***17 years ago*** "Ariadne!" Masayang pagbati ni Liliana nang makita ang kanyang matalik na kaibigan pagkatapos ng pitong taon na hindi nila pagkikita. Magkaibigan na sina Liliana at Ariadne mula pa ng kanilang pagkabata. Halos hindi nga sila mapaghiwalay noon sa isa't isa at madalas rin silang pagkamalang kambal dahil na rin sa lagi silang magkasama. Hindi kasi maikakaila na may malaking pagkakahawig ang dalawang magkaibigan. Iyon nga lang dahil sa napangasawa ni Ariadne ang hari ng kanilang kaharian ay hindi na basta basta nakakalapit si Liliana sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit gayun pa man ay masayang masaya si Liliana na makita na masayang masaya ang kanyang kaibigan sa piling ng kanilang hari. "Liliana!" Masayang masaya pagsalubong naman ng Reyna ng kaharian ng Calareta.

