Chapter 8
MSCMMRC®2016
========================================================
Kinaumagahan, maaga akong nagising. Ako kasi magluluto ng breakfast namin, mabuti nalang wala si Stelle. Walang mang-iistorbo sa akin, makulit lahi ng babaeng yun eh.
Naghuhum lang ako habang naghahanda ng lulutuin, nagsuot din ako ng apron dahil gagawa me ng pancakes! Pancakes for everyone todaaay! Syempre magluluto din ako ng iba pa, kilala ko na yung dalawang yun isama narin natin si Stelle. Di makuntento kung isang pagkain lang, kulang daw eh.
*kriing kriing*
Sinagot ko na yung tawag at niloud speaker, di ko pwedeng iwan tong pancake baka masunog.
"Good morning! Jayd, free ka today?"
"Aga mo ata playboy ah? Bakit, san lakad natin?"
"Patulong lang sana ako, naging instant baby sitter ako eh. Dont worry, dalawang bata lang naman. Yung iba kasi, sumama sa mga magulang nila."
"Haha! Isang playboy naging baby sitter? "
"Tawa pa, sige na playgirl oh. Wala akong alam sa baby eh."
"Oo na, I'll be there by 9."
"Yown, thanks Playgirlfriend!"
"May bayad yun ah!"
Tumawa lang siya tsaka na nagpaalam. Ngumiti lang ako at tinapos nalang tong niluluto ko.
"Haaaaay! Good morning Philippines! Good morning world!" Rinig kong sigaw ni Chelsea na nasa hagdan at nag-uunat pa.
"Good Morning!" Bati ko at pinatay na yung stove matapos magluto. Naghugas na muna ako ng kamay at ilang plato atsaka naman ako pumuntang kwarto ko para makaligo.
Pagkatapos ay sumama na ako sa dalawa na lumalamon na sa mesa. Napansin naman ako ni Lareng na nakabihis kaya siguro napatingin sa akin at nakakunot yung noo niya.
"May date ako." Simpleng sagot ko. NApatigil naman sa pagkagat si Chelsea at nakataas yung kilay sa akin.
"Ikaw? May date? Oh, baka laro-larong date? Sino nanaman nabiktima mo aber? Tapos na ba kayo ni Chlyde? Reto mo nga ako!" Hakalhak niya. SInipa naman ni Lara yung upuan niya kaya tumahimik nalang atsaka nagpatuloy sa kinakain niya.
"Nope, me and Chlyde are still on." Sabay belat ko sa kanya. Bumusangot naman yung mukha niya at inirapan ako.
"Just dont fall inlove in that playboy." Saad ni Lareng at hinatid sa kitchen sink yung pinagkainan niya. Sinundan lang namin siya ng tingin ni Chelsea na punong-puno yung bibig.
"Bad mood ata si Lareng? LQ ba sila ni Fafa Chester?" Nagkibit balikat lang ako sa kaniya atsaka na ako kumain.
**
"Good Morning po Ma'am JD, nasa loob po si Sir Chlyde." Salubong sa akin ng isang maid na matanda. SIya ata yung head ng mga maid dito. Mukha siyang mabait. Hehe
"Ah, sige po." Sabi ko at kinuha ng isang maid yung dala kong paper bag at sumunod lang ako sa kanya hanggang sa sala. Si Chlyde, karga karga ang isang baby. At yung isa, nasa lapag at gumagapang palapit sa kanya para ata magpakarga din.
"Pfft, mukha kang Tatay playboy. Na iniwan ng asawa. HAhaha!" Halakhak ko at umupo sa sofa. Tinitigan lang ako ng dalawang baby tsaka nagtago kay Chlyde.
"Ayan, natakot tuloy sayo. Tulungan mo na ako, tsk. Bakit ba kasi ang sisipag ng mga Kuya ko. Kainis!" Sambit niya at naglakad palapit sa akin tsaka inabot yung karga nyang baby at nilapitan yung isa.
TInitigan lang talaga ako ng baby atsaka humiga nalang sa bisig ko. NAkaramdam pa ako ng basa sa braso ko, kaya sinilip ko kong anong ginagawa niya.
"Ay, baby naman. Di pagkain yan, balat ko yan eh. Gutom ka na ba?" Kausap ko dun sa baby na hawak ko, he just talked but I didnt understand a word. =__= baby talk alert!
"Gutom na ang baby? Halika, asan ba pagkain mo?" Sabi ko tsaka tumayo habang karga ko siya, napatingin naman ako kay Chlyde na parang tangang nakangiti sa akin habang karga rin yung isang bata.
"Mahilig ka sa Baby? Gusto mo gawa tayo?" Sinipa ko sa kanya ang isang teddy bear pero tumawa lang siya. Ang gago ng lalaking to.
"Hindi kita type, and fyi! I dont want my babies to have a cassanova Father!" Sabay irap ko sa kanya, tumawa lang siya at lumapit sa akin.
"Asa rin no, ayoko magkaroon ng Ina yung mga anak ko na cassanova din." Sabay ngisi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at kinuha ang isang baby bottle na kulay blue.
"Ano bang mga pangalan nila? Sino yung mga magulang nila?" Tanong ko habang pinapainom ng gatas tong baby boy.
"Yan si Liam, anak ni Kuya Lemuel. Months old palang." Tumango naman ako at kinulit si Bebe Liam..wahaha.
"Eto naman si Bea, anak ni Kuya Ben." Sambit niya at kinaway niya sa akin yung kamay ni Bea. Kinaway ko rin naman yung kamay ni Baby Liam.
"Mga anak, kung may kailangan kayo. Tawagan niyo lang ako ah? Atsaka, eto pala yung listahan daw ng gagawin nyo sa mga babies. Pinaabot ni Mam Jessica." Kinuha ko naman yung papel at binasa.
"Hindi pa pala pinapaliguan to?" Tanong ko. Napakurap naman si Chlyde tsaka lumapit sa akin at nakibasa.
"Ano?! Eh hindi ako marunong magpaligo ng baby eh."napalunok naman ako. Ako rin naman kasi eh. Napatingin kami kay Manang, ngumiti lang siya at napabuntong hininga nalang.
"HAlikayo." Sumama kami sa kanya hanggang sa banyo ng isang kwarto, kaninong kwarto to?
"Dito po sila papaliguin Manang? Di ba magagalit sina Kuya Lemuel?" Ay, kina Kuya Lemuel pala.
"Hindi, siya rin nagsabi na dito papaliguan ang mga bata." Tumango nalang kaming dalawa ni Chlyde atsaka pinanuod nalang si manang kung papaano magpaligo ng baby, sinasabi niya rin naman sa amin kung anong gagawin.
"Kelangan nyo pa ba ng tulong sa pagpapabihis sa kanila?" Umiling na ako tsaka nilapag si Baby Liam sa kama na may towel.
"I know how po." Tumango lang siya at inabot sa akin ang mga kelangan ko. I admit, marunong talaga ako sa ganito, exept sa pagpapaligo ng baby. Kung malaking bata, marunong pa. HAHA.
Sumasama kasi ako kay Mommy sa mga charities at orphanage na tinutulungan namin sa New Zealand, at naexperience ko na ang pag-aalaga ng mga baby at mga bata.
"Ayan! Mabango na si Baby Bea!" Sabi ko at inamoy siya sabay kiliti na kinatawa niya.
"Ako diiin! Turuan mo ako, dali!" Sabi niya habang hawak ang isang diaper. Natawa naman ako tsaka tumango, hinayaan ko muna mahiga si Bea at binigyan ng laruan. Tsaka naman binalingan si Chlyde.
Sa dali ng sinabi ko, dun din naman kasing hirap ipaintindi dito sa playboy nato. =__= Halatang di sanay mag-alaga ng bata eh. Mabuti nga at natapos narin eh, di pa pantay kanina yung paglagay ng tape ng diaper. Suskolurd!
"Yeey! Mabango na rin si Baby Liam! Dali, amuyin mo Jayd." Parang batang hiyaw ni Chlyde tsaka inabot si Liam sa akin.
"Mabango na ang mga babies! Yehey!" Sabay naman kaming natawa sa mga pinag-gagawa namin. Lumabas na kami at ginawa ang susunod sa listahan.
"Gumawa ng gatas? Paano yun?" Nagtatakang tanong niya tsaka napatingin sa akin at bumaba sa dibdib ko.
*pak!* "Bastos to!" Hampas ko sa kanya na kinatawa niya. "Ikaw magtimpla, bahala ka sa buhay mo." Sabi ko at nagwalk out at bumaba sa sala.
"Huy, badtrip agad to. Joke lang eh..haha! Playgirl!" Di ko siya pinansin at naglaro nalang kami ni Baby Liam. Nilapag lang naman niya si Bea katabi ko tsaka siya lumapit kay MAnang at humingi ng tulong sa pagtitimpla ng gatas ng dalawa.
Di ko alam maypagka perv pala yang kinaibigan ko. Waaaah! Matutuyuan ako ng dugo sa lalaking yan. Nga naman, di maalis ang pagiging perv ng isang playboy. =_=
"Bababa!" Liam murmured at pilit na inaabot ako kaya kinarga ko siya at pinaupo sa lap ko. Gumapang rin naman si Bea palapit sa amin at umupo din sa kabilang lap ko.
"Maaaa!" Liam tried to push Bea, mabuti nalang hawak ko tong bata. Aba! Madamot tong baby boy nato ah? KAla mo siya yung matanda sa kanila, humanda lang siya pag gumanti tong Ate niya. HAhaha!
"Bat!" Bea said at hinampas yung kamay ni Liam. Lumamlam naman yung mata ni Liam at humarap sa akin. Aba! Alam na ah? Talino naman ng batang to.
"Hey kids, dont fight. Bad yun." Sabi ko at niyakap sila. Eeeehhh, ang cute nilang dalawa! Bakit ba kasi nag-iisang anak lang ako eh. Tinatamad ba sina Mommy at Daddy? T3T.
"Para ka talagang nanay, Jayd. Bakit ba wala kang sineryoso? Edi sana nagka-asawa ka na. Youre in your right age." Umiling lang ako at nilapag yung dalawa. Lumapit ako sa kanya sa sofa at tumabi.
"Eh ikaw rin naman ah? Alam kong naiinggit ka sa mga Kuya mo, maghanap ka na kasi ng seseryosohing syota para makapag-asawa ka narin." Sabi ko habang tinitingnan yung dalawa na naglalaro.
"Malapit na." NApatingin naman ako sa kanya na nakangiting nakatitig sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hinampas ng unan yung mukha niya.
"Dont fool around Chlyde." Sabi ko at bumalik nalang sa dalawang bata. MAs masarap pa kausap tong mga baby kesa sa Pervert na Cassanova nayan. =_=
========================================================