Chapter XV

2326 Words
Napakunot ako ng noo nang makarinig ng malakas na nagagalit na ungol ng isang hayop na halos ikinayanig ng buong paligid. Kasabay ng ungol na iyon ang malakas na kalabog at sigawan sa aking paligid. "A—Anong nangyayari?!" "Bigla na lang nahulog ang kawal mula sa taas!" "Sino ang may gawa nito?" "Teka narinig niyo ba ang ungol na iyon?" "Saan ba iyon nagmumula?" Unti unti kong iminulat ang aking mga mata para alamin kung ano ang nangyayari. Ngunit nagulat ako nang bumungad sa aking paningin ang isang maliit na dragon na lumilipad katapat ng aking mukha. "Grrrruuuu!" Masaya masayang pag-ungol nito at mas kinumpay pa ang kanyang mga pakpak at nagpaikot ikot ng lipad sa aking harapan. Nagtataka man sa biglang pagsulpot ng maliit na dragon ay hinanap ko ang kawal na siyang puputol dapat ng aking ulo. Nakita ko na lamang na nagkakagulo sa ibaba dahil nakahiga at duguan sa sahig ng entablado ang kawal na iyon na tila ba nahulog siya mula sa taas patungo roon. "E—Eh?!" Naguguluhan kong bulalas at tumingin tingin sa aking paligid para hanapin ang maaaring dahilan ng pagkahulog ng kawal. Hanggang sa maalala ko ang maliit na dragon. "Gruuu!" Pag-ungol muli ng dragon na iyon at lumipad sa kahoy na umiipit sa aking ulunan at pilit tinutulak iyon paalis sa akin. "A-Anong ginagawa mo?!" Pagtatanong ko sa dragon na akala mo nauunawaan ako nito. "I-Inililigtas mo ba ako?" Nang hindi matinag ang kahoy na umiipit sa aking ulo at kamay dahil sa maliit niyang katawan ay ibinuka niya ang bibig at muntikan ako humagalpak ng tawa ng kumislap lang ang dapat na apoy na ibubuga niya. Napapahiyang napalingon sa akin ang dragon na iyon. "Itinulak marahil siguro ng akusado ang kawal!" Rinig kong sigawan ng mga tao sa baba kaya nabaling ang tingin ko roon. "Talagang mamamatay tao siya!" Kaya sa oras na ito ay maraming mga kawal ang umaakyat ngayon kung nasaan ako. Nagulat ako ng biglang mabilis na lumipad ang dragon patungo sa mga kawal kaya nawalan sila ng balanse at nagsimulang maghulugan muli sa hagdanan. "Grrrraaaaarrr!" Nagagalit na pag-ungol ng dragon saka lumipad lipad paikot sa buong kwarto at binabangga ang sinumang magtataka na lumapit sa akin. Namamangha naman napatingala ang lahat sa lumilipad na dragon."I-Isang dragon!" Gulat na sambit ng isa sa mga opisyales. "Ang dragon! Napisa na ang itlog ng dragon ng mga Calareta!" Masayang sigawan nilang lahat at nagsimulang magkasiyahan at tila nakalimutan na ng lahat nasa kalagitnaan ako ngayon ng kanilang pagpaparusa. Ngunit nang matanto ko ang kanilang mga sinambit. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang dragong iyon ay ang maalamat na dragon na pinapangalagaan ng mga Calareta. Pero nakakapagtaka naman na tinutulungan ako ng dragon na ito. Biglang natahimik ang lahat nang malakas na bumukas ang pinto at may humahangos na pumasok na limang na lalaki. Dahil medyo malayo at nakaipit pa ang aking ulo at mga kamay ay hindi ko masyado natitigan ang mga itsura nila. "Nasaan ang dragon?! Nakita niyo ba?!" Malalakas at nagmamadaling nilang pagtatanong sa mga tao sa baba. “Agad iyon lumipad patungo rito!" Itinuro naman ng lahat ang dragon na paikot ikot na lumilipad sa ere. "Prinsipe Narcissus, ayun po ang dragon na hinahanap niyo." Magalang na pagsagot nila sa kanya. Tila lumaki ang aking mga tenga nang mapag-alaman na ang limang prinsipe ang dumating sa kalagitnaan ng aking paglilitis. Sinubukan ko muling tignan ang baba dahil bago man ako mamamatay ay nakita ko naman ng personal ang mga itsura ng mga prinsipe. "Teka lang! Hindi pa tapos ang pagbibigay ng parusa sa pumatay sa aking asawa!" Wala sa lugar na pagsigaw ng asawa ni Count Vernon at galit na galit itinuro ako rito sa tuktok na hindi pa rin makagalaw sa aking pwesto. "Ano pa ang inaantay niyo? Patayin niyo na siya para matapos na ito!" Nagulat ang lahat ng sugurin ng dragon ang asawa ni Count Vernon. "Grrrrruuuur!" Galit na galit na pag-ungol pa nito habang hinihila ang buhok at kinakalmot ng kawawang ginang. "Countess Vernon!" Tili ng mga kaibigan ng ginang at hindi malaman kung paano siya tutulungan sa kanyang sitwasyon ngayon. Walang pakundangan naman na hinawi at sinaktan ng ginang ang dragon na inaalagaan ng mga Calareta. Magulong magulo ang buhok niya at puno ng kalmot ang kanyang mukha. Ngunit gayun pa man ay taas noong tinignan niya ang lahat na walang pagsisisi sa kanyang ginawang p*******t sa batang dragon. "Gruuuu..." Nanghihinang ungol ng dragon habang nakasalampak ito sa sahig at pilit muling bumabangon. Hindi ko tuloy maiwasang mahabag sa kalagayan ng dragon at magalit sa ginawa ng Countess. "Countess Vernon..." Hindi nasisiyahang sambit ng isang baritonong boses at maingat na binuhat sa kanyang bisig ang dragon. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" Sa lalim ng boses ng taong iyon at kahit ako ay nakaramdam ng pangingilabot. "P-P-Prinsipe Orion..." Kinakabahang sambit ni Countess Vernon. "I-Ipinagtanggol ko lang ang aking sarili. N-N-Nakita niyo kung paano ako nito bigla na lang sinalakay at sinaktan." Madamdaming pagdadahilan niya. Prinsipe Orion? "Palagay mo ay sapat na rason iyon para saktan ang dragon?" Nagbabantang sambit muli ni Prinsipe Orion. "Nakalimutan mo ba na sa oras na may sinaktan kang isang Calareta magiging katumbas nito ay ang iyong buhay?" Namutla ang Countess sa sinambit ni Prinsipe Orion at napaurong pa ng ilang hakbang. "Dakpin ang Countess!" Rinig kong malakas na pag-utos ni Prinsipe Orion sa mga kawal. "H-Hindi niyo pwede gawin sa akin ito!" Panlalaban na hiyaw ng ginang. "Dahil lang sa dragon ay dadakpin niyo ko? Hindi makatarungan iyon!" Humalakhak ang isang prinsipe. "Countess Vernon, sinasabi mo ba na mali ang ipinapagawa ng aking kapatid?" Nag-uuyam na sambit niya. "May dugo ng Diyos ang nanalaytay sa amin kaya lahat ng aming gagawin o sasabihin ay palaging nasa tama." Mas lumakas muli ang kaguluhan muli sa baba at pagtingin ko ay kinakaladkad palayo ngayon si Countess Vernon ng mga kawal. Mukhang totoo ang balita na mahigpit si Prinsipe Orion sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga ng kanyang pamilya. Pinaliit ko ang aking mga mata para mas matitigan kung ano ba ang mga itsura ng prinsipe ng Calareta. Biglang lumingon sa akin ang isa sa kanila kaya nasinagan ng sikat ng araw ang kanyang buhok na tila nagningning na ngayon. Napasinghap ako nang makita ang napaka-pamilyar na kulay ng buhok na mayroon siya. "G-G-Gintong buhok?!" Medyo napalakas kong sambit na agarang ikinalingon ng mga iba pang prinsipe sa aking direksyon. Tila nalilito pa nga sila sa dahilan kung bakit naririto ako sa gilotina. Hindi ko naman maialis ang aking paningin sa kulay ng kanilang buhok. Bakit ginto ang kulay ng kanilang buhok? Posible bang.... No, imposible ang naiisip ko sa oras na ito! Iniling iling ko ang aking ulo. Hindi maaari ang anumang iniisip ko sa oras na ito. Marahil ay namatay na talaga ako at bahagi na lang ito ng aking imahinasyon noong nabubuhay pa ako. "Grrrruuuu!" Nanghihinang pag-ungol muli ng dragon na hawak ni Prinsipe Orion. Nagulat ang lahat ng pilit ito kumakawala sa hawak ng prinsipe at lumipad patungo sa direksyon ko saka dumapo pa sa ibabaw ng aking ulo. "E-Eh?" Naguguluhan kong bulalas. "B-Bakit diyan mo pa naisipan magpahinga?!" Nalilito ako sa nangyayari kaya nilingon ko ang mga prinsipe para tulungan ako subalit nanlalaki ang mga mata nila na nakatitig sa akin. Gulat na gulat? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong bibitayin? Nagtaka ang lahat dahil sa mabilis at nagmamadali silang umakyat patungo sa kinaroroonan ko. "Primo!" Natatakot na sambit nina Dervis na nakawala na sa mga kawal na may hawak sa kanila. Doon, nagsimulang maglabanan at magkagulo sa baba dahil kina Dervis na nagpupumilit na makasunod sa pag-akyat para iligtas ako sa pagbitay. "Oyyyy! Tumakas na lang kayo! Huwag niyo ko alahanin!" Sigaw ko kina Dervis pero hindi sila nakikinig at patuloy lang sa pakikipaglaban sa mga kawal sa baba. "Makinig kayo sa akin! Ano ba?! Tumakas na lang kayo!" Natigil ako sa pagsigaw nang maramdaman ang paglapit ng mga prinsipe sa akin ngayon. Dahan dahan ko inangat ang tingin at halos mapanganga ako sa kagagandang lalaki nilang lahat. Para bang nasa isang magandang panaginip ako dahil nakaharap ko sa sandaling ito ang limang prinsipe na matagal ko ng pinangarap na makita. Napalunok ako. "Errr... H-H-Hi?" Bulalas ko na hindi alam ang sasabihin sa kanilang lahat. Humakbang palapit sa akin ang palagay ko ay si Prinsipe Orion. "Who the hell are you?!" Pagtatanong niya akin. Napakagat labi ako dahil sa hindi ko maiwasang titigan ang kulay ng kanilang buhok. "P-P-Prim...o?" Patanong kong sagot sa kanila. Gusto ko talagang tanungin kung totoo ba ang kulay ng kanilang mga buhok. Kumunot ang noo ni Prinsipe Orion na tila hindi nagustuhan ang tono ng aking pagsagot sa kanya. Akmang kukunin niya ang dragon sa aking ulunan ng kagatin nito ang kamay niya na labis niyang ikinagulat. Naguguluhan naman ako kung bakit ginawa iyon ng dragon. Akala ko ba ay mabait ang dragon na ito sa may dugo ng Calareta? Humagikgik ang isang prinsipe at tumabi kay Prinsipe Orion. “Mukhang galit na galit ang dragon sa hindi natin na alam na dahilan." Sambit niya at tinapik tapik sa balikat ang kapatid. Napatitig si Prinsipe Orion sa kanyang kamay na kinagat ng dragon. "Loki, I can see that..." Pabalang niyang sambit sa kanyang kapatid. "Kataka taka kung bakit nilalapitan siya ng dragon." Itinapat naman ng panibagong prinsipe ang kanyang mukha sa aking mukha at pinagkatitigan ako. "Mga kapatid! May kamukha ang binatang ito..." Kunot noong sambit niya habang nakahawak sa kanyang baba. "Hindi ko lang matukoy kung sino..." "Pareho tayo ng naiisip, Casper." Nakangising sambit ng isa pa at yumuko rin sa aking harapan para mas matitigan ako. Pilit kong iniwas ang tingin dahil sa hindi pagka-komportable sa kanilang ginagawa. Bigla naman sila napaurong nang galit na umangil ang dragon sa aking ulunan na tila binabalaan sila na huwag lumapit sa akin. Nagkatinginan muli silang magkakapatid dahil sa kakaibang akto ng dragon na lumipad patungo sa kahoy na nakaipit sa akin saka pilit ito tinutulak para palayain ako at umiiyak na umuungol. "G-Gusto ba ng dragon na palayain siya?" Nagtatakang sambit ni Prinsipe Loki at itinuro ako ng kanyang daliri. "Hindi ba rin nakakapagtaka na gusto siya iligtas siya ng dragon?" Nabigla na ako nang tinanggal ni Prinsipe Orion ang anumang kahoy na nakaipit sa aking leeg at kamay. "O-Orion?" Gulat na sambit ng kanyang mga kapatid. "Sigurado kang palalayain mo siya?!" "Iyon ang gusto ng dragon." Paliwanag naman niya sa kanyang mga kapatid at nagkibit balikat lang. "Saka tila may humihimok sa aking kalooban na palayain siya." Nang tuluyang makalaya ay bumuga ako ng malalim na hininga dahil sa wakas ay nakakagalaw na muli ako. Masayang masaya na napaikot ikot pa sa akin ang dragon bago yumakap sa aking mukha at nakakaliliti na ikiniskis ang kanyang nguso sa aking pisngi Binuhat ko ang dragon sa aking kamay at pinagmasdan ito. Mabilis na winagwag nito ang kanyang buntot na tila ba nagustuhan niya ang aking pagbubuhat sa kanya. Tinitigan ako nito sa aking mukha na punung puno ng pag-aasam na makasama ako. Ang cute! Ang sarap siguro iuwi ng dragon na ito kung sakali. Subalit pagmamay-ari ito ng pamilyang Calareta kaya hindi maaari. "S-Salamat sa pagpapalaya sa akin." Pasasalamat ko sa mga prinsipe at inaabot ang dragon sa kanilang mga kamay. Nang aabutin siya ni Prinsipe Loki ay iniwas ng dragon ang kanyang ulo at nagmamakaawang tumingin sa akin. Napahiyang napalayo muli ang mga prinsipe sa dragon. Namomoblema na nagkatinginan ang mga prinsipe dahil hindi nila mapaamo ang dragon. Marahil sa sinasabing tradisyon ng kanilang pamilya na may isa sa kanila na mapipili ang dragon para maging susunod na hari. "Bakit ka narito sa gilotina?" Nakahalukipkip na pagtatanong sa aking ni Prinsipe Orion na hindi maalis ang tingin sa dragon na tuwang tuwa sa aking pagkakahawak. Napalunok ako at napakamot ng aking batok. "H-H-Hinatulan ako ng kamatayan dahil sa pagpatay kay Count Vernon." Nakangiwing pag-amin ko sa kanilang lahat. Pansin ko na tila naging maalerto dahil roon. Marahil iniisip nila na nagpalaya si Prinsipe Orion ng isang mapanganib na tao. Sabagay, isang malaking opisyal ang napatay ko kaya hindi na nakakapagtataka na isipin nila na delikado akong tao. Tumingin muli ako sa baba at patuloy ang kaguluhan roon. Napakunot ako ng noo ng mapansin na magkalaban na si Dervis at ang pinuno ng mga kawal. Batay sa takbo ng kanilang laban ay magkapantay ang kanilang mga kakayahan. Ibinaba ko ang dragon sa lapag na umungot ito na tila nagrereklamo sa aking ginawa. "Pasensiya na pero kailangan ko tulungan ang aking mga kasama sa baba." Paumanhin ko sa mga prinsipe saka tinalikuran sila patungo sa hagdanan para makisali sa kaguluhan. Ngunit nakakalimang hakbang pa lang ako nang maramdaman ko ang pagkapit sa ulunan ko ng dragon. "Uy teka! Hindi ka pwedeng sumama sa akin!" Nakasimangot na sambit ko at pilit na inaalis sa ulunan ko ang dragon. Subalit matigas ang ulo ng dragon at mas kumapit pa sa aking ulunan na akala mo roon nakasalaylay ang kanyang buhay. "Ano ba ang problema mo? Andiyan ang mga prinsipe. Sa kanila ka dapat sumama." Pagsesermon ko sa dragon pero umuungot lang ito na akala mo nagrereklamo pa sa akin. Buong pwersa na hinila ko ang dragon sa aking ulunan subalit sa aking paghila ay nadamay roon ang sumbrerong tumatakip at nagtatago sa aking buhok. Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay ang paglantad ng aking ginintuang buhok na umaabot hanggang sa pwetan ko. Dahil sa nangyari ay natahimik ang lahat kahit ang mga nagkakagulo sa ibaba. Nanlalaki ang aking mga mata at natatakot na nilingon ang mga prinsipe sa aking likuran. Nagulat ako ng hawakan ako ni Prinsipe Orion sa aking braso. "I-I-Isa kang Calareta?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD