Chapter LXXXI

2065 Words

Dalawang araw ang lumipas mula ng makuha ako ni Xerxes sa bayan ng Carmelia. Ngayong araw na ang nakatakdang plano nila na pagdala sa akin sa mga kalaban kong opisyales. Umasa ako sa loob ng dalawang araw na iyon na magagawa kong mapabago o makumbinsi ang isipan ni Xerxes na sumama sa aking adhikain. Hindi ko akalain na ganoong kasarado ang isipan niya dahil kahit sina Vulcan at Liber na ang sumusubok na kausapin siya ay hindi man nito napabago ang kanyang kaisipan. Saglit ako natigilan bago napaangat ng tingin nang marinig ang pagbukas ng pinto ng aking selda. Pumasok roon ang nakangising si Xerxes habang parang mga aso na nakasunod sa kanyang likuran sina Vulcan at Liber. At batay sa kanilang ekspresyon ay pilit pa rin nila na kinukumbinsi si Xerxes na huwag muna ako ibigay sa mga op

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD