Chapter 26
MSCMMRC®2016
========================================================
JD's POV:
Ang daming nangyari sa Tagaytay, sa sobrang dami tumunganga lang kami sa loob ng hotel. Eh kasi naman, inatake kami ng katamaran and we prefer to stay in the hotel and enjoy ourselves doon. Haha kanya-kanyang trip lang yan!
Sabi pa ni Stelle, nagpapaputi daw kasi airconditioned yung buong hotel at doon sa room namin. Lumabas lang kami nung pumuntang mall at nagshopping, eh diba aircon din dun? Haha
And now, we're on our way to SUBIC! Waaaaah, gusto ko dun. I want to see animals, lalo na yung snake ^O^. Yiiee, ewan ko ba of all animals dito sa Pilipinas, bet na bet ko yung ahas nayun, ayoko sa mga butiki. =_= latse magkakamatayan tayo pag dinikit niyo sakin yun.
"Trip! Trip, trip lang!"
They started to sing kaya nakising-along narin ako hanggang makarating ng Subic, syempre check in muna sa hotel at gumora kaagad at namasyal!
Nakipaghalubilo lang kami sa ibang tao sa zoo dito, ewan kung zoo ba matatawag dito basta! May mga hayop na naglipana dito, hayop na hayop talaga ah? Hindi tao. Hahaha
"Snaaakeeey!" I shrieked nung makakita ng phyton at nakalagay dun sa leeg nung isang lalaki na nagtatrabaho ata dito.
"Ahh, dun muna siguro ako sa kambing! Bye!" Mabilis silang nagsi-alisan pero dahil mabilis ako pinaghahablot ko sila at lumapit dun sa ahas.
"Kuya pwede pahawak!" Sabay puppy eyes ko pa. Kung pwede nga lang talaga mag-alaga ng ahas sa bahay, ginawa ko na. Pero baka atakihin naman yung mga kasama ko. Haha.
"Ang dulas!" I said at hinawakan pa siya at dun na nilagay ni Kuya yun ahas sa leeg ko na kinatuwa ko pa. Nakadistansya yung mga barkada ko sa akin at pangiti-ngiti lang, habang si Chlyde kinukunan ako ng litrato.
"Ah, Kuya kunin niyo na. Baka nabibigatan ka kasi girlfriend ko." Napataas yung kilay ko sa kanya, pero eto naman siyang pangiti-ngiti lang sa akin.
Pagkatapos kong magpasalamat dun kina Kuya hinila kaagad ako nila paalis duna at naglibot pa dito. Takot talaga sila sa ahas! Haha.
Naka-abkay lang sa akin si Chlyde at nakapulupot yung isang kamay niya sa kamay ko. Para ring may ahas akong dala neto eh. Haha pero ang gwapong ahas naman netong ni Chlyde :3
"Oy tingnan mo oh, diba chamelion yun?" Napalunok naman ako ng makita yung tinuro ni Shanon, sabay naman silang napalingon sa akin with their playful smirk kaya humigpit yung hawak ko kay Chlyde.
"Letseng ina, binabalaan ko kayo!" I shouted at umaatras, nakita ko pang tumakbo si Stelle dun at hiniram yung chamelion at lumapit sa akin. Ako naman tong biglang nagpumiglas kay Chlyde at nagtago.
Huhuhu! Uwaaah, ayoko talaga sa mga yun. Basta kahit anong uri na parang kamag-anak ng mga butiki sinusumpa ko talaga! T_T
"JD! Haha, tingnan mo oh! Ang cute!" Tatawa-tawang sambit nila habang pinaglalaruan yung chamelion. Masamang tingin lang binigay ko dun sa hayop na pinagkakaguluhan nila. Tatawa-tawa naman tong si Chlyde habang tinitingnan ako.
"Chlyde sino yang nasa likuran mong babae?" Mabilis rin naman siyang tumigil at tumakbo palapit sa Kuya niya na tumatawa rin. Akala mo ah. Haha
**
Naglibot pa kami hanggang mapagod, we stopped into a bench and table at nagsibili sila ng makakain namin. We didnt mind those people staring at us, especially the girls who's staring at the guys we're with!
=_______=
"What are you looking at?!" I shouted to those girls. Inirapan lang nila ako tsaka na sila umalis, magpapacute pa mga malalanding to. =_=
Mas cute pa yung ahas kesa sa kanila eh.
"Selos ka naman kaagad, tsk pogi problems." Inirapan ko rin tong hambog na'to atsaka nalang kumain. Nilibot ko nalang yung paningin ko at ng mapako ang paningin ko sa isang lalaki na nakatayo di malayo sa amin at nakangiti sa akin. Halos hindi ko mailunok yung kinakain ko ng makita siya at agad uminit yung ulo ko.
"Ah, JD halika muna. Samahan mo ako." Nakaramdam ata sila at unang nagsalita si Stelle, nakita ko pang napapatingin sina Lara at Chelsea sa tinitingnan ko at napapatayo rin sila.
"Sama kami." Sabi rin nung apat.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Chlyde. Di ko parin inaalis yung tingin ko sa kanya at nag-iigting lang ang bagang ko sa kanya.
"Cr, sama kayo? Nag mimissed call na ang nature eh, sama narin kayo para masaya. Trip nyo?" Di ko manlang magawang matawa sa banat ni Stelle. Mabilis nila akong hinila at pumasok sa cr, nilock pa nga ni Ivy tsaka sila humarap sa akin.
Bubuka palang sana yung bibig ko ng inunahan nila ako.
"T*NG*NA! Bakit siya nandito?! Hayup yun, tama nga naman na umuwi siya dito at binisita niya kamag anak niya dito sa subic!"
"Nangangati ang kamay ko, sarap suntukin ng pagmumukha ng lalaking yun!"
"Bitawan nyo ako! Susugudin ko ang hayup nayun! Isaaa!"
"Lara huminahon ka nga, pare-pareho tayong galit dito! Kaya halika sugudin na natin!"
Hinawakan ko ang mga kwelyo nila bago pa sila makalapit sa pinto. Umiling lang ako at hinarap sila.
"Im tired, at kinalimutan ko na siya. Hayaan nyo nalang siya, wala namang ginagawang masama. And kung meron man, hahayaan ko kayong bugbugin ang lalaking yun." Huminga naman sila ng malalim atsaka tumango sa akin.
"But as long as I want, ayoko siyang makita. Ayokong sirain niya ang kaligayahan ko ngayon. I love Chlyde, I've change because of him. Ayoko ng bumalik sa dati." Nagsitanguan sila tsaka yumakap sa akin.
"Dont worry, hangga't nandito kami. Hinding-hindi makakalapit ang lalaking hilaw nayun sayo." Ngumiti lang ako sa kanila and i hugged them. Tsaka na kami sabay-sabay na lumabas ng cr at bumalik sa tatlong lalaki na nagtatawanan na.
Napatingin din ako sa direksyon kung nasaan siya kanina pero wala na siya. Napahinga rin ako ng malalim at ngumiti. MABUTI NAMAN!
"Nga pala Stelle, ano yung missed call of nature na sinasabi mo?" Ngumisi lang si Stelle hudyat na magsisimula nanaman siya sa kalokohan niya.
"Poop." Napabuga naman si Chlyde ng iniinom niya at napatingin sa kaibigan ko at sa akin with his questioned face.
"What the?!" Chester shrieked kaya naman sinaksakan ng tinapay ang bunganga niya ni Lara, pero imbes na magalit ay ngumiti pa ang loko. =_=
"Shut up." Sambit ni Lareng ng magsasalita sana si Chester, pero hindi siya nito tinantanan at tinukso-tusko pa. Napapatawa nalang kami ng magsimula nanaman ang bangayan ng dalawa. I felt Chlyde's hand in my waist, as if he's hugging me. I just smiled at him at sumandal sa kanya.
=========================================================