Chapter XIV

2083 Words
Walang mga emosyon na umupo ang tatlong executioners sa upuan na nakareserba sa kanila. Inangat nang nasa gitna ang kanyang kanang kamay kaya nagsitayuan ang mga naririto na lumuhod bilang paggalang sa kanila. "Naririto tayong lahat para litisin at hatulan ang mga akusado sa pagpatay kay Count Vernon at sa kanyang anak na si Kaisel." Sobrang lamig na sambit nang nasa pinaka-kaliwang upuan na ikinilabot ng aking balahibo buong katawan. Napakalakas na kumabog ang aking puso at sinimulan na rin ako pagpawisan ng malamig. Kinakabahang nilingon ko si Dervis na ngayon ay walang takot na nakikipagtagisan ng tingin sa mga executioner. Mukhang hindi naman nila iyonl nagustuhan kaya sinenyasan nila ang kawal na may hawak kay Dervis na hatawin siya ng latigo sa kanyang likuran. Napaiwas ako ng tingin kay Dervis dahil hindi ko kaya ang makita siya na sinasaktan ng mga kawal. "Aaah!" Nasaktang hiyaw ni Dervis sa limang beses na paghampas sa kanya. "Tumahimik ang lahat dahil sisimulan na namin ang paglilitis!" Pautos na sigaw nang nasa gitna. Doon ay binuksan ng executioner na nasa pinaka-kanan ang dala niyang naka-seal na envelop. "Mula sa aming pag-iimbestiga ay kayo mismo ang umatake sa kuta ng kalaban niyong gang na pinamumuan ni Klaus." Pagbasa niya sa nilalaman ng kanyang hawak na imbestigasyon. "Nagkataon na naligaw si Kaisel sa kanyang pamamasyal sa lugar na iyon at naipit siya sa kaguluhan." Gulat na gulat na napanganga ako sa malaking kasinungalingang pinagsasabi nila. Naligaw si Kaisel? Naipit siya sa kaguluhan? Anong kalokohan ito? Kunot noong napalingon ako ng makarinig ng malalakas na hikbi sa bandang kanan ko. May bihis na bihis na ginang roon na umiiyak at kayakap ang dalawang lalaki na matalim ang tingin na binibigay sa amin. "Kaisel, ang anak ko! Napakabait niyang bata! Bakit kailangan mangyari sa kanya ito?" Puno ng hinagpis na pag-iyak pa ng ginang. "Pakiusap hatulan niyo sila ng mabigat na parusa! Gusto ko makuha ang hustisya para sa aking mag-ama." Mahigpit na napakuyom ako ng aking kamay. Nagagalit ako dahil hindi ko akalain na ganito kawalang ideya ang palasyo sa ginagawa ng mga opisyales nila sa labas. Idagdag pa na may mga mapasamantalang opisyales na kayang baguhin ang resulta ng imbestigasyon. Kahit ang mga executioner ay kaya nilang lokohin at paikotin. Galit na galit na napatayo mula sa kanyang pagkakaluhod si Gyro. "Hindi totoo ang lahat ng iyan! Saan niyo ba nakuha ang maling impormasyon na iyan?!" Gigil na gigil na pagsigaw niya. "s**t! Paniniwalaan niyo talaga ang kalokohan na iyan?!" Pinukpok nang nasa gitnang execuitoner ang isang pamukpok na kahoy. "Tahimik!" Malakas at puno ng panganib niyang pagsigaw. "Maaari lang kayo magsalita pagkatapos basahin ni Alecto ang nilalaman ng imbestigasyon sa inyo." Pinagtulungan muli ng mga kawal na ibalik sa pagkakaluhod si Gyro saka siya binigyan ng limang hampas rin ng latigo sa kanyang likuran. Nilingon ng executioner sa gitna ang executioner na tinawag niyang Alecto para magpatuloy sa kanyang pagbabasa. "Salamat Megaera." Pasasalamat ni Alecto at tinignan muli ang kanyang hawak na mga papel. "Dahil sa pagkamatay ni Kaisel, hinanap ni Count Vernon ang pumaslang sa kanyang anak." Pagpapatuloy niya. "Gusto niya lamang kausapin ang grupo ni Dervis na sumuko sa palasyo subalit nagmatigas ang mga akusado at nauwi muli sa isang kaguluhan ang dapat mapayapang pag-uusap. Katulad ni Kaisel ay nasawi rin si Count Vernon sa gitna ng kaguluhan." Napahugot ako ng malalim na hininga dahil lahat ng nilalaman ng kanilang imbestigasyon ay isang kasinungalingan. Hindi ko alam kung may pakikinggan pa sila sa sasabihin namin. Ano nga ba ang laban ng katulad namin na walang posisyon sa palasyo? Ganito na lang ba? Sa mayayaman at may pera na lang ba napupunta ang pinakakaasam na hustisya? "Ngayon ay pakikinggan namin ang inyong panig tungkol sa pangyayaring ito." Pagbibigay pahintulot sa amin ni Medaera at itinuro si Dervis para siya ang magsalita. Buong pwersa na tumayo si Dervis na hinayaan naman ng mga executioner. "Lahat ng inyong inihayag ay pawang kasinungalingan lamang!" Hayag ni Dervis na punung puno ng pangungumbinsi sa kanyang tono. "Ang mag-amang Vernon ay hindi mabuting tao katulad ng inaakala niyo. Mga mapagsamantala sila sa kanilang mga posisyon! Sila ang namumuno ng sindikatong may hawak ng prostitusyon sa kapital at maraming buhay silang sinira para manatiling lihim iyon!" Nagsimula naman magbulungan ang mga taong nakikinig mula sa sinabi ni Dervis. Marahil ay ibang iba talaga ang imaheng alam nila sa buong pagkatao ni Count Vernon. Isa siyang santo sa loob ng palasyo pero isang demonyo sa labas nito. Nagkatinginan ang mga executioner mula sa sinabi ni Dervis bago isinulat naman ito ng nasa pinaka-kanan. "Mapapatunayan mo ba ang iyong inihayag?" Pagtatanong ni Alecto sa kanya. "Kaya mo bang patunayan lahat ang iyong sinabi?" Napakagat labi ako dahil wala kaming maipapakitang ebidensiya sa kanila. Hindi namin akalain na aabot sa ganito ang sitwasyon para mangalap ng ebidesiya sa mga illegal na gawain ni Count Vernon. Kung alam lang namin ay sana nakapaghanda man kami ng kahit isa lang. Malungkot na napailing ng ulo si Dervis. Alam niya na kahit anong sabihin namin ay hindi rin nila paniniwalaan dahil sa wala kami maipapakita na ebidensiya sa kanila. "Wala kang maipapakita?" Hindi nagustuhang pagtatanong muli ni Medaera. "Kung wala kang maipapakita ay magiging isang testamentong ng paninirang puri kay Count Vernon ang iyong mga binanggit. Dahil rito ay pinalalaki mo lamang ang parusang ipapataw sa inyo." Napayuko ng ulo si Dervis at halos dumugo ang kanyang kamay sa labis na pagkakuyom nito. "May gusto ka pa bang idagdag sa iyong sinabi?" Pagtatanong ni Alecto kay Dervis na sinagot niya ng pag-iling ng ulo. Pilit na pinaluhod muli ng mga kawal sa sahig si Dervis habang patuloy ang mga pag-uusap ng mga nanunuod na opisyales sa aming paglilitis. Idagdag pa na karamihan sa mga nanunuod ay tila nagagalit sa sinabi ni Dervis laban kay Count Vernon. Marahil mga kakampi at kaibigan sila ng namayapang opisyales. "Si Count Vernon? Napakabuti niyang tao para gawin iyon!" "Marahil ay pinapamukha nilang masama si Count Vernon para gumaan ang kanilang mga parusa!" "Imposible ng sinasabi niya! Kilala ko si Count Vernon at hindi niya magagawa ang ganoong bagay!" "Napakasinungaling! Dapat sa kanila ay parusahan ng kamatayan!" "Pati naman ang namayapang si Count Vernon ay sisiraan nila!" Sampilitang tumayo si Gyro mula sa pagkakaluhod. "Mga walang kwenta kayo! Tinawag kayong mga kawal ng palasyo pero hindi niyo man lang nagawang malaman ang baho ng mga pinoprotektahan niyong opisyales!" Naggagalaiti pang pagwawala ni Gyro at pilit itinutulak ang mga kawal na may hawak sa kanya. "Huwag kayo mga tanga! Imulat niyo ang iyong mga mata sa katotohanan! Hindi niyo ba nakikita ang paghihirap ng mga taong gustong mamuhay ng mapayapa sa kapital? Saan ba kasi kayo tumitingin? O talaga bang may pakialam kayo sa mga mamamayan ng Calareta?" Napatingala ako sa kisame ng kwartong ito dahil hindi ko na naiwasan na lumandas ang luha mula sa aking mga mata. Wala na talagang pag-asa para sa aming lahat. Dito sa kwartong ito magtatapos ang aming mga buhay. Sinubukan na pigilan ng mga kawal ang pagwawala ni Gyro. Mga limang kawal rin ang humawak sa kanya para ipirmi siyang muli sa pagkakaluhod sa sahig. Muli ay pinarusahan siya at hinampas ng sampung beses ng latigo sa kanyang likuran. Lalo naman lumakas ang mga bulungan pero wala niisa sa kanila ay naniniwala sa aming sinambit. Hindi ko alam kung bakit ba sila naririto. Gusto lang yata nila makita na maparusahan ang mga taong pumatay sa kapwa nilang opisyales. "Ipasok ang saksi sa pagpatay kay Count Vernon!" Pag-utos ni Medaera sa pinunong kawal na tahimik na nanunuod lang sa gilid ng entablado. Bumukas muli ang metal na pinto at pumasok ang ilang kawal dala ang isang pamilyar na lalaki. Napalunok ako nang dalhin sa gitna ng entablado si Gecko na naguguluhan sa nangyayari. Hindi ko alam pero tila masama ang kutob ko sa pagpapakita ni Gecko sa gitna ng aming paglilitis. "Nais namin na ituro mo kung sino sa kanila ang pumatay kay Count Vernon." Pautos na sambit ni Alecto kay Gecko. Namutla naman si Gecko na tila nakilala sila bilang mga executioner. Isa isa niya kami tinignan sa aming mga mukha. Nanginginig pa niya inangat ang kamay saka unti unti itinuro ang dulo ng kanyang hintuturo sa aking direksyon. Inaasahan ko na ako ang ituturo niya pero kahit handa ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang takot sa gagawin nila sa akin. "Wala ang taong iyan sa listahan natin ng miyembro ng gang ni Dervis." Nagtatakang sambit ni Alecto. "Sigurado ka na siya ang pumatay kay Count Vernon?" "O-O-Opo, n—nakakasiguro ako!" Natatakot na pagkumpirma ni Gecko sa kanila. "B-Bagong m-miyembro po siya ng k-k-kanilang grupo." Hinila naman ako patayo mula sa pagkakaluhod ng kawal na may hawak sa akin. "Itatanggi mo ba ang paratang ng saksi na ikaw ang pumatay kay Count Vernon?" Pagtatanong sa akin ni Medaera. Ramdam ko ang intesidad ng tingin na binibigay sa akin ngayon nina Dervis. Alam ko na gusto nila akuin ang pagpatay kay Count Vernon para maging magaan lang ang tatanggapin kong parusa. Ngunit kung buhay nga ako pero wala naman sila ay habang buhay ako uusigin ng aking konsensiya. Humugot ako ng malalim na hininga at nakipagtagisan ng tingin sa mga executioner. "Inaamin ko na ako ang pumatay kay Count Vernon." Pagsisiwalat ko sa harap nilang lahat na matinding ikinagalit ng asawa at mga anak ni Vernon. "Walanghiya ka! Dapat sa iyo ay mamatay rin!" Galit na sigaw sa akin ng ginang at ibinato sa aking kinatatayuan ang ilan niyang dalang mga gamit. "Primo!" Hindi nasisiyahang pagsigaw nina Dervis sa matapat na pag-amin ko. Pumukpok si Medaera senyales na tapos na ang kanilang paglilitis. Ngayon ay oras na para bigyan kami ng mga parusa. Napadiin ang aking pagkakagat sa aking labi habang hinihintay ang kanilang magiging hatol sa akin. "Ang pagbibigay ng parusa ay isasagaw ng aking kasama na si Tisiphone." Seryosong sambit ni Medaera at nilingon ang executioner sa kanyang kanan. Malakas na tumikhim si Tisiphone at seryosong tinignan kami bawat isa. "Dahil napatunayan sa paglilitis na ito ang iyong pagpatay kina Count Vernon at sa kanyang anak na si Kaisel, bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng mabibigat na parusa. Sisimulan ko ang pagbibigay ng parusa ngayon sa pinakamabigat na kaso." Panimula niya at bumaling ng tingin sa aking direksyon. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata habang hinahanda ang aking sarili sa kanyang magiging hatol sa akin. "Ikaw na pumatay kay Count Vernon ay hahatulan ng kamatayan sa paraan ng pagpugot ng ulo." Sambit niya. Nang marinig ko ang katagang iyon at tila nanghina ang aking tuhod. Unti unti ako napaupo sa sahig at napaiyak sa aking magiging kapalaran. "No, no, no! Primo!" Pagwawala ng aking mga kasama at nagpumiglas sa mga kawal na may hawak sa kanila. Lumuluha naman ako lumingon sa kanilang lahat. "Pakiusap! Ako ang tatanggap ng kanyang parusa!" Nagsusumamong sambit ni Dervis sa mga executioner. "Ginawa lamang niya iyon para iligtas ako! Kaya ako na lang ang parusahan niyo ng kamatayan!" Umiling ang mga executioner at binigyan ng senyas ang kawal na may hawak sa akin na dalhin ako sa taas kung nasaan ang gilotina. Dahil sa paghihina ng aking tuhod ay kinaladkad ako ng kawal patungo roon. "Primo!" Umiiyak na pagtawag sa aking pangalan ni Red. "Pakiusap! Huwag niyo siya hatulan ng kamatayan! Hindi nararapat iyon sa kanya!" Malakas na itinulak pa ako ng kawal para mabilis na makarating sa tuktok. Halos inabot ako ng limang minuto bago makarating roon. Ipinatong ng kawal ang aking ulo sa isang kahoy at may idinugtong siya roon para tuluyang hindi ako makawala at makakilos. Tinanaw ko sa baba ng gilotina sina Dervis na kitang kita sa kanilang mga mata ang takot para sa aking buhay. Kahit hilam na hilam na ako sa pag-iyak ay pilit na binigyan ko sila ng ngiti. "S-Salamat sa lahat ng itinulong niyo sa akin..." Umiiyak kong pasasalamat sa kanila. "No Primo!" Malakas pa ring pagngawa ni Red. "Binilisan niyo na! Pugutan niyo ng ulo ang taong pumatay sa aking asawa!" Naiinip na sambit ng asawa ni Count Vernon. "Huwag niyo na patagalin ang pag-arte ng mamamatay taong iyan!" Nang makita ko na ibaba na ng kawal ang blade na siyang puputol sa aking ulo ay ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang paghiwalay ng aking ulo sa aking katawan. "GRAAAAAAAARRRRRR!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD