Dahil wala naman kaming nakitang problema sa bayan ng Sardona na nasa ilalim ng pamamahala ni Baron Veritus ay minabuti namin na umalis sa bayang ito at magtungo sa susunod na bayan, ang Carmelia. Kaya pagkasikat na pagkasikat pa lamang ng umaga ay agad kami naglakbay muli kasabay ang pag-alis ni Baron Veritus sa kanyang manor patungo sa palasyo. "Mukhang naging maayos ang tulog ng lahat." Masayang komento ni Frolan habang tinitignan kami isa isa. Tumango naman si Zion para sang-ayunan ang sinabi niya. "Malaking tulong ang pagtanggap at pag-aasikaso ni Baron Veritus sa atin sa kanyang manor kaya nakapagpahinga tayong lahat." Sambit naman niya. Nag-unat ng kanyang mga braso si Blake bago inakbayan si Calypso sa kanyang tabi. "Tingin ko nga ay ngayon lang muli ako nakakuha ng mahabang t

