Chapter 3
MSCMMRC®2016
========================================================
JD'S POV:
Hind ko na alam kung anong nangyari kay Chlyde kahapon, matapos siyang habulin ng dalawang babae at nakipakarerahan pa ng kotse.
Babaero nga naman. Aba! Nagsalita ako? HAha
"Hi, JD can you be my girlfriend?" Ngumiti naman ako sa kanya at inabot yung flowers.
"Sure." Ngumiti siya, ako naman napatingn sa relos ko at hinintay yung 5 min. "Okay, we're over. Bye!" Bato ko sa kanya pabalik nung bulaklak.
"Tek—"
Hindi ko na siya pinagsalita at tuloy-tuloy lang akong naglakad. Haay! *flips hair* ganda problems!
Patuloy lang ako sa paglalakad ng mapahinto ako sa may sumigaw ng pangalan ko.
"JD!" He sounds familiar, baka isa sa naging flings ko? I dunno, so i turned around.
"What?" cold na pahayag ko sa lalaking hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
"Please, give me a chance. Ni hindi manlang umabot ng isang araw yung relasyon natin eh." Sino ba to? Napakunot naman yung noo ko at pinipilit siyang alalahanin. Who you again.
"Uhhh...let me think about it." Sabi ko tsaka tumalikod at humarap sa kanya na nakangiti. "No."
Mabilis akong naglakad ng sumabaysa akin si Chelsea na may kinakaing chocolates. Saan galing yan?
"Ay, nga pala bigay nung admirer mo. Akin nalang, sayang din kasi eh. Tinatapon mo lang din." Kaya naman pala. *sigh*Eng gende ke nemen! Haha.
"Kawawa si Tyler, umiiyak nung nasalubong ko. Eto nga pala, pinabibigay nya. At aylabyu and goodbye daw." Napatawa naman ako at di tinanggap yung bulaklak. Now, I remember that guy. Tyler pala pangalan.
Nandito kami sa isang cafe na sina Lara yung nagmamay-ari, tutulong lang kami dito. Marami kasi palaging costumer eh. Mabuti nalang wala ng next flight tong si Stelle, kaya makakatulong din siya sa amin. Ako naman, wala namag gagawin sa opisina, walang meetings kaya eto ako.
Pumunta na ako sa pwesto ko as cashier, si Stelle naman kumukuha ng order at nakikipag-usap sa mga costumers. Si Chelsea yung nag-aayos ng mga pwesto ng mga pastries, si Lara? Nakikipagbangayan dun sa loyal costumer niya, sino pa ba? Edi si Chester Exor.
Minsan talaga sarap ipagbunggo ng dalawang yan, di pa magka aminan eh halatang-hatala naman. =__= naiistress byuti ko.
"JD, may costumer na hinahanap ka." Napatingin ako kay Stelle na kinikilig pa. Napatingin ako sa costumer, si Chlyde lang pala.
"Oh? Anong order mo?" Sabi ko. Ngumuso naman siya, ay ang cute nya..haha. Napangiti naman ako na kinangiti rin niya
"Pwede ka bang matake out?" Napapailing nalang ako tsaka ako lumabas sa cashier.
"Kayo na muna bahala dito, at si Lareng awatin nyo na. Baka magsuntukan na yun mamaya eh." Tumawa naman si Stelle tsaka ako tinaboy.
Lumabas kami ng cafe at naglakad-lakad, alam na alam ko yung mga galaw nyang ni Chlyde, sus parang di ko napagdaanan sa mga past flings ko. *sigh*
"Ahh, ano JD. Pwede makahingi ng favor?" Napalingon ako sa kanya. Problemado nga yung mukha, ano kaya kelangan neto.
"Ano?" Tanong ko at tumigil sa paglalakad. Ngumiti lang siya tsaka bumuntong hininga.
"Can you be my girlfriend?" Di na ako nagulat sa tanong niya, ang rami na kayang nagtanong ng ganyan sa akin. Pero parang gusto ko na siya yung nagtanong. Hindi naman sa wala akong naging bf na playboy, pero favor daw eh. Perstaym kaya, hindi yung gusto talaga niya akong maging gf niya.
"Bakit?" Wala ang, gusto ko lang malaman yug rason niya. Pakipot konti. Haha
"Eh kasi, pinagbantaan na ako ng mga Kuya ko eh. Kung di pa daw ako magtitino, pwersahan nila akong ipapasok sa fixed marriage, eh alam naman nila na ayoko sa ganun. Nasabi ko tuloy na may seryosong girlfriend na ako. Ikaw nalang ang pag-asa ko Jayd. Hindi na kasi ako kinakausap ng ibang gf's ko eh. Wala na akong ibang mapuntahan pa." Napataas naman yung kilay ko. Parang naging option pa ako ah?
"Okay." Direktahan agad. Dun rin naman punta eh. Hah mabait kasi ako, kung may isang kaibigang nangangaylangan ng tulong, tulong kaagad ako. Pero inaamin ko crush ko tong playboy na'to.
"Talaga?! Salamat! Dont worry babawi ako sayo. Lilibre kita, so ngayon mag-ayos ka muna. Date muna tayo, alam kong pinapasudan na ako nila Kuya eh. Baka makahalata." Date.pft, last kong date 3 years ago pa. Haha.
"Wait!" Sabi ko dahil hinila na niya ako at kinuha yung cap at apron na suot ko na uniform namin sa cafe.
"Tara! Wag ka na pala mag-ayos, maganda ka na." NAmula naman ata ako sa sinabi niya, hindi ko alam pero iba yung dating netong playboy sa akin. Pumasok ulit kami sa cafe.
"Ate Lara, hiramin ko muna girlfriend ko." Napatigil sa pagsasabunot si Lara kay Chester sa sinabi ni Chlyde tsaka naman ako hinila ulit, binato ko naman kay Chelsea yun susi ng sasakyan bago pa kami tuluyang lumabas ng cafe. Alam kong nagulat pa sila, haha. Magpapaliwanag nalang ako mamaya.
**
"What's that?" Tanong ko sa kanya at masamang tumingin dun sa pagkain na hawak niya. Para siyang orange na maliit na piniprito pa. Ew!
"Kwek-kwek, dali timan mo gf. Masarap to, nung una hindi rin ako kumakain neto eh. Nung pinatikim sa amin to ni Mommy, masarap." Napalunok naman ako, paran ewan eh. Di kaya babaliktad sikmura ko dyan?
"Dali na..eto." kumagat naman ako sa pinapasubo niya at pikit na nginuya yung kwek-kwek...ay ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim nun eh, dun na kasi ako lumaki sa new Zealand at pinadala lang ako dito nina Mom para magmanage ng branch ng company namin dito.
"Akin na!" Agaw ko sa kwek-kwek. He just chuckle tsaka bumili ng palamig. Akalain mo nga naman, isang anak mayman kumakan ng street foods. Pinalaking maayos to ng Mommy niya. Pansin ko nga dumadami na yung bumibili sa stand eh, mapalalaki babae at bakla pa. Lagkit pa tumingin sa direkson namin. Alam ko na. Haha.
"Diba si Chlyde yan? Ang gwapo-gwapo niya talaga, but who is the girl? Taray, ang ganda rin ah."
"Baka gf niya? Pustahan, di tatagal yan. Playboy kaya yan si fafa C."
"Sabagay, pero ang pogi niya talaga."
"Mabuti nalang naisipan mong bumili ng fishball. Ahaha!"
Napapailin nalang ako sa mga naririnig ko. Alam ko namang hindi tatagal eh, bakit kami ba? Haha
"Just eat, dont mind them." I just shrugged at inubos yung kwek-kwek ko.
Kung saan-san pa niya ako dinala, at tama nga yung sinabi niya pinapasundan siya. May nahuli as akongmay umkuha ng litrato namin sadi kalayuan at kanina ko pa siya nakikta hanggang matapos yung date daw namin.
Ngayon ko ulit naranasang magsaya, naranasan ko ulit magdate. Sapilitan at biglaang date nga lang. Ayos na yun, atlit si crush kasama ko. HAha talandi.
========================================================