Chapter 28
MSCMMRC®2016
========================================================
JD's POV:
"Wow ah? Ilang araw na ba kayong hindi nagkikita ni Chlyde? Baka naman pinaglalaruan ka lang nun JD." Napasimangot lang ako sa sinabi ni Stelle tsaka ako tinabihan.
"Isang linggo na, madalang na nga lang magext at tumawag eh."
"Baka naman busy lang, alam mo naman yun. Business person." Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Chelsea.
Oo isang linggo na kami walang contact sa isa't-isa, nakakainis. Namimiss ko na siya! Yung pabango niya, yung kung papaano siya ngumiti at basta lahat!
"Oy oy! Iiyak ka nanaman eh, di ko alam ganyan pala kababaw luha mo ah? Ang kilala naming JD, kahit kailan di umiiyak yun eh. Taong bato kaya yun." Napapailing nalang ako at ngumiti sa kanila, pero di abot hanggang mata.
"Tatawag din yun, baka nagpapamiss lang. Loko talagang lalaki yun." Gatong naman ni Shanon.
"*sigh* Papasok na ako sa trabaho, kayo na bahala dito."
"Anong trabaho? Linggo ngayon!" Ngumiti lang ako sa kanila tsaka kinuha yung bag ko.
"May tatapusin pa ako dun eh." Di na nila ako napigilan nung lumabas ako ng bahay. Diretsong sakay ng kotse at pinaandar. Bago ko pa mapihit yung manibela, bigla naman akong nahilo. Kaya napakapit muna ako atsaka pinakalma ang sarili ko.
Inayos ko ang suot kong coat at nagsimulang magdrive. Ewan ko ba bakit nilalamig talaga ako, baka naman nilalagnat ako? Lovenat to. Kainis, huhu namimiss ko na ang Exor nayun!
Sa kalagitnaan ng daan napahinto na ako tsaka lumabas ng kotse at nasuka. Nilalagnat nga ata talaga ako. Kaya pagkabalik ko ng sasakyan ay dumeretso na ako sa hospital at magpapacheck up nalang muna sa isang kaibigan kong doctor.
"Dr. Jaquiline Pinuela, nandito ba siya?" Tanong ko sa nurse na nakaduty.
"Opo Ma'am, this way po." Tumango na ako at sumunod sa kanya, di talaga maganda pakiramdam ko eh. Pagkarating namin sa office ay nagpaalam na yung nurse at naiwan ako dito sa labas.
Kumatok lang ako at ng marinig ko yung boses niya na pinapapasok ako ay pumasok narin ako. Nagulat pa siya ng makita ako tsaka siya napangiti.
"JD, napasugod ka? May problema ba?" Di ako sumagot at hilong-hilo na naglakad palapit sa kanya pero nung napapatumba na ako ay mabilis niya akong dinaluhan, at dun na nagdilim yung paningin ko.
**
"Sabi ko naman kasi na linggo ngayon eh! Bakit kasi siya pumasok pa?!"
"Aaaaaaaaay! Ewan ko nalang sa babaeng to!"
"Nakakainis! Nakakainis!"
"Kaya pala napakaweird niya eh!"
"Sinusubsub niya talaga kasi sarili niya sa trabaho, eh bawal pala sa kanya!"
Napamulat na ako at ayan kaagad na nga bulyawan ang naririnig ko.
"Shut up! She's awake!" Pinalibutan kaagad nila ako with their worried and happy faces. Kaya kinilabutan naman ako sa kanila. Napapahawak nalang ako sa sentido ko at umupo sa tulong narin ni Jaq.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Ivy at hinawakan yung pulsuhan ko.
"Im feeling much better now. Thanks." Sambit ko at napatingin kay Stelle at Lara na tahimik lang at tila malalim ang iniisip.
"Nawalan ka ng malay, sobrang pagod at depress ka eh...at isa pa, bawal ka na mapagod at madepress..."
Ang sunod na sinabi nina Ivy at Jaq, tila nabingi naman ako at sobrang kalabog ng dibdib ko.
"...you're 2 months pregnant JD."
Parang nahilo ulit ako sa sinabi nilang dalawa kaya napapapikit ako at bigla namang napangiti. Im having a baby?! Magkakababy na ako, kami! Im sure masisiyahan siya dito, or not?
Basta malakas kutob ko na masasayahan siya dito. Like he said, baka sakali man. Papanindigan niya ako.
"Who's the father, JD?" Seryosong sambit ni Lara. Nakakatakot yung mukha niya kaya napapalunok nalang ako at kinabahan. Daig niya pa sina Mommy, kung sila nga siguro makakaalam magpapapyesta pa mga yun eh.
"Chlyde?" Napatitig lang ako kay Stelle sa sinabi niya at napayuko.
"Y-you mean.." tumango ako na kinasigaw nilang anim.
"WHY DIDNT YOU TELL US?!"
"BAKIT SA KANYA?! ALAM MO NAMANG PLAYBOY YUN EH!"
"I love him guys!" Napatigil sila at napabuntong hininga nalang at napapailing na nakangiti.
"You're old enough to make your own decisions in life JD. Basta, nandito lang kami. Hindi kami magsasalita, ikaw na magsabi sa kanya. If Chlyde wouldnt accept that child, we will take care of him or her. Sama-sama tayo." Napangiti nalang ako at niyakap sila.
Mabuti naman naiintindihan nila. At salamat nalang ako at nandito lang sila sa tabi ko.
"Nakakainggit, 2 months na pero di halata sa kanya!" Ngawa naman ni Chelsea.
"Kaya nga, akala ko talaga dahil lang sa sobrang daming kinain mo kaya nagbabago yang katawan mo. Yun pala, juntis kang bruha ka." Napangiti lang ako sa kanila.
"Kailan mo sasabihin sa kanya?" NApaisip naman ako sa sinabi ni Lara na seryoso parin ang mukha. Nagkibit balikat lang ako sa kanya tsaka siya hinila.
"Bakit ata badmood ka ha?" Bigla namang tumawa yung apat kaya pinukulan sila ng masamang tingin ni Lareng.
"Umuwi na tayo, just dont stress yourself out. Ikaw na bahala magsabi sa mga magulang mo ng sitwasyon mo ngayon. Ako na magdadrive ng kotse mo." Ngumiti nalang ako sa kanya tsaka tumango, todo alalay pa sila sa pagbaba ko sa hospital bed, pati nga si Jaq eh.
Napapailing nalang ako, pero masaya ako dahil alam kong my friends care about me.
At ang pagbubuntis ko? Isusurprise ko to kay Chlyde. But in the right time, not now.
Pagkarating namin ng bahay,kagaya ng sa ospital. Daig pa isang baldadong tao kung ituring nila ako, pati nga pag-upo ko sa sofa todo hawak sila sa akin.
"Seriously guys, hindi ako baldado okay?" Tumawa naman sila tsaka ako pinalibutan.
"Aba, eh syempre naman. Aalagaan ka talaga namin, lalo na para sa inaanak namin no."
"Sinong nagsabi na magiging ninang ka ng anak ni JD?" Pag-uumpisa ni Stelle at eto na nga ang paborito ko, nagbabangayan silang lahat, pero alam kong joke joke lang yan. Si Stelle naman talaga kasi palagi nag-uumpisa eh, maldita kasi yan.
Tumawa lang ako sa kanila at di na nakisali, baka kung sumigaw pa daw kasi ako manganak ako ng de oras? =__=. Eh ang liit pa eh. Kaloka
Pati sa mga gawaing bahay sila na gumawa, nilinisan nila ng bongga yung kwarto ko at sinigurong safe maski alikabok hindi makakaligtas sa kanila. Jukso!
***************************************************************