Napaurong ako ng ilang hakbang palayo nang mapagtanto kung sino ang aking nilapitan. Ano naman ang ginagawa niya rito? Nakita ko siya sa Rubina kaya hindi ko inaasahan na makakatagpo ko rin siya sa Saphira. Ang matindi ako pa ang mismong lumapit sa kanya kaya naipit ako ngayon sa ganitong sitwasyon. Ngunit kung titigan mabuti ay labis labis ang pagkahawig nilang dalawa ni Dervis. Para bang talagang pinagbiyak na bunga. Kung hindi ko alam lang nalaman na may kakambal si Dervis ay baka hindi ko mapapansin na hindi siya ito ngayon. Napalunok ako at napatingin sa paligid para mag-isip ng dahilan para makatakas. "Ah..." Hindi niya malamang sambit at bahagya pa napakamot ng kanyang batok. "Xes." Tawag sa kanya ng isang lalaki sa hindi kalayuan. "Tapos ka na ba sa pamimili mo?" Ngunit hindi n

