"Mr. X." Napalingon ako sa aking kaibigang matalik at nagsisilbing kanang kamay sa aking itinayong grupo. Ramdam ko sa kanyang tono ang kaseryosohan para lapitan at abalahin ako sa aking ginagawang trabaho. "May problema ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Nang tignan ko siya ay kita ang pagkabahala sa kanyang mukha. "Tungkol ito sa inyong kakambal." Panimula niya na siyang kumuha ng buong atensyon ko. Ibinababa ko ang aking hawak na dokumento at hinintay ang anumang sasabihin niya tungkol kay Dervis. Binuka sara niya ang kanyang bibig at tila hindi alam kung paano sisimulan ang anumang nabalitaan niya sa aking kakambal. "Anong mayroon sa kanya?" Tanong ko na punung puno ng kuryosidad. "Hindi pa naman siguro siyang patay di ba?" "N-Naalala mo ba ang pagtitipon na dapat dadaluhan natin

