Chapter 16
MSCMMRC®2016
========================================================
JD'S POV:
"Ghost Hunting?" Sambit ko habang binabasa yung message sa akin ni Mr. Santillan. Ano nanamang trip gagawin ng mga to?
"M-multo? Pass ako dyan Jayd, wag mo kong idadamay dyan." RInig kong wika ni Wends na nasa tabi ko at nakikibasa.
"Ano kayang naisipan netong ni Oliver at maghahanap sila ng multo? Para ano?" Sabi ko habang dinadaial yung numero niya.
"Yo Jayd, game ka? Sama mo narin sekretarya mo."
"Takot sa multo si Wendy, ayaw niya daw. Anong trip nanaman gagawin nyo at naisipan nyo tong ghost hunting?"
"Wala lang, atleast may magagawa tayo dito sa Palawan sa last day natin diba?"
"Oo nga naman Miss. Perote, sama ka na! kaladkarin mo narin pala si Chlyde, nandito kami sa labas ng room niya. Ayaw kaming papasukin eh." Ring kong sabi ni Kevin at may naririnig pa akong pagkatok.
"Pfft. Takot kaya sa multo si Chlyde. Wait me there." Sambit ko tsaka lumabas ng room namin ni Wends nginisihan ko pa siya bago lumabas ng tuluyan.
Malapit na ako sa elevator ng makita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin tsaka mabilis na dumikit.
"JD, natatakot ako. Nakakainis ka naman, nag iimagine tuloy ako na may multo dun sa room natin." Tumawa lang ako tsaka pumasok ng elevator at pinindot yung penthouse floor.
"Marami kayang multo sa paligid, alam mo..kahit wala akong makitang multo, nararamdaman ko sila." Pananakot ko pa sa kanya. Tumawa lang ako ng bigla siyang namutla tsaka hinampas ako.
"Tama na nga, sasama nalang ako sa inyo. Kesa naman maiwan ako mag-isa dito." Maktol niya tsaka naka ngusong nanghalukipkip. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka lumabas agad ng elevator pagkatunog neto.
Nakita ko yung magbabarkada na katok ng katok sa pinto ng room ni Chlyde at panay pindot naman ni Henry ng doorbell.
"Chlyde! Tara na kasi, dont be a coward dude!" Sabi naman ni Uni.
"Ayoko nga! Umalis na kayo!"
Nakita nila ako kaya tumigil sila tsaka ngumiti sa akin. Di mo aakalain na mga nagtatrabaho na at matatanda na mga to, kung umasta kasi parang mga bata.
"Chlyde, alam mo may nakita akong white lady kanina pagala-gala dito sa penthouse, gusto ko sanang magpakilala kaso nawala. PAkitingnan mo nga dyan, baka nandyan siya."
And as of cue biglang bumukas yung pinto tsaka siya lumabas at nagtago kay Uni. Putlang-putla yung mukha niya at takot na takot.
"Akala ko ba hindi ka nakakakita ng multo?" Tanong ni Wendy tsaka lumapit sa akin. Ngumiti lang ako at nagpeace sign sa kanila, masama yung tingin sa akin ni Chlyde kaya tumawa lang ako.
"You shouldve seen your face Mr.Exor!" Halakhak ko at napahawak kay Henry kakatawa. Nakita ko naman siyang napapailing at hinila ako palayo sa kaibigan niya.
"Game na, san ba tayo maghahanap ng multo?"
Nagkatinginan sila tsaka ngumiti sa akin at napatingin kay Chlyde na napalunok.
**
Sa isang abandunadong bahay malapit sa dagat kami dinala ni Uni. Marami na daw nagpupunta dito para mag-ghost hunting. Ramdam ko yung panginginig ni Wendy katabi ko, marami din kami dito.
Nagdala rin kasi ng mga kasama yung kaibigan ni Chlyde, at ang sabi girlfriend daw. Asus =_=
"Bumalik nalang tayo sa hotel Jayd. Ayoko na dito." Sambit ni Wendy na todo kapit sa kaliwang braso ko. Sa kanang braso ko naman si Chlyde na parang tanga na nakapikit.
"Mamaya na, wala pa nga eh." Sabi ko at nagsimulang maglakad. Madilim na kaya maganda maghanap ng multo. ⊙▽⊙
"E-eh, te-teka lang Jayd. Pag-isipan mo nga muna." Di ko na siya pinansin at patuloy sa paglalakad, tila napako yung paa niya sa kinatatayuan at naglalakad paatras kaya napabitaw siya sa akin, nakita kong nabunggo siya kay Uni at kumapit sa kanya.
"S-sir Unijake, p-pwede pong bumalik nalang tayong lahat sa hotel?" Ngumiti lang si Uni tsaka inakbayan si Wendy at nauna silang pumasok sa bahay. Nagsi-sunod lang naman din kami at in-on yung mga flashlight na dala namin. Muntik pa akong matawa kay Kevin sa dala niyang flashlight, malaki kasi.
Ang ganda sa loob ng bahay. Makaluma yung nga gamit at yung mismong bahay. Nahagip ng mata ko yung isang larawan, larawan ng isang babae na halatang mahinhin at dalagang pilipina talaga.
"Ang ganda niya." Sabi ko at napatingin sa mga kasamahan namin na tinitingnan din ang ibang mga kuwarto. Sobrang lamig naman dito, kakaibang lamig. Di kaya may multo dito?
"Isabel ang pangalan niya." Napatingin ako sa gilid ko, nakatingin din siya sa litrato ng babae.
"Ang ganda niya, alam mo kamukha mo siya."sabi ko. Ngumiti naman siya at napayuko.
"Salamat, nakakatuwa naman ang sinabi mo." Ang hinhin niya, ang cute!. "Ano pala ang pakay niyo rito sa bahay na ito?"
"Napagtripan kasi ng mga kaibigan ko na mag-ghost hunting daw. Para naman may magawa kami sa huling araw namin dito sa Palawan." Ngumiti lang siya at iginiya ako palibot sa kwartong napasukan ko. Nawala na sa paningin ko yung ibang kasama ko, at si Chlyde na parang tuko kung dumikit sa akin. Ayun sumama kay Kevin.
"Nakakatuwa naman. Maraming tao na ang nagpunta rito pero sa ikaw lang ata ang napagaanan ko ng loob. Alam ko kasing mabait ka." Nagpasalamat naman ako sa kanya at napatitig sa isang harp na katabi ng piano.
"Pagmamay-ari lahat ng mga instrumento dito ni Isabel. Mahilig siyang magpatugtog, mabait rin siya kagaya mo. Maraming nahuhumaling sa kanya noon, magandang babae kasi."
"Ang dami mo namang alam tungkol sa kanya, ano nga palang pangalan mo?" KAnina pa kami nag-uusap pero di ko parin alam pangalan niya.
"Teresita Delfin. Ikaw, anong pangalan mo?"
"JD." Nagtaka naman siya sa pangalan ko tsaka siya umupo sa isang silya.
"Papaanong panglalaking pangalan ang binigay sayo? EH isa kang babae?" Tumawa naman ako tsaka rin umupo sa tabi niya.
"Janna Danica talaga ang pangalan ko." Natatawa kong sabi, ngumiti lang din siya at napapailing.
"Napakagandang pangalan."
Magsasalita pa sana ako ng may pumasok sa kuwarto at nagtatakang mga mukha nila ang bumungad sa akin. Ngumiti lang ako tsaka tumayo.
"Guys, si Teresita nga pal— asan na yun?" Hinanap ko siya sa buong kuwarto at hinanap siya ng may masagi ako at nalaglag ang isang litrato.
"Sino kausap mo?" Takot na sambit ni Wendy at kinuha yung litrato.
"Si Teresita Delfin, kanina ko pa siya kasama. Nakita niyo? Gusto ko sanang ipakilala sa inyo, ang ganda niya promise!" Sabi ko at nilibot ang paningin pero wala talaga eh. Napatingin ako kay Wendy na namutla at napako ang tingin sa litrato.
"Pa-paki ulit ng pangalan niya, Jayd." Napakunot naman yung noo ko. Nagsilapitan naman yung iba sa kanya at tiningnan yung litrato, kagaya ng reaksyon ni Wendy napatigil naman sila at namutla at napalunok.
"Teresita Delfin, bakit ba?" Sabi ko at kinuha yung litrato kay Henry. Napanganga naman ako.
"S-siya ba?" Napalunok rin ako at dahan-dahang tumango. Litrato ni Teresita at Isabel na magkasama. May pangalan na nakalagay kasi sa litrato kaya pala nakilala nila.
"So ibig sabihin, multo yung nakausap ko?" Walang bahid natakot yung boses ko. "Awesome! I saw a ghost, yes! Finally!"
"Umalis na tayo!"sigaw ni Chlyde tsaka ako hinila, nagsisunod rin naman yung iba na halata sa mukha na natatakot parin. Napanguso ako, napatingin ako sa sala ng bahay. Nakita ko si Teresita na kumaway sa akin at may kasama na siya, si Isabel ba yun?
Tumigil ako at kinawayan rin sila.
"Paalam, babalik ako dito para bisitahin kayo!" Tumango lang silang dalawa at biglang naglaho.
"JD naman! Tinatakot mo kami eh!" Sambit ni Kevin tsaka na ako tinulak palabas at mabilis na nagsisakayan sa mga kotse. Halata parin talaga yung takot sa kanila kaya tumawa ako.
Tinakpan naman ni Chlyde yung bibig ko pero di parin ako tumigil kakatawa. Sila tong nagyaya tapos ngayon mabilis na kaming umalis kaagad. Lalo na tong si Chlyde at ayaw umalis sa tabi ko.
**
"Ano?! Bakit naman kami matutulog dito? May kwarto kami." Singhal ko. Aba naman kasi, hinila kami netong ni Chlyde dito sa penthouse at dito na kami matutulog.
"Chlyde, andito na kami!" Pasok ng mga kaibigan niya. Napasapo naman ako sa noo ko, nakita ko pa si Wendy na namumula at umiiwas ng tingin kay Uni kaya tinitigan ko yung dalawa.
"Ah basta, ayoko dito. Dun kami sa kwarto namin. Halika na Wendy."
Papalabas na sana ako ng humarang siya sa pinto.
"Sige na kasi..." ngumisi lang ako tsaka siya tiningnan ng mapang asar.
"Bakit nga kasi?" Sabi ko pa, napakamot naman siya sa ulo niya at napayuko tsaka binulong sa akin. Nakiliti naman ako at halong kilig, ayiee.
"Baka kasi may white lady." Humagalpak na ako ng tawa.
"Seriously Chlyde? How old are you again? You still believe in that? Well yes, i saw a ghost in that house and I get to talk to her. But, hahahaha.." tawa ko nalang at inakbayan siya.
"Im scared okay?" Narinig ko rin namang tumawa yung nga kaibigan niya pati si Wendy.
"Hoy Wendeng, kung makatawa ka dyan. Takot ka rin naman sa multo." Simula ni Uni sa sekretarya ko. Syempre dahil likas na sa pagiging palaban sa aming magkakaibigan, di yan papatalo.
So dito na nga kami matutulog, sleepover nalang daw para sabay-sabay na kaming makabalik sa Maynila bukas.
========================================================