Chapter 9
MSCMMRC®2016
========================================================
"Uwaaaah!" Masakit na tyan ko kakatawa kay Chlyde, muntangang natataranta kung anong gagawin. Sabay kasing umiyak yung dalawa dahil sa ginawa niya. Aba naman, sumigaw eh. Ang tahimik ng laro nung dalawa tas bigla nalang sumigaw, kaya ayan nagulat.
"Can you stop laughing and help me here instead?!" Napapagulong na ako sa sofa kakatawa. Takot na takot siya na ewan. Haha
Nakita kong napatingin sa akin yung dalawa nung tumawa ako ng malakas kaya napahinto sila sa pagiyak at tiningnan lang ako.
"Aww...Daddy Chlyde is so scared, eh kung kinarga mo kaya at pinatahan?" Sabi ko at ngumisi sa kanya. Napakamot lang siya sa ulo niya at sinamaan ako ng tingin.
"Eh kung di mo naman kasi ako pinagtripan, di ako sumigaw. At kung hindi ako sumigaw, hindi nagulat mga yan tsaka umiyak!" Tumawa parin ako. Isa kasi yung app sa phone ko, na ininstall ni Stelle. Loka-loka yun at pinagtripan ako nun una, nasira nga yung bintana namin nun dahil sa paghagis ko ng phone niya.
Mawiwili ka sa kakapindot sa phone mo, tapos bigla nalang may lumabas na photo ng nakakatakot na istura. Multo ba. Kaya, for sure magugulat ka talaga. Pinakita ko kasi sa kanya ang isang picture ng isang babae na nakabikini. At ang gago, nawili kakatingin at ayun. Biglang lumabas yung photo at napasigaw siya.
"Bwisit to!" Bugnot niya at bumusangot. Tumawa naman yung dalawa na kinagulat namin. Nilamusot ko pa yung mukha ni Chlyde at lumakas yung tawa nung dalawa. Ahhh, yun pala ah!
"Aray! Ano ba, masakit nayun ah?" Kinurot ko yung pisngi niya, pero hinila ko siya at pinaglaruan yung mukha niya. Mas lalong humalakhak yung dalawa na nakakahawa na.
"That was new, I've never heard Liam laugh that much before." Napalingon kami sa nagsalita. Binitawan ko narin si Chlyde at tumayo at binati sila. Kinarga naman ni Kuya Lemuel yung anak niya na grabe kung tumawa kanina.
"At eto ring masungit na si Bea, ngayon ko lang narinig na humalakhak ng ganun." Saad ni Kuya Ben at hinalikan sa pisngi ang anak niya na nakangiti parin.
"Kamusta kayong dalawa? Pinahirapan ba kayo nina Liam at Bea?" Umiling lang ako pero si Chlyde nakabusangot parin kaya humagikgik parin yung dalawa at pilit na magpakarga si Liam kay Chlyde.
"Anong nangyari Chlyde?" Tanong ni Ate Jes na nakangisi ng maloko.
"Nothing Mom, pinagtawanan lang ako ng tatlong to." Tumawa na ako dahil naalala ko nanamn yung mukha ni Chlyde kanina nung nagulat.
"What really happened?" Ngumisi si Chlyde at kinuha yung phone ko at inactivate yung app sabay bigay kay Kief, mabilis naman na dumikit si Kieth at titig na titig lang dun sa picture na sinet niya.
*creepy scream*
"WAAAAAAAHHH!!" Sigaw nila at nabitawan yung phone ko, mabuti nalang may laruan sa pinagbato ni Kief kaya hindi nabasag. Tumawa lang kaming lahat sa reaksyon nung dalawa, takot na takot sila at nagulat talaga. Si Chlyde? Eto parang baliw na kung makatawa.
"Y-you shouldve—hahahahahahahaha!" Di na niya natatapos yung mga sinasabi niya at tumawa nalang din.
"Kainis tong si Kuya!" Sigaw nung dalawa at binato ng mga laruan si Chlyde. Tawa lang kami ng tawa sa reaksyon nung kambal, napapayakap ako kakatawa kay Chlyde.
**
"Salamat ulit, JD ah?" Tumango lang ako at nakipagbeso sa asawa ni Kuya Lemuel.
Sasakay na sana ako ng kotse ng makita ko si Chlyde na tinutulak ng Mommy Jes niya sa direksyon ko.
"Dali na!"
"Mommy naman eh.." maktol niya tsaka lumapit sa akin.
"Oh bakit?" Tanong ko at sinilip yung mga kapatid niya.
"Hatid na kita, pinagbantaan na ako ni Mommy eh." Tumawa naman ako tsaka inabot sa kanya yung susi. Sabagay, tinatamad akong magdrive, sabihin ko nalang sa kanya yung daan.
"Bye po!" Paalam ko atsaka na kami umalis. Habang sa byahe, sinasabi ko sa kanya yung daan papunta sa bahay namin.
"Salamat ngayong araw Playgirl ah? NAg enjoy ako, kahit ako yung pinagtripan nyo." Ngumiti lang ako at humarap sa kanya.
"Wala yun, mauulit pa yun. Tiwala lang." Sabi ko. Mabilis niya akong binigyan ng masamang tingin kaya tumawa nalang ako.
"Kaliwa ka!" Sabi ko at kumaliwa nga siya. Tinitigan ko lang siya habang nagdadrive siya, aaminin ko. Gwapo naman tong si Chlyde, kung di lang siguro ako nasaktan noon at si Chlyde yung nakilala ko, di ko bibitawan to.
Kaya, isang malaking BOBA ang babaeng niloko siya. Mabait kaya si Chlyde, masiyahin, maraming kalokohan, mapagmahal sa pamilya, mabait pero nevermind nalang sa pagiging perv niya.
"Yung bahay na bongalow na may gate na kulay red." Sabi ko habang di inaalis ang tingin sa kanya. Naramdaman ko naman na huminto na yung sasakyan tsaka siya napatingin din sa akin at ngumisi pa.
"Sayang ka. Babaero lang kasi. Sige, salamat sa paghatid ah? Paki-balik nalang ng kotse ko bukas. Bye!" Sabi ko at lumabas ng sasakyan ko at pumasok ng gate.
Why do i felt something weird when our eyes met each other? I didnt felt this before, not even to Edward. Maybe because crush ko lang siya kaya nakakramdam ako ng kilig ng tiningnan niya ako. Hihi.
Pagkapasok ko sa bahay, patay na yung mga ilaw kaya baka humihilik na yung dalawang yun. Sa susunod na araw pa balik ni Stelle kaya wala ng naghihintay sa akin tuwing gabihin ako umuwi. Hindi daw kasi sanay yun na hindi kami kumpleto dito sa bahay kapag matutulog na. Manunuod yun ng tv hanggang mag umaga basta mahintay lang ako.
"Ay sadako!" Nagulat naman ako sa sambit ni Chelsea na bababa sana.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko at kumuha ng fresh milk sa ref, siya naman kumuha ng tubig.
"May tinatapos akong design." Tumango lang ako sa kanya tsaka na ako pumuntang kwarto ko.
Binuksan ko yung email ko at hinanap yung email address ni Wend, baka may sinend siyang schedule ko na hindi niya nasabi kanina eh.
'Ma'am yung conference nyo po pala sa Palawan sa sabado na po.'
Excited na akooo. I've always wanted to go there with the three. Makapag relax lang diba, but may kahalong business ang pagpunta ko dun kaya wala rin. Alam kong mga busy rin sila kaya hindi ko sila maaya, si Lareng may bagong kaso na inaatupag, haaay abogasya nga naman.
At sabi nga ni Chelsea kanina, may mga tinatapos siyany designs. She graduated fashion design, kaya ayan na.
At si Stelle? Puno schedule nun.
So loner nanaman peg ko. Pero, kasama ko naman si Wendy eh. Haha.
Palawan here i coome!
========================================================