Chapter 10

1047 Words
Chapter 10 MSCMMRC®2016 ======================================================== JD's POV: *Airport* "Kainis naman tong trabaho ko, sobrang busy ko kasi eh. Gusto ko sana sumama! Itakas mo nalang ako Jayd!" Binatukan ko si Chelsea at pinabitaw sa akin. "Tapos pag hinanap ka, ako pagbibintangan? Aba, swerte mo! Tsupe!" Sabay irap ko. Tinulak lang naman niya ako tsaka tumawa. "Lumayas ka na nga, daming cheche bureche to. Dadating kliyente ko mamaya, kelangan ko yun kausapin." Saad naman ni Lara na naka office suit na niya. Waaw! Atty. Lara Gamboa! Oha. Sus, si Lareng parin yan. Haha "Oo na!" Sabi ko at pinauna na si Wendy. NAgpaalam nalang ako tsaka na sumunod kay Wendy papasok sa airport. *krring* "Hello?" Sagot ko sa tawag at inabot kay Wendy yung mga folders na dala ko. "Nasan ka?" "Airport, punta akong palawan for a conference meeting sa branch namin dun. And I'll be gone for a week. BAbye!" "Wa—" Pumasok na kami sa eroplano at giniya na kami ng mga FA sa mga upuan namin, kinuha ko yung first class na seats sa amin ni Wendy. Pumikit lang ako para makatulog, nastress ako ngayong week sa opisina, dinagdagan pa nung playboy nayun na palaging pumupunta sa opisina ko. Akala ko ba may trabaho yun?Kaloka! Mabuti nalang at aalis na ako ngayon, Palaaawaaaan! ** "Ma'am didiretso po ba tayo sa company or sa hotel nyo nalang po muna?" Hinarap ko si Wendy pagkatapos kong basahin yung isang file ng report tungkol sa branch namin dito. "I'll go straight to the company, Dalhin mo nalang mga gamit natin sa hotel." Tumango lang siya at tahimik nalang na umupo habang binabaybay nakin ang daan papuntang kompanya. *kriing* "Ah, si Sir Chlyde po tumatawag." Napabuntong hininga ako at kinuha yung phone tsaka sinagot. "Nasa Palawan ka na? Hindi mo ko kaagad pinatapos eh, haha! Nandito rin ako sa Palawan. Ako yung pinadala ni Lolo para sa conference daw sa company nyo." NApasapo nalang ako sa mukha ko at sumandal sa backrest ng kotse. "Whatever! See you then!" Sabi ko sabay baba ng tawag. Ngumiti nalang ako at hinintay na makarating kami sa company namin. Dumeretso naman ako pababa habang si Wend, dumeretso narin sa hotel. Pagkapasok ko, aagad naman ako binati ng mga empleyado, ngumiti lang ako sa kanila at tinungo ang elevator. He's here, pepestehin niya lang buhay ko eh =_=. But that week with him was fun, di ko ipagkakaila yun. Kahit minsan sumasakit ulo ko sa kanya at sa mga babaeng hinahabol siya. Nakakainis. Di ko alam kung saan ako maiinis, sa mga babae niya na palagi siyang pinepeste at ako palagi yung tinatakbuhan ng lalaking yun or dahil sa pang iistorbo niya sa akin sa trabaho. "14th floor Ma'am." Ngumiti ako dun sa isang empleyeado na kasabay ko na siyang pumindot ng floor ko. Lumabas na ako at dumeretso sa opisina ko dito, actually opisina to dati ni Dad na ipinasa na sa akin. Pagkapasok ko, nakatalikod sa akin yung swivel chair ng table ko, napakunot naman yung noo ko. "Excuse me?" Sambit ko at nilapag yung bag ko sa table. Umikot naman yung upuan at tumambad sa akin yung nakangiting pagmumukha ni Chlyde. "Hi, Jayd." Matamis na ngiting sambit niya. Theres something that urge me to smile back, kaya ngumiti rin ako sa kanya. Lumapit ako sa pwesto niya tsaka siya tinulak paalis dun sa upuan ko. "Aray! To naman, galit ka parin? Sorry na, eh wala na akong matakbuhan nun eh, ang layo rin ni Mommy. Kaya ikaw nalang..hehe" inirapan ko lang siya at nagpahinga sa upuan ko. Hindi ko lang siya pinansin, nagtaka pa ako ng tumahimik bigla kaya napaumulat ako. Napalunok naman ako ng bongga, ang lapit ng mukha niya sa akin. Nakangiti siya at pinagmamasdan pala yung mukha ko habang nakapikit. "Ang ganda mo, sayang lang lalakero ka." Tinulak ko lang yung mukha niya. Ginaya niya yung linya ko nung gabi na hinatid niya ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko, kinabahan ako sa ginawa niya. Kahit naman lagpas isang dosena naging fling ko, at nagkaroon ako ng boyfriend, di ko sinuko yung first kiss ko nu! Pero, iba talaga eh. Weird! =__= "Ano bang ginagawa mo dito?" Inis kong tanong habang nakafocus parin ako sa abnormal na heartbeat ko. "Wala lang, gusto lang kita makita." Napaikot naman yung mata ko atsaka ako kumuha ng inumin sa mini ref na nandito sa office, pinasa ko sa kanya ang isang beer in can. "May kailangan ka eh, ano yun? Nako pag di lang kita kaibigan kolokoy ka, pinalabas na kita dito eh. Alam mo bang hindi ako nagpapapasok basta ng kung sino dito habang wala ako?!" Singhal ko at padabog na umupo sa sofa na inuupuan niya. "We'll im just not anybody. Im your boyfriend right, playgirl?" Mapaglarong ngiti yung sumilay sa bibig niya habang sinasabi yun kaya inirapan ko lang siya tsaka napainom. "Fake boyfriend, mister. At kung pwede, dumistansya ka ng konti kapag magbo-boy hunting ako dito. Ayt?" Sambit ko, ngumuso lang siya tsaka kumindat. Ang bakla talaga ng lalaking to. "Aba, dapat ikaw rin. Dami pa namang magaganda dito sa Palawan." Napapailing nalang ako at sabay tuga sa inumin ko. ** "Pwede kang mamasyal muna Wend, bukas pa naman yung conference. Kaya mag-enjoy muna tayo dito." Tumango lang si Wendy at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit ko dito sa room ko. Salamat namat at pwede pa akong mamasyal. Wahaha! Iinggitin ko nga yung tatlong yun. *knock knock* Ako na yung bumukas ng pinto at napanganga ako sa bwisita kong to. Shet ang gwapo niya. OA, kahit naka plain gray shirt lang at jeans at sapatos lang eh. Aba, artistahin parin talaga tong playboy nato ah? "Tara, gala tayo." Kinunutan ko lang siya ng noo at sinarhan at mabilis na kinuha yung sling bag ko at nagpaalam kay Wendy. "Taraaaa!" Parang batang tili ko habang hinihila siya papuntang elevator. Wala lang, diba sabi ko gusto kong pumasyal dito. Haha, mabuti nalang inaya ako ng lalaking to. Nakita ko sa mirror ng elevator na nakangiting tinititigan lang ako ni Chlyde kaya napapangisi ako. Hilig talaga mangtitig to, type ata ako neto eh. Pagkarating namin sa baba, nakaready na yung sasakyan niya kaya sumakay na ako at ganun rin siya. "Bilis! Bagal eh, ano ka chix?" Atat kong sambit, ang bagal kasi eh. "Oo na! Hindi ka manlang excited eh." Sarkastikong sambit niya na kitawa ko. Sinuot ko nalang yung shades ko habang nagbabyahe. Im only wearing white v-neck shirt and pants and my favorite converse shoes. Hindi na ako nagbongga ng damit, mamamasyal lang naman eh.^O^ ========================================================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD