Chapter 27

1305 Words
Chapter 27 MSCMMRC®2016 ======================================================== JD'S POV: Back to work. But that one week leave is worth it. Nag enjoy kami ng bongga kasama ang mga kaibigan ko, at syempre ng mahal ko. Echos. Haha shh lang kayo kay Chlyde,papahirapan ko pa yun. "Eto na po ice cream nyo Ma'am." Napa-angat ako ng tingin at nakita yung bitbit ni Wendy na ice cream kaya inayos ko yung mga papel na nagkalat sa desk ko para may malagyan ng galon. "Salamat, pakilagay nalang dito." Sambit ko at patuloy sa pagtipa sa laptop ko. Sa isang linggong pagkawala ko nga, tumambak naman yung mga trabaho, pero keri ko to! "Atsaka, may nagpapabigay pala." Napatingin ulit ako sa kanya at may nilabas siyang rose na kinangiti ko ng bongga. Pero nalwa din yun ng maalala ko kung sino ang palaging nagbibigay sa akin nun noon. Kaya malakas ang kutob ko. "Kanino galing?" "Edward King, daw." And there is it! Sabi ko na nga ba. "Throw it." Direktang sambit ko tsaka bumalik sa ginagawa ko, wala narin akong ibang narinig kay Wendy tsaka na siya lumabas dala-dala yung bulaklak nayun. Ano bang kailangan netong ni Edward? Peste, nakakainis na siya ah? Di ba niya malaman yung word na move on tsaka forget? =_=. Masaya na nga ako ngayon, ta's bigla siyang dadating? Nakuuu, wag lang siyang magpapakita sa amin, sigurado bugbog aabutin niya. Mga kaibigan ko pa naman mga pinanganak na mga amazona! Haha ** Pagkatapos ko sa trabaho, umuwi na ako. Pero napapansin ko yung isang kotse na sumusunod sa akin kaya di muna ako dumeretso umuwi kundi dumaan muna sa mall, ililigaw ko muna to. Makapagshopping na nga lang din. Haha. Sabagay, matagal tagal naring hindi ako nakabili ng mga gamit ko, puro kasi mga groceries minsan ang nabibili ko para sa bahay at kung ano-ano pa ang kelangan dun. Di na ako nakakabili ng para sa sarili ko. Habang pumipili ako sa mga hilera ng mga damit, nararamdaman ko yung pagmamatyag sa akin. At napakapamilyar ng titig nayun. Di na ako tinantanan. Humanda ka! Pumasok ako sa movie house, at tsakto naman na kakatapos ng ng isang movie kaya humalo ako sa mga taong lalabas at dumikit lang talaga sa kanila. Mabilis rin naman akong pumuslit sa banyo para makapagpalit ng damit, para hindi ako makilala. Mabilis lang naman tsaka ako sumunod sunod sa ilang mga tao palabas ng mall. Napalingon pa ako tsaka ako ngumisi ng hindi na siya makita, kaya dumeretso ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar iyon at umalis sa mall pauwi. Haaayy! Salamat naman, para naman matapos ko na yung ibang trabaho ko dun sa bahay. Pinark ko na yung sasakyan at bitbit yung nga gamit ko ay pumasok ako sa bahay. Bumungad kaagad sa akin yung ingay nung lima at bangayan nina Stelle at Shanon sa sala. Nakisali pa tong si Chelsea. Napapailing nalang ako tsaka ako dumeretso sa kwarto ko at nilapag lahat ng gamit ko. Pagkatapos kong magbihis ay nakisali ako sa kanila na tahimik na ngayon kasi tutok sa pinapanuod nila sa tv. Hindi ko nakita si Ivy, baka may ginagawa pa. Si Lareng naman nasa kusina at busy sa kakaluto. Hindi ata nagparamdam ngayon si Chlyde? Nakakainis naman yun, nagpapamiss pa. T-T Sigurado naman akong siya rin unang bibigay eh. Haha I've waiter more tsaka ko narinig ang pagtunog ng phone ko. Napangiti ako ng pangalan niya ang lumabas sa screen. From: Chlyde♥ Nakakainis, di kita matiis. Magpapamiss sana ako eh T_T, kamusta ka? Di rin kasi ako makalabas dito sa opisina eh, naitambak sa akin nina Lolo yung trabaho. I compossed a message too at di manlang mawala sa labi ko yung kakaibang ngiti ko. To: Chlyde♥ Haha, akala mo ah? Well, effective rin naman. Namiss kita, walang umaaligid sa akin sa opisina at walang nangungulit. *sent* Wala na sa movie yung focus ko kundi nasa phone ko na. Nagpapalitan kami ng text eh pwede rin namang magtawagan, eh sa nagtitipid rin kasi ako eh. Dejoke haha. Trip ko lang talaga pagurin tong mga daliri ko. *ting ting* From: Chlyde♥ Kainis to. Nakakabakla man, pero aaminin ko kinilig ako dun. Pero, sa ngayon balik muna ako sa trabaho. Baka pumutok na ugat ni Kuya sa akin dito eh. Haha, see you. Love you! ♥ Kainis! Napapahampas ako sa unan na yakap ko habang paulit-ulit na binasa yung 'love you' niya. "Hala! Kinikilig yung isa dyan oh, ano ka teenager? Hoy, umayos ka nga!" Hampas sa akin ni Stelle at tumabi sa akin sa sofa. KJ talaga ng babaeng to. *ding dong* Sabay kaming napatingin sa pinto, sina Chelsea at Shanon naman lumingon sa bintana at tiningnan ata yung tao sa gate. "Oy! Si Dabid nasa labas, Stelle andito na stalker mo! Hahaha!" Halakhak ni Chelsea atsaka pinicturan yung taong nasa labas. Loka talaga. "Anong ginagawa ng asong yun dito? Tabuyin mo!" I sense something. Kaya napatingin din ako sa bintana at tiningnan yung tao. Si David Bastin? Isa to sa mga kaibigan ni Chlyde ah? Eto siguro yung sinasabi ni Chelsea na sumusunod kay Stelle. Akalain mo nga naman oh, magbabarkada . "Baka tumahol oy! Puntahan mo nalang!" Napabuga naman ng hangin si Stelle atsaka umakyat sa kwarto niya. Ako nalang ang lumabas . Nung nakita niya ako, ngumiti siya at kumaway pa. "Pasok ka muna Mr.Bastin." saad ko tsaka binuksan yung gate upang makapasok siya. "Thanks." NAkangiti niyang pahayag at nagpatiuna na ako papasok sa bahay. Naririnig ko pa yung bangayan at sigawan sa mga kwarto, siguro pinapalabas nila si Stelle. "Lecheng ina! Ayoko nga, baka kagatin ako ng bulldog nayan!" "Hoy Pemilla, lumabas ka na! Isa, sisirain ko tong pinto mo!" "Edi sirain mo!" Napapailing nalang ako at pinaupo muna si David sa sofa, nakita ko naman si Chelsea na naghahanda ng juice at pagkain na ibibigay dito sa bisita ni Stelle. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung mga spare keys. Meron kaming lahat neto, di manlang naisip nung tatlong yun na kunin =_=. "Alam nyo bang naimbento yung susi?" Sambit ko tsaka sila pinaalis sa pinto ni Stelle at binuksan yun. Ayun siya nakahiga lang sa kama niya at nakabalot ng kumot. "Krystelle Pemilla, tumayo ka dyan at kausapin yung bisita mo." pangiti-ngiti kong sabi at nakipag-apir sa tatlo. Hinablot naman ni Lara yung kumot tsaka pinagtulungan nina Ivy at Shanon na patayuin si Stelle. "Bwisita kamo." Nakabusangot niyang sambit at kumalas sa hawak ng dalawa at naunang lumabas. Nagkatinginan kaming tatlo at pangiti-ngiti siyang hinabol. "Umuwi ka na nga! No pets allowed dito!" "Grabe ka naman, umaakyat na nga ako ng ligaw eh. Tinataboy mo mga manliligaw mo?" Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni David at bigla naman silang napapangiti . "Ayyiiieeeee! Magkakalablayp na si Krystelle!" Tukso ni Shanon at tumabi dun sa asar na asar na si Stelle. "Tumahimik ka dyan." Irap nito sa kanya at pinukulan ng tingin si Manliligaw niya. Haha, kinikilig ako para sa kaibigan ko. Bitter na bitter, yun pala may nanliligaw. Jackpot na nga siya dyan kay Mr.David Bastin eh, mayaman, mabait, makulit, maloko nga lang at bonus pa na gwapo. "Aaallisssss!" Singhal niya na kinatawa lang ni David. Aaaay, namimiss ko na si Chlyde! T-T "Bakit ka umiiyak Jayd? May masakit ba sayo?" Napatingin ako kay Lara na nasa tabi ko, napatingin din tuloy yung iba sa akin lalo na si David. "Wala." Sambit ko tsaka pinunasan yung luhang lumabas. Kalurkey, bakit ako napaluha? Eh namimiss ko lang naman manliligaw ko ah? Weird. "Namimiss mo lang si Chlyde eh, ayiieee. Si Ms.Perote, dalaga na!" Panunukso ni David . Napapailing nalang ako at tumabi sa kanila, patuloy yung pang-aasar nila sa dalawa at minsan napupunta din sa akin yung mga tanong tungkol sa amin ni Chlyde. Oo di nila alam noon yung totoong namamagitan sa amin ni Chlyde, ang alam nila kami ni Chlyde at nagbibiruan lang. Pero nabanggit ko na nga sa kanila nung nasa Subic kami na may nararamdaman na nga ako para dun kay Chlyde. Di rin naman sila nagreklamo, basta alam ko na ang ginagawa ko at nagbabago na nga ako. Basta lang daw, walang iiyak. At walang masasaktan. ========================================================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD