmamalaking anunsiyo ni Marquiss Acrisius sa nanghihinang Amang Hari at ang kanyang mga prinsipe. "At ako mismo ang pumatay sa kanya..." Nanginginig ang kamay ng Amang Hari na kinuha ang mga hibla ng buhok na iyon. Umaasa siya na isa lang kasinungalingan ang sinabi ng Marquiss at sinasabi niya lang na namatay na ang prinsesa para tanggalin ang naiwang pag-asa na mayroon sila. Ngunit anong suri niyang gawin ay hindi maikakaila na isa itong buhok ng Calareta. "H-Hindi totoo iyan..." Nanghihinang bulalas niya at mahigpit na inipit sa kanyang palad ang buhok na iyon. "B-Buhay ang aking prinsesa..." Pilit pa na pagtanggi niya sa katotohanan habang paulit ulit na iniiling ang kanyang ulo. Namutla naman ang mga mukha ng prinsipe dahil sa

