Chapter 11

1592 Words
Chapter 11 MSCMMRC®2016 ======================================================== Aliw na aliw ako sa mga tanawin habang nagdadrive si Chlyde. Dadalhin daw niya ako dun sa underground river na sikat na sikat dito sa Palawan. MAhilig naman ako sa adventure at pumunta kung saan-saan. Actually first choice ko kumuha ng tourism, pero nagbago isip ko at kumuha ng BM. Pagkahinto ng sasakyan mabilis naman akong bumaba at hinintay siya. Na-agaw yung attensyon ko sa isang shop na mganagbebenta ng mga souviniers at ilang mga t-shirt kaya bago pa makahakbang si Chlyde ay hinila ko agad siya at dinala dun sa shop. "Hila ka ng hila! Muntik pa akong masubsob dun kanina!" Singhal niya at inayos yung shades niya. Kumuha ako ng isang t-shirt na kulay blue at tinapat sa katawan niya. "I'll take this." SAbi ko at kumuha din ng isa pang tshirt na kapareho yung kulay, yung katabi lang naman. Maliit at para sa babae. Binayaran ko muna yung damit atsaka ko napansin si Chlyde na naglilibot sa loob ng shop, di na nga tumitingin sa computer niya yung babae sa cashier kundi doon na sa kasama ko. Sunod-sunod din yung pagtunog ng pintuan ng shop, indikasyon na may mga pumapasok na costumers. NApapansin ko rin yung mga tauhan dito sa shop na mga babae na kinikilig at panay hampasan pa habang pinagmamasdan ang walang kamuwang-muwang na si Chlyde. "Mahaharot." Bulong ko at tinaasan ng kilay yung mga babae at inirapan kahit di naman sila tumitingin sa akin. "U-uh, Hi p-po. Kayo s-i Chlyde Exor diba?" Pinanuod ko muna yung tatlong babae na lumapit kay Chlyde. "Yes. Why?" Sabay pacute pa ng loko. =,= Che! Akala mo kinadagdag sa kagwapuhan niya. Hindi! Rinig ko pang nagtilian yung mga babae atsaka na ako sumandal sa cashier counter at pinanuod nalang sila na pinagkakaguluhan si Chlyde na enjoy na enjoy pa sa nangyayari sa kanya. "Papicture po!" "Ang gwapo niyo talaga, sobrang gwapo pa sa personal. " "May girlfriend po kayo?" Inalis ko yung shade ko at nilagay sa ulo ko at nakangiting pinapanuod sila habang pinaglalaruan yung t-shirt na kinuha ko para kay Chlyde. "Haha, thanks. And no, I dont have any." Dun ko na binato yung tshirt. Ewan ko, totoo naman kasi. Pero bakiit?! NAiinis ako. Peste yan! Napatingin naman sila sa gawi ko pati si Chlyde na ngumiti lang. "BABE! Anong wala kang girlfriend? Isusumbong kita sa mga Kuya mo eh." Sabay ngisi ko sa kanya. Nakita kong napalunok naman siya at tumawa ng pagak atsaka lumapit sa akin sabay akbay. "I dont have any girlfriend, because I had a fiance! Meet my future wife guys, Jayd."  Di ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya kahit naman di yun totoo. Malusutan lang yung sinabi niya dun sa mga 'fans' niya. Haha! "Ah, ga-ganon po ba? Sayang."  Kinurot ko lang siya sa gilid na kinadaing niya ng mahina at pinukulan ako ng masamang tingin. "Sige girls, Alis na kami. Nagdedate kasi kami eh, see you around." Napapailing nalang ako at nagpagiya sa kanya palabas "Grabe naman to nagselos agad." Pangaasar niya. Binato ko lang yung paper bag sa kanya tsaka napatawa. "You're making me laugh Chlyde." NAtatawang sambit ko." I dont like you, playboy." Sabi ko at pumasok sa cr at nagbihis. Nakaprint yung Underground river na picture sa tshirt at may pangalan ng Palawan. Mabilhan ko nga rin yung tatlong yun. ** Binigyan ako ng flashlight ng mag-totour sa amin sa River at pinasuot rin nila kami ng lifevest. Isusuot ko nalang yung helmet para makasakay na ako sa bangka. Excited na me *▽*. "Ako na." Presinta ni Chlyde ng hindi ko malagay ng maayos yung lock ng helmet. Ang hirap rin kasi, hindi ko kaya makita. At dun ko ulit nakuha yung chance na mapagmasdan yung mukha niya. Shet, ang kinis talagang mukha neto. "Wala pa nga tayo sa loob namamangha ka na kaagad. Magandang view rin ba pagmasdan ako?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya na kinatawa niya. "Makagat ka sana ng paniki. At tabihan ng white lady, alam mo mga kwento sa amin. Sa lahat ng kweba may mga multo daw na nakatira." Syempre joke lang yun, walang kwento na ganun. Gusto ko lang pagtripan to. Alam kong takot sa multo to eh. "Walang ganyanan JD!" Sambit niya at dumikit sa akin sa bangka. And now its my turn to laugh. Nakakatawa tong lalaking to. And the moment na makapasok kami napapahigpit yung kapit niya sa akin. Malamig rin dito. Tawa lang ako ng tawa sa mukha ni Chlyde, pero mahina lang. Hindi siya mapakali sa inuupuan niya, wala kasi siyang katabi at tanging kaming dalawa lang dito sa pinakahuling upuan ng bangka. Trip niya lang daw dito kaya dito kami. "Chlyde tingnan mo dun oh, may nakikita ako. Bumukas ata third eye ko." Mas humigpit yung hawak niya sa akin at pagkatingin ko sa kanya, nakapikit pala. "Pfft.." "Hoy, dumilat ka nga. Mukha kang tanga! Tingnan mo oh, ang ganda ng kweba. Ang daming paniki sa taas oh." Sabi ko at napatingin sa taas, nagkukumpulang mga paniki at tila natutulog. "Ayoko, may multo eh." Mas lalo pa akong natawa tsaka pilit na inaalis yung kamay niya sa braso ko. NAalis ko nga, yumakap naman sa akin. *dugdugdugdug* Ano yun? Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko yung t***k ng puso ko. Bakit? Hindi naman ako natatakot eh, parang kinakabahan lang ako na ewan. Hinayaan ko nalang siya na nakayakap sa akin hanggang makalabas na kami sa kweba, naenjoy ko yung tour. Nagsibabaan na yung mga kasama namin pero hindi naman ako makatayo kasi nakayakap parin sa akin tong playboy nato. Bumigat na nga eh. "Bitawan mo na nga ako!" Sabi ko. Nilingon ko siya at nakita kong mahimbing yung tulog. =__= "Ma'am picturan po namin kayo ah?" MAgsasalita pa sana ako ng pinicturan na kami nung isang photographer, niyugyog ko nalang ng malakas si Chlyde na kinagising niya. Ngumiti lang siya at nagunat. "Tara. ANg boring naman nun, wala akong makita sobrang dilim." "Paano ka makakakita? Nakapikit ka eh. Takot ka talaga sa multo no? Hahahaha!" tawa ko at napapahampas pa sa kanya. Naalala ko nanaman yung mukha niya kanina habang nakapikit siya at takot na takot. Isa-isa rin naman namin inaalis yung vest at helmet namin sabay abot dun sa crew na nag a-assist sa amin. "Ah ganun ah?" Rinig kong sambit niya tsaka nalang ako biglang umangat sa lupa at binuhat ako na parang sako. "CHLYDE! IBABA MO NGA AKO!" Sigaw ko at nagpupumiglas. Tumawa lang siya tsaka siya at hindi ako pinakinggan. "Eh kung ayoko?" "ISA! Ibaba mo na ako kundi—" "Kundi ano?" Napatahimik naman ako, kundi ....ano kaya? "Kundi sasabihan ko yung multo na bisitahin ka. SIge! Kaya ko yun." hindi parin niya ako pinakinggan kundi naglakad nalang siya. I give up. "Yiiee..ang sweet nila!" "Bagay sila no? Ang gwapo rin ni Chlyde!" "Kailan kaya dadating si Mr.Right? Gusto ko kagaya ni Chlyde." "Couple goals!" Napapasapo naman ako sa noo ko. This is embarrassing. Huminto naman siya at mabuti naman naisipang ibaba na ako. "Ano, pagtatawanan mo pa ako?" Napaisip naman ako at ngumisi sa kanya na kinadilim ng mukha niya sa akin. "Wah! Takot siya sa multooo! Hahaha." Sabay takbo ko papalayo sa kanya, nagpaikot-ikot ako sa mga benches at tables, pati yung ilang mga tao na nakikita ko pinapalibutan ko rin para hindi ako mahabol nung playboy na takot sa multo. HAhaha Para naman kaming mga bata neto, naghahabulan. At inaasar ko pa. HAha "JD!!" "Takot ka sa multo! Bleh!" Sabi ko pa at tumakbo lang ng tumakbo. Nakikita ko yung mga tao na napapangiti lang sa amin at yung ilang mga babae, tili ng tili at kinikilig pa habang pinapanuod kaming dalawa na naghahabulan. Nahinto lang ako sa pagtakbo ng may mabunggo ako sabay yakap pa sa akin. Nagulat nalang ako kaya mabilis akong kumalas at tiningnan yung letseng to. "JD!" Nakangiti niyang sambit. Tinaasan ko lang siya ng kilay at akmang aalis na ng hinawakan niya yung kamay ko tsaka ulit ako niyakap. "I missed you. And please, come back to me.. maybe destiny already did a way for us to see each other again after 1 year. I still love you Jayd." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya kaya mabilis kong inagaw yung kamay ko at nagpamewang sa kanya. "Everything happened between us 3 years ago, is all in the past Rayver. Lets forget it, but I dont want you back. Im happy for what im into my life now. Its nice having you in my life Rayvs. But goodbye!" Lintanya ko at tumalikod na pero makulit talaga lahi neto eh. Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang braso ko. He's mad. "No. I want you back JD. Dont ever leave me. You will never!" Sabay pwersahan akong hinila pero lumalaban na ako. And the next thing I knew, is that Rayver is on the ground and holding his chin. "DONT TOUCH MY GIRLFRIEND!" Buong lakas na sigaw ni Chlyde at sinuntok ulit si Rayver at hinila na ako palayo. I cant see his face kasi nauuna siya habang hinihila ako. "Chl—" "Shut up!" Nagulat naman ako sa pagsigaw niya kaya napatahimik nalang ako at nagpahila sa kanya hanggang sa sasakyan niya at umalis na kami. Nakakatakot naman pala tong si Chlyde. Di ko alam kung anong kasalanan ko bakit pati sa akin nagagalit yan. >_< "Si ano yun..si Rayver Lopez, you know fling ko." Sabi ko, trying to have a conversation. Galit parin yung mukha niya kaya napalunok nalang ako at humarap sa kanya. Di ko alam pero, parang kailangan kong mag explain sa kanya eh. Di ko naman syota yan eh?! Bakit ako mag eexplain? Sige na nga! "Ano, pinipilit niya kasing magbalikan kami. Eh ayaw ko, kaya pwersahan niya akong hinila at ayun nga dumating ka." Sabi ko. At hinintay yung sasabihin niya. Pero, nganga. Powtek naman oh! Bahala ka nga, wala naman akong kasalanan eh! ========================================================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD