Chapter 4
MSCMMRC®2016
========================================================
Chlyde's POV:
Panngiti-ngiti akong nakauwi. Masaya kasama si JD, mabuti nalang pumayag siya maging gf ko. Pretend gf. Kilala ko yang si JD. Isang taon palang siya dito sa Pilipinas pero kilala na agad pangalan niya sa mga kalalakihan at sa business world.
Isa siyang babaeng casanova. Akalain mo, nagkrus yung landas naming dalawa? Mabilis ko kaagad napapayag na maging girlfriend, di kaya type niya ako? Haha.
"oh, masaya ka ata Chlyde?" Inakbayan ko lang si Lolo at sabay kaming pumasok sa mansyon. Umalingaw-ngaw kaagad yung ingay, tawanan at sigawan sa sala.
Umuwi ba sina Kuya? Waaah! Mga pamangkin ko! Mabilis akong tumakbo papasok at dumeretso sa sala.
Nandito nga sila.
"KUYAAAA!" Namiss ko sila, kumpleto kming lahat dito. Pati sina Kuya Sed at Mommy Jes nandito rin. ^___^
"Nandito na si playboy!" Hiyaw ni Kuya Lem. Ngumuso naman ako at lumapit kay Mommy Jes tsaka parang batang nagsusumbong.
"huhu Mommy oh, inaaway nila ako.." T_T
"Bata isip ka talaga! Halika nga dito!" ngumisi naman ako at niyakap silang tatlong Kuya ko, sympre bro hug. Namiss ko talaga sila eh. Kinamusta ko rin yung mga pamangkin ko na nagkalat na dito sa sala. At tumabi sa peyborit pamangkin ko, hihi.
"Lumayo-layo ka nga Uncle Chlyde!" TAboy sa akin ni Shane. Kitams? Kaya peyborit ko yan eh. Haha
"Yael, may girlfriend ka daw? Or just one of your flings?" Natigil yung pangungulit ko kay Shane sa tanong ni Kuya Sed. Ngumiti naman ako at proud na proud na sumandal sa sofa.
"Girlfriend ko po siya." Nakangising sagot ko. Parang hindi naman naniniwala yung mga mukha neto, pati si Mommy nga eh. T_T
"Really then? Can you invite her over dinner tomorrow?" Tumango naman ako kay Lolo at pinagpatuloy yung pangungulit kay Shane.
"Uy, ngingiti yan. Dali na, gumaganda ka lalo Shane kung ngingiti ka." Sinamaan niya lang ako ng tingin. Minsan talaga hindi ko matantsa kung kanino nagmana to eh, kung kay Kuya Sed or Mommy Jes. Parang both nga eh, pinagsama yung ugali kung magalit. Nakakatakot. Huhu
"Kuya oh, yung anak mo. Parang kakainin nanaman ako ng buhay." Sumbong ko kay Kuya Sed. Inirapan niya lang ako tsaka pinagpatuloy yung paglalandi kay Mommy Jes. =___= PAsimpleng landi talaga yang si Kuya, pero one woman man yan. Loyal no?
"Shu! Ayoko ng panget na katabi." Pagtataboy pa niya sa akin. Ngumuso naman ako at kinukulit parin siya. Ako panget?! Kailan?! Walang panget sa Exor! Aba!
"Ako panget? Kuya diba walang pangit sa Exor? Ha! Gwapo kaya ako." Sabay pogi pose ko pa. Binato naman ako ni Kuya Ben ng unan.
"oo walang panget, nang dumating ka meron na." Sabay tawanan nila . Pinagtulungan ba naman ako?ㅠ_ㅠ
****
"Chlyde, is she's just another woman of yours. Swear, ipagkakasundo talaga kita sa mga anak ng business partners ko." Pasok nila Kuya sa kwarto ko at may pinakitang mga litrato. Kanina lang to eh, kami ni JD.
"Isnt that Miss.Janna Danica Perote? Daughter of the owner of Perote Corporation?" Tanong ni Kuya Shin at pinagmasdan pa yung litrato ni JD.
"She is. Chlyde, ano tong pinasok mo? Anak yan ng kaibigan ni Daddy, kaya kung pwede wag siya." - Kuya Sed. Napakurap naman ako at tumayo.
"Kuya, wala naman akong pinapasok eh. buong-buo pa po ako—Aray!" Daing ko at hinihimas yung ulo kong binatukan ni Kuya Sed.
"Umayos ka Chlyde, seryosong usapan to. Alam amin simula High school ka palang, malandi ka na. Hanggang ngayon nadala mo pa. Loko ka talaga, kung ayaw mong mamatay ng maaga. Wag mong isama sa listahan mo si Ms. Perote!understood?!"
"Bakit naman hindi siya? Girlfriend ko si JD, hindi ko siya fling. Wag nyong himasukan lovelife ko, nang iinggit lang kayo kasi nakapagsettle down na kayo eh. Diba Kuya Chester?" Sinamaan niya lang ako ng tingin at dinambahan kaya napahiga ako sa kama ko habang binubugbog ni Kuya Chester. Nakisali pa ung lima at papatayin ata ako sa kakatawa, lintek. Kilitiin ba naman ako?
"KUYAAAAAAA! HAHA ANO HAHA BA! TAMA NAAA! HAHAHA. MOOOMMYYY TULOONG!" Di talaga sila tumigil kung di pa ako nakatakas sa kanila at tumakbo palabas ng kwarto ko. Pero hinabol pa talaga ko, yung kambal na magkadikit nahiwalay dahil sa kakatakbo ko.
"LOLO SINA KUYA PO OH!" Sigaw ko.
"Playboy bumalik ka dito!" Sigaw nila kaya mas lalo ko pang binilisan yung takbo ko. Naririnig ko pa yung tawanan nung mga asawa at anak nina Kuya na nakakakita sa amin.
Naikot na ata namin ang buong mansyon sa takbuhan lang namin, tumigil lang ako sa pagtakbo ng makalapit ako kay Mommy Jes na tumatawa parin. Yumakap lang ako sa kanya at pumikit. Alam kong mga takot yan kay Mommy Jes eh..hehe mabuti nalang nandito siya
"Haay, nakakamiss yung tawanan at lambingan nyo boys. Kaming lima nalang kasi ang natira dito eh, minsan pa wala silang apat kaya mag-isa ako dito." Simula ni Lolo na karga yung isang pamangkin ko na 1 year old, anak ni Kuya Ben. Si Baby Bea.
"Nagdrama na si Lolo." Sulpot nung kambal na dala-dala yung mga laruan nila noon. "Eto mga pamangkin oh." Lapag nila nung laruan.
"minsan na nga lang eh, basag trip tong kambal." Tumawa naman kami sa sinabi ni Lolo.
Mananatili ng dalawang buwan sina Kuya dito para magbakasyon. Masaya to! Pati sina Kuya Sed at Kuya Ben din, dito daw muna. Waah, happy family!
****
*kinabukasan,
Pumunta ulit ako sa cafe, baka sakaling nandito sya. Sasabihin ko sana yung dinner na request nina Lolo para makilala siya. Alam kong magaling naman yun gumawa ng kwento eh, di na ako kinakabaan pa.
"Nakakapeste ka talaga Chester Dale, bakit ka nanaman ba nandito? Umalis na nga muna ako sa opisina para hindi ka makita, dito ka naman nagbalandra niyang kabaklaan mo!" Ngumisi naman ng mapang asar tong si Kuya at pinanood lang na nagwawala si Ate Lara.
Napapailing nalang ako at lumapit sa kanila, at inawat si Ate. Baka di makapagpigil yan, baka mabugbog nanaman si Kuya Ches.
"Oh, Chlyde anong kelangan mo? At pwede pakibitbit niyang kapatid mo paalis."
"nasaan si JD?"tanong ko ng wala siya dun sa pwesto niya sa cashier, pati yung dalawa pa nyang kaibigan.
"May emergency meeting yun sa kompanya nila, kaya wala dito." Tumango naman ako tsaka ko hinila si Kuya palabas ng cafe, baka sumabog pa sa galit yung si Ate eh.
"Tol naman, bakit mo ako hinila? HAHA pinagtitripan ko pa si Lareng eh." Napapailing nalang ako tsaka ko siya dinala sa kotse niya.
"Kuya, baka di makapagtimpi yun at papatayin ka na." Natatawang sambit ko. Ngumisi lang siya sa akin at prenteng sumandal sa kotse niya.
"Crush lang ako nun." Napapailing nalang ako at pumasok sa kotse ko at pumuntang kompanya ni JD.
========================================================