Halata sa mukha ni Xerxes ang pagkagulat na sabihin ko ang kanyang tunay na pangalan at kaalaman na kakambal siya ni Dervis. Nang makabawi ay mas mahigpit pa ang kanyang pagkahawak sa aking braso kaya halos mapapikit at maluha-luha ako na napangiwi sa sakit. Naramdaman ko pa ang nanggigigil na pagbaon ng kanyang kuko sa aking balat at bahagyang pagdurugo ng aking braso. "X-Xerxes, b-bitawan mo ko! Ngayon din!" Pautos at maawtoridad kong sambit habang tinutulak siyang palayo sa akin. "At anong gagawin mo sa akin kapag hindi ko iyon sinunod, Prinsesa?" Maangas na pagtatanong niya na punung puno ng pagbabanta at pag-uuyam sa akin. "Tingin mo ay matatakot ako ng salita ng katulad mong isang mangmang na prinsesa at hindi marunong depensahan man lang ang sarili? Ginagamit ka lang naman ng mga

