Sa tulong ng mabilis na pangangalap ng impormasyon ni Blake ay aming natuklasan kung saan isasaganap ang sikretong pagtitipon ng mga opisyales. Katulad sa bayan ng Rubina ay gaganapin ito sa isang tago at masikip na eskinita na hindi agaran mapapansin nang mga sinuman na mapapadaan. Tumingin pa muna kami sa paligod bago pinasok ang eskinitang iyon. Ramdam ko pa ang kaba ng lahat habang patungo kami roon. Hanggang sa makita namin ang ilang akala mo mga kalalakihan na pagala-gala lang rito pero ang totoo sila ang nagbabantay at nagtataboy ng ibang maliligaw sa parteng ito ng bayan. "Mr. X." Pasaludong pagbati nila kay Dervis. "Akala namin ay hindi na kayo makakapunta. Nakatanggap kami ng sulat kanina." Napatingin naman kaming lahat at nag-iintay sa sasabihin ni Dervis sa kanilang dahilan

