Mabuti na lang ay nakarating kami sa Saphira. Kung tumagal pa ang aming biyahe ay tila hindi ko matatagalang ang tensyon sa away nina Calypso at Blake. Hindi na sila nag-iimikan at nagpapansinan. Nang makababa sa karwahe ay sa amin pa ni Dervis na sumabay si Blake habang si Calypso naman ay kina Frolan. Ngunit kahit hindi pinapansin o iniimik ni Blake si Calypso ay napapansin ko ang maya't maya niyang pagsilip sa aming likuran. "Blake, ikaw ba iyan?" Masayang pagbati ng isang ginang kay Blake. Napangiti naman ng malapad si Blake sa kanya. "Manang Beba, ako nga po. Kamusta po kayo?" Pagbati niya naman sa ginang. "Aba'y katulad pa rin kami ng dati." Sagot nito. "Ikaw na bata ka ang kamusta?! Anim na taon ka rin nawala sa ating bayan. Nag-alala sa iyo ang mga tiyo at tiya mo. Ipinahanap

