Chapter 17
MSCMMRC®2016
========================================================
Wendy's POV:
Hi! Wendy here, ang sekretarya ng nag-iisang JD Perote. At kaibigan narin.
"Magboyfriend ka na kaya Wends, forget Tyler. Ang chaka, dahil sa kanya kaya nag-away tayo nun. Eh alam mo namang naglalaro lang ako eh, sineryoso mo." Inirapan ko lang siya tsaka nagfocus sa paglilista ng mga schedules niya.
Pinaalala pa talaga. Oo totoo yun na nag-away talaga kami ni JD dahil sa lalaking yun. Mahal ko kasi si Tyler at nalaman kong may relasyon pala sila ni JD, di ko naman silang dalawa maisisi dahil, maganda naman talaga yang boss ko at malakas kamandag niyan pero sa totoo pinaglalaruan niya lang ang mga lalaking yan.
"Napapansin ko kayo ni Unijake, may nangyari ba dun sa haunted house?" Napatigil ako sa pagsusulat at agad namula sa hiya ng maalala ko yung nangyari dun sa Haunted House.
"J-just rest JD, wag mo na akong pansinin." Sabi ko at nagsulat ulit.
Napalunok ako ng masagi sa isipan ko yung nangyari. Di ko naman kasi sinasadya, eh sa matatakutin talaga ako eh. Dahil tuloy dun..aish!
*flashback
Napahiwalay na kami sa ibang kasamahan namin, todo kapit ko sa damit ni Sir Uni at hawak ang flashlight. Naka-akbay parin naman siya sa akin.
"S-sir, ayoko na dito. Lalabas nalang po ako." Nangangatog na ako sa takot, ayoko talaga sa mga multo eh. >__
"KJ neto, halika na. Baka meron dun oh, tingnan natin." Napalunok ako ng sunod-sunod habang hinihila niya ako papasok sa kusina ata ng bahay nato. Namangha ako sa mga gamit na nandito, mabuti naman walang may nagtatangkang magnakaw dito.
"Wow, ang lawak." Sambit ko at tinutok ang flashlight sa cabinet na puno ng mga babasagin na mga gamit. Wiling-wili ako sa pagtingin ng may napansin akong malikot sa paanan ko kaya napatingin ako.
"Waaaaaaaah!!" Hiyaw ko at mukhang tanga na patalon talon, may dagaaaa! Huhuhu..
"Hoy Wendy anong nangya— ah!" Nabunggo ko siya, napalakas ata yung pagkabunggo ko kaya natumba talaga siya at nasama pa ako.
Hinigit ko yung hininga ko ng muntik ng...muntik lang talaga! Syet!
Napatitig nalang tuloy ako sa mukha niya tsaka biglang namula ng maalala yung posisyon naming dalawa kaya tumayo na ako.
"S-sorry po, ma-may daga po k-kasi." Sabi ko na nakatalikod sa kaniya.
"Its okay, halika na. Hanapin natin yung iba." Tumango lang ako tsaka tumabi sa kanya habang naglalakad, kahit nahihiya talaga ako. Pero kalimutan muna hiya, natatakot parin talaga ako dito!
*end
"Pesteng daga talaga yan." I whispered tsaka nalang tinago yung gamit ko sa bag at tumingin sa katabi ko, tumingin nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga ulap na nadadaanan ng eroplanong sinasakyan namin.
Nakuuu, kung di lang talaga ako natatakot at walang nakita at nakausap si JD dun sa bahay nayun babalikan ko ang dagang yun at lilitsunin.
Tumayo nalang muna ako sa inuupuan ko at pumuntang banyo. Pagkalabas ko, napabalik pa ako sa loob dahil sa gulat. Nakayukong lumabas ako tsaka naglakad pabalik sa upuan ko.
Nahihiya parin talaga ako sa kanya. =///=
Nakita ko siyang nakatayo sa upuan niya at nakatingin sa akin tsaka ngumiti at umupo. Napatulala naman ako at napapakurap.
Di ko alam pero napapangiti rin ako sa pag-ngiti niya sa akin.
At bigla namang nagflash yung mukha ni Tyler, kaya napawi yung ngiti ko at sumandal nalang sa upuan ko. Its been years, pero di ko parin makalimutan siya. I still love that jerk, i dont know why. Sigurado kinalimutan niya rin ako.
Funny feelings.
Ayoko nang maniwala sa pag-ibig, pare-pareho lang naman ang mga lalaki. Kagaya nga ng sabi ni JD, they're all the same.
**
"Go straight home Wendy, wag ka na muna pumasok bukas. Its your free day." Tumango ako tsaka siya sumakay sa kotse ni Sir Chlyde at ako naman naiwan. Naglakad na ako para sumakay sa taxi ng may nagbuhat ng bagahe ko at naglakad siya papunta sa isang itim na kotse.
"S-sir, magtataxi nalang po ako." Sabi ko at akmang kukunin na sana yung bagahe ko ng pinasok niya sa backseat at binuksan yung passengers seat.
"Get in, ihahatid na kita." Sumakay nalang ako sa kotse niyabat hinintay siyang makasakay din. Sungit mode nanaman siya. Di ko alam kung nagmamagandang loob or magsusungit lang to eh.
Nagkakilala kami ni Sir Unijake nung nagkaroon sila ng meeting ni JD. At iba pang mga kaibigan niya nakilala ko rin dahil sa meeting nila ng boss ko. NAging magkakaibigan at eto nga.
Tahimik lang kami pero rinig na rinig ko yung tambol sa dibdib ko, hiyang-hiya parin talaga kasi ako sa nangyari sa palawan eh. Ikaw nga, isang boss dinaganan mo. Ayos lang sana kung si JD kasi close ko naman at kaibigan. Iba naman kasi si Sir Unijake eh.
"Salamat po." Sabi ko pagkahinto sa tapat ng bahay namin, kinalas ko na yung seatbelt at akmang lalabas na sana ng maramdaman ko yung paghawak niya sa braso ko kaya napatingin ako sa gawi niya.
"What's with you that makes me go crazy?" Napanganga naman ako sa sinabi niya.
"P-po?"
"I think im starting to like you Wendy." Parang may nakabara sa lalamunan ko at nahirapan akong lumunok. Di ko alam kung anong sasabihin ko, at ng maalala ko yung nasabi ni JD.
'Boys are the same, they let you fall and at the end they'll leave you and wont catch you in the end.'
Inalis ko yung kamay niya tsaka ko kinuha yung bagahe ko at lumabas ng kotse niya at dire-diretsong pumasok sa bahay, sinalubong pa ako ng kapatid ko pero dumeretso na ako sa kwarto ko at napahiga.
"Im sorry Wendy, i dont like you. Si JD ang gusto ko."
"But, ang sabi mo.."
"That was before, everything changed. Im sorry, just forget everything I said."
"Pero Tyler naman, gusto na nga kita oh. Tapos, ngayon sasabihin mong hindi mo na ako gusto? Ano to gaguhan?"
"Sorry Wend."
Di ko naaansin na napapaluha na ako sa naalala ko. Ayoko ng umasa pa. Tama na.
========================================================