Abot tenga ang aking ngiti habang nakasakay sa karwahe na aking agarang pinahanda para sa gagawin isang buwan na paglalakbay sa mga kabayanan. Tinignan ko ang bawat kasama ko na seryoso at wala kangiti ngiti sa kanilang kinauupuan. "Ngiti naman kayo diyan!" Puna ko sa kanilang mga ekspresyon. Sabay sabay nila ako tinignan bago sabay rin na mga napabuga ng malalim na hininga. Napanguso naman ako dahil sa kanilang mga inaakto. "P-Prinsesa!" Mangiyak ngiyak na sambit ni Oenone. "Biglaan naman kasi ang pagplano niyong ito. A-A-Alam niyo na delikado para sa inyo ang lumabas ng palasyo." Nilagay ko ang aking hintuturo sa tapat ng aking labi. "Sssh!" Pagtigil ko sa kanya. "Napag-usapan na natin na Primo ang itatawag mo sa akin." Napatapal naman sa kanyang noo si Dervis at tila problemadong

