Chapter 19

1274 Words
Chapter 19 MSCMMRC®2016 ======================================================== THIRD PERSON'S POV: "Whoooo! Namiss ko to!!" Hiyaw ni JD habang nakikisabay sa sayawan sa dance floor. Habang si Chlyde naman nakatayo lang at pinapanuod siya. "Chlyde sayaw ka rin!" Masiglang sambit niya at patuloy sa pagsasayaw. Napapailing nalang siya tsaka na pinatigil sa pagsasayaw ang kasama niya at hinila paupo sa counter at doon sabay silang nag-inuman dalawa. "One..two..three!" At sabay nilang nilagok yung baso nila. "Bakit ka ba nag-aya bigla mag-bar?" Tanong ni Chlyde sa kasama niyang kasalukuyang umiinom ng cocktail. "Wala lang  namiss ko kasi eh. Akalain mo mahigit 2 linggo na akong hindi bumibisita sa bar? Hahaha! Alam mo naman kasi, busy!" Tawa-tawang sambit neto at humarap sa lalaki at ngumiti. Tumango-tango lang siya at humarap sa counter. Kahit niya sabihin, unti-unti siyang may nararamdamang kakaiba kapag nakikita at nakakatabi niya si JD. Di rin naman niya direktahang maamin kasi, hindi pa talaga siya sigurado. At isa pa, natatakot siyang masaktan ulit. Kung mali man ang inaakala niya masasaktan rin niya si JD, na ayaw niyang mangyari dahil nga naging kaibigan na niya eto. ** Ilang oras narin naman silang nakikipag-inuman at nakikisaya sa mga tao na naroroon sa bar. Malalim na ang gabi pero buhay na buhay parin silang lahat na costumer doon.  Lalo na yung dalawa na naghahalakhakan sa isang cubicle. "Ayun! Tingnan mo, ang sweet *hik* sweet sa isa't-isa pero balang araw maghihiwalay rin yan! Hahaha!" Banat ni JD at tinapunan ng chichirya si Chlyde na nakangiti at nakasandal sa upuan. "Ang bitter moooo!" "Ba-kit ikaw hindi?" Lasing na pero nagkakaintindihan parin sila sa isa't-isa. "Ewan! Haha! Pst, Jaydi!" Tawag niya sa kasama, pumupungay yung mga mata niyang lumingon sa binata na nakalean forward sa kanya kaya kamuntikan na magdampi ang nga labi nila. "Layo ka! Ang baho, amoy alak. Uminom ka no? Haha!"  Napaaailing nalang si Chlyde atsaka uminom ng tubig, kahit papaano nahimasmasan na siya ng konti. "Papaano kung sabihin kong crush kita, ok lang?" Ngumiti si JD tsska umakbay kay Chlyde. "Asuuus! Lahat naman ng lalaki sinasabi crush ako. Pwahaha, sanay na ako! Kaya ayos laaaang!" Nakangiting pahayag niya. "Sasabihin ko din, crush din kita...shhh!" Sabay lagay ng daliri niya sa labi niya na parang pinapatahimik niya talaga si Chlyde. Tumawa naman si Chlyde tsaka na inalalayan patayo ang kasama. "Hahatid na nga kita, lasing na lasing ka eh." Sambit niya tsaka niya hinila patayo ang lasing na kasama niya. "Hindi ako lasing! Wooooh, bakit ang daming tao?" Napapailing nalang si Chlyde tsaka na niya dinala sa kotse ang kasama niya, dun niya rin narinig ang pagtawag sa telepono nito kaya kinuha niya ang telepono ni JD na nagriring. "Hoy casanovang bruhilda ka! Kanina ka pa namin tinatawagan, sobrang busy mo ata?!" "Ah. Hello? Si Chlyde to, bagsak si JD nakainom kasi." "Ay, sorry. Bakit uminom? May problema ba siya?" "Wala daw, namiss niya lang uminom." "Nakakaloka siya. Pero pakisabi naman na hindi kami makakauwi sa bahay na tatlo, pinatawag kasi kami sa mga bahay namin at sa makalawa pa kami makakabalik." "Makakarating." "Salamat Chlyde, mabuti ka pa mabait. Di katulad sa kapatid mo na bakla na nga peste pa." "Pfft. Crush ka lang nun Ate Lara." "Kilabutan ka nga! Oh sya, ibababa ko na to nasa byahe ako." "Sige, ingat ka Ate." Napapapiling nalang siya sa tsaka na siya sumakay sa kotse at nagsimulang magdrive. Dun na niya naisip na walang mag-aalaga at mag aasikaso kay JD dahil nga wala yung mga kaibigan niya sa bahay nila. 'Dun ka nalang muna sa condo ko, ako na muna bahala sayo.' Sa isip niya habang nakamasid sa humihilik na si JD. Tumawa nalang siya ng mahina tsaka nagdrive papunta sa condo niya, minsanan nalang siya dun namamalagi kasi palagi siya sa mansyon nila. Sila nalang kasi ng Kuya Chester niya ang nagbabantay sa Lolo nila at sa nakakabatang kapatid pa niya. Akalain mo, isang playboy pero mahal na mahal ang pamilya niya. Ibang-iba siya kapag pamilya na niya ang kaharap niya. *krriiing* Kief'tot Calling… Huminto nalang muna siya sa gilid ng daan bago sinagot ang tawag ng kapatid niya. "Bakit gising ka pa?" "Hello rin Kuya, di ka ba uuwi dito? Naghihintay kasi si Kuya Chester sa baba." "Hindi, sa condo muna ako." "Ah ok. Ge!" "Matulog ka na!" Tsaka niya binaba yung tawag at nagsimula ulit magdrive hanggang makarating na siya sa condo building nila. Binuhat na niya si JD hanggang makarating sa unit niya at agad pinahiga sa kama niya. Hindi niya kasi nalinisan yung guest room niya kaya dun na muna siya sa kwarto niya, dun nalang siya sa sala matutulog. "..chlyde kaasdfghjk." He heard her mumbled kaya napapangiti nalang siya tsaka niya isa-isang inalis yung sapatos nito at pinunasan yung mukha niyang may make-up pa, light make up lang. 'Maganda ka na kahit di ka mag-make up, mas maganda pag natural' Nakangiti niyang nasaisip atsaka niya lang napaisip na kelangan niya rin itong bihisan, dahil nga umaalingaw-ngaw yung amoy ng alak sa damit niya. Napalunok siya ng sunod-sunod at pinagpapawisan sa iniisip niya. 'Badtrip, kaibigan ko yan ayoko naman manyakin yan.' Napapasign of the cross siya habang hawak yung bimpo at nilagay ulit sa palanggana tsaka tumabi kay JD na mahimbing yung tulog. "J-Jayd! Gising muna, magbihis ka." Tapik niya rito tsaka sinubukang gisingin. Napabusangot naman yung mukha ni JD tsaka napaupo at walang ano-ano ay inalis yung suot niyang t-shirt kaya naka bra nalang ito. Tsaka bumalik sa pagkakahiga. "Ka-kainis, Jayd! Ano ba." Sabay lunok niya at panay titig sa katawan ng babae na nakabalandra sa harap niya. "Pu-punasan lang k-kita ah?" Nanginginig yung kamay niya habang pinupunasan yung katawan ng kasama niya, kahit naman maraming babae ang dumaan sa kanya at oo sila rin mismo ang naghahain ng mga sarili nila sa kanya, pero iba ang epekto sa kanya ni JD. Nirerespeto niya ito, pero sa sitwasyon niya nahihirapan siya. Lalo na at nakainom rin siya. Sa kabilang banda ay nakangisi si JD habang dinadama yung malambot na bimpo sa katawan niya at natutuwa pa siya sa nakikita niyang hirap na hirap ang nag-aalaga sa kanya, kahit siya rin may tama rin siya. Ngayon niya lang nagawang maghubad ng pang-itaas sa isang lalaki, lalo pa't hindi niya ito nobyo. Napaupo si JD habang nakatitig sa mga mata ni Chlyde na nabigla rin sa biglang pagbangon niya at nakipagtitigan sa kanya. "A-ano, magb-bihis ka na. E-to, pasensya ka na. D-damit ko yan." Tumawa siya tsaka mas lalong lumapit sa lalaki na pigil na pigil yung paghinga. "Chix ka? Mas kinakabahan ka pa sakin eh." "Mahirap magpigil JD, lalaki ako. At nirerespeto kita." Ngumiti lang siya at tumango-tango. "Huwaw, nemen. Idol ka pre, eh yung mga babaeng dumaan sa buhay mo, nirerespeto mo? Kayo kasing nga lalaki, ang hilig nyong maglaro ng damdamin ng babae, oo may kasalanan rin kami minsan! Pero, mahina at sensitive kami kung nasaktan kayo, doble yung nararamdaman namin!" Kasabay nun ang pagtulo ng luha  niya na kinataranta ni Chlyde, nawala yung pagkunot ng noo niya kanina habang nagsasalita si JD. "T-teka, wag kang umiyak. Oo na, sorry! Sorry, pero mabuti inamin nyo rin na may kasalanan kayong mga babae. Pare-pareho lang tayo ditong nasasaktan, kaya wag kang magsalita na parang kayo lang." Yinakap siya bigla ng dalaga na kinabigla niya at mas lalong naghuhurementado yung puso niya dahil sa ginawa niya, at isa pa. Walang shirt si JD. "Nakakainis, why life is so unfair. Bakit di nalang kaya masaya tayong lahat?! Yung walang manloloko, walang mananakit sa atin." Sabay hagulgol niya. Napahinga ng malalim si Chlyde tsaka niya hiniwalay ang kaibigan sa kanya at tinaas yung tingin sa kanya. "Life really is unfair, all we have to do is to deal with it and fight through it." "Sana ganun kadali, masyado akong nasaktan noon Chlyde-" "Noon yun, move on JD. Magagawa mo yun kung gugustuhin mo." Tumango lang siya at napatitig nalang sa mukha ni Chlyde. "Salamat Chlyde."  Saad niya at tila hinihigop sila sa isa't-isa at gustong maglapit ang mga mukha nila. ========================================================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD