"Nasaan na sila?!" "Huwag niyo hayaang makatakas!" "Pumunta kayo sa kabilang direksyon at dito naman kami!" Naramdaman ko ang marahang pagtulak ni Dervis sa aking ulo papunta sa kanyang dibdib at hinapit pa ang aking katawan palapit sa kanyang katawan. Mukhang hindi niya alintana kung gaano kami kalapit ngayon. Abala kasi siya sa pagsilip sa mga tulisan habang pilit tinatakpan ako ng kanyang malapad na katawan mula sa aming pinagtataguan. "D-Dervis..." Nahihiyang pagtawag ko sa kanya at pilit kumakawala sa kanyang mahigpit na hawak. "Sssh!" Labis pa ang aking kaba nang marinig ang mga papalapit na mga yabag sa aming direksyon. Halos pigilan ko ang aking hininga at mahigpit na napakapit sa damit ni Dervis nang makita ang isang grupo ng mga tulisan. "Wala sila rito!" "Hagilapin niy

